Alex Gonzaga natuwa sa anak ni Zeinab Harake: "Ang sarap ng may baby."

Bumawi si Alex Gonzaga sa kaniyang inaanak na si Bia dahil hindi siya nakapunta sa birthday celebration nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ipinasilip ng aktres at TV host na si Alex Gonzaga sa isang vlog sa kaniyang YouTube channel ang nangyari sa pagbisita niya kina Zeinab Harake at anak nitong si Bia. Matatandaan na kaka-celebrate lang ng one-year old birthday ni Bia.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Alex Gonzaga natuwa kay Baby Bia
  • Pregnancy journey ni Alex

Alex Gonzaga natuwa kay Baby Bia

Larawan mula sa screenshot ng YouTube vlog ni Alex Gonzaga

Isang bagong vlog na naman ang inupload ng aktres na si Alex Gonzaga sa kanyang YouTube channel. Sa kanyang bagong video pinasilip niya ang kaganapan sa kanyang pagbisita sa bahay ng mag-inang Zeinab Harake at ang anak nitong si Bia.

Ayon sa aktres hindi raw kasi siya nakadalo sa ginanap na kaarawan ng inaanak na si Bia kaya personal niyang iaaabot ang regalo nito para sa bata.

Sa vlog makikitang nakipagkulitan at labis na natuwa si Alex Gonzaga nang makita si Baby Bia. Kaya naman biniro ni Alex si Zeinab, na isang sikat na social media influencer.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Ang sarap ng may baby. Akin na lang ‘yan!”

Sabay naman nilang binuksan ang regalong dala ni Alex kung saan binigyan niya ng ternong dress si Baby Bia. Hindi rin kinalimutan ng aktres si Zeinab nang bigyan niya ito ng kwintas bilang regalo.

Bumanat pa ng biro si Zeinab na hindi niya raw naintindihan ang nakasulat na ‘disinfectant’ kaya raw pati sa pagmamahal ay ‘di siya nakaintindi.

Ito ay mistulang pagpaparinig sa social media personality. Dahil nitong nakaraang araw lang ay naging laman ng balita ang hiwalayan nila ng dating partner na si Skusta Clee dahil sa pagloloko raw nito.

Humabol pa ng biro ang dalawa patungkol sa paggawa ng kanta sa mag-ina,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Gagawan ka rin daw ng kanta ni Tata (Alex Gonzaga). Ayoko na lalayo na ako sa mga taong gagawan lang kami ng kanta tapos hindi naman seseryusohin.”

Pagbabahagi rin ni Zeinab, ang unang natutunang salita raw ng kanyang anak ay ‘ganda’ dahil ito ang palaging naririnig ni Baby Zia sa mga tao. Sumunod na lang daw niya natutunan ang salitang ‘mama’.

Larawan mula sa Instagram account ni Alex Gonzaga

Makikita rin na maging sa Instagram account ni Alex ay in-upload niya ang mga larawan nila ni Baby Zia kung saan karga-karga niya ito. Sinabi niya rito na pareho niya raw mahal ang mag-ina,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Visiting my inaanak Bia!!! ‘Di naka punta sa birthday kaya late gift ni ninang. Mahal natin pareho ang mag-inang to!”

Ganito rin ang naging komento ng ate niyang si Toni Gonzaga sa mga larawan,

“We love you Zeinab Harake and Bia.”

BASAHIN:

Zeinab Harake inaming hiwalay na sila ni Skusta Clee: “Nandidiri ako sa sarili ko!”

Alex Gonzaga on miscarriage: “I pray that the Lord will comfort Mikee because I know that he really wanted this.”

Zeinab Harake pumalag sa nagsabing gumagawa siya ng issue: “Halos ikamatay ko na, sasabihin scripted?”

Pregnancy journey ni Alex

Larawan kuha mula sa Instagram account ni Alex Gonzaga

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ikinwento ni Alex Gonzaga sa kanyang Instagram account ang kanyang pregnancy journey at kung gaano ito naging “heartbreaking” para sa kanilang pamilya, Matatandaan na noong October 2021 ay nilahad ni Alex na nakunan siya sa kanilang baby ni Mikee Morada.

Wika ni Alex, nalaman nilang magkakaroon siya ng anembryonic pregnancy. Ito ay ang pangyayari kapag huminto sa pag-develop ang embryo.

“The waiting and praying tested our faith and there were a lot of crying. Everyday we were clinging on to a miracle that an embryo would still appear but last Tuesday, the Lord’s will prevailed and we finally closed the book of our first pregnancy.”

Ayon sa aktres ibinahagi niya raw ang kuwentong ito upang maging inspirasyon para sa ibang mag-asawan may kaparehong kalagayan ng sa kanila. Mensahe ni Alex Gonzaga sa ibang mommy na may kaparehong sitwasyon niya, na hindi nila kasalanan ang pangyayari.

“We share our story to give hope that in the midst of this pain and loss the Lord will always sustain you. To any couple who’s going through this or who might go through this pain, don’t ever lose hope. It’s not your fault this happened.”

“At your own pace you can start to grieve and heal. Mikee and I held on to our Lord Jesus to prepare and help us accept our situation. He blessed us with a kind of LOVE that is ready to understand. We know that in His perfect time He will bless us with our ultimate desire.”

Nagpasalamat naman siya sa kanyang baby na sa kabila ng maiksing panahon ng pagsasama ay minahal niya nang lubos,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Ange Villanueva