WATCH: Alex Gonzaga at Mikee Morada, ikinasal na!

Congrats Alex Gonzaga and Mikee Morada! 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Panoorin ang wedding video nina Alex Gonzaga at nobyo nitong si Mikee Morada!

Mababasa sa artikulong ito:
  • Alex Gonzaga and Mikee Morada wedding
  • Mensahe ng dalawa sa isa’t-isa

WATCH: Alex Gonzaga at Mikee Morada, ikinasal na!

Nitong hapon lamang ng linggo, ipinasilip ng aktres ang kanilang naging simple wedding ceremony kasama ang malalapit na kapamilya.

“We’re married!” paunang anunsyo ni Alex Gonzaga sa kaniyang vlog nitong January 17 ng hapon. “Kinasal na po kami. Isa na po akong misis. Isa na po akong maybahay, isa na po akong wife.”

Alex Gonzaga and Mikee Morada wedding | Image from Instagram

Buwan ng November noong nakaraang taon nang ikinasal ang dalawa sa simpleng tahanan nila. Dagdag pa ni Alex, hindi muna nila ibinahagi sa publiko dahil gusto muna nilang i-celebrate ng pribado ang kanilang wedding.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“It’s because we wanted to celebrate together as a family muna. Alam namin na may pandemic. We just wanted to keep it to ourselves for a little while to celebrate.”

Mapapanood sa vlog ni Alex ang simpleng mensahe nito sa kaniyang asawa na si Mikee.

“When I met you, I was used to people always seeing the bad side in me. But when you came into my life, every day, you keep on making me feel that I am a prized possession. You made me feel like I’m a winner by just being me. And little by little, I am finding peace within myself.”

Alex Gonzaga and Mikee Morada wedding | Image from Instagram

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sagot naman ni Mikee, “I promise to take care of you, gaya nung sinabi ko sa’yo nung una kitang tinanong. I promise to take care of you always and to protect you. I love you and thank you for everything.”

Matatandaang mahigit apat na taon na si Alex at si Mike na kasalukuyang councilor ng Lipa Batangas si Mikee.

BASAHIN:

KZ Tandingan at Tj Monterde kasal na!

LOOK: Andi Eigenmann at Philmar Alipayo, engaged na!

Ryza Cenon sa usapang pagpapakasal kay Miguel: “Masyado pang maaga.”

Alex and Mikee’s love story

Naikwento ni Alex na si Piolo raw ang nagpakilala sa kanilang dalawa ni Mikee. Aniya, noong sinabi raw ni Piolo sa kaniya na mayroon itong ipapakilala sa kaniya ay mayroong ibang manliligaw ang aktres.

Ngunit nang hindi natuloy, tinanong ni Alex si Piolo tungkol sa ipapakilala sa kaniya, at dito na nagsimula ang kanilang love story.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dagdag pa ni Alex na sa lahat raw ng kaniyang na-date, si Mikee raw ang pinaka-katulad niya pagdating sa mga values. Ito raw ay isa sa mga dahilan kaya okay na okay sa kaniya ang nobyo.

Si Mikee ay isang negosyante at nanunungkulan bilang konsehal ng Lipa.

Noong December 27, 2019, nag-propose si Mikee kay Alex during a trip to Hong Kong.

Dapat ay ikakasal ang dalawa noong October 2020 ngunit hindi ito natuloy dahil nagkaroon ng COVID-19 ang magkasintahan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Matapos maka-recover ang dalawa mula sa sakit ay natuloy na rin ang kasal na pinapangarap ng dalawa.

Congratulations Mikee and best wishes Alex!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Written by

Mach Marciano