KZ Tandingan at Tj Monterde kasal na!

KZ Tandingan at Tj Monterde kasal na!

“Nakakahiyang mag-kiss sa harap ng mga tao.” - KZ Tandingan

Kinumpirma na nina Kz Tandingan at Tj Monterde ang kanilang pagpapakasal. Kinasal sila noong Agust 28, 2020 sa The Farm sa San Benito Batangas.

 

KZ and TJ’s wedding

Kahapon, October 8, inulpoad ni KZ Tandingan sa kaniyang YouTube channel ang music video para sa kaniyang bagong kanta kasama ang kaniyang asawa na si Tj Monterde na “Can’t Wait To Say I Do.” Sa naturang video makikita ang mga clip sa wedding ng dalawa kasama na ang wedding preparation nilang dalawa.

Nag-release din ang kanilang kinuhang official photographer at videographer na Mayad Studios ng kanilang mga larawan sa kasal. Ayon pa sa caption ng Mayad Studios,

“Friends to lovers, to husband and wife. It’s a love story many have already heard before, but TJ and KZ definitely proved that they are quite the extraordinary couple — since day one, and up to their wedding day. And so here it is — a wonderful surprise for most! They held a small and intimate wedding, only known to their closest family and friends, and a few wedding suppliers,”

Si Martin Nievera ang kasama ni KZ papunta sa altar. Matatandang si Martin Nievera ang isa sa mga judge noon sa The X factor Philippines kung saan nanalo si KZ Tandingan.

Ang kanila namang event stylist na si Gideon Hermosa ay nag-post din ng isang short video clip nina KZ Tandingan at Tj Monterde habang nagpapalitan sila ng mga halik bilang mag-asawa.

Maririnig ba sa video si KZ Tandingan na sinasabing, “Nakakahiyang mag-kiss sa harap ng mga tao.” Makikita rin sa video ang unti-unting paglapit ni TJ kay KZ upang halikan ito. Sabay sabi na “Thank you Lord.”

Tumugtog din sa kasal nina Kz Tandingan at TJ Monterde ang beteranong musikero na si Ebe Dancel. Sa kaniyang post sa kaniyang Facebook account makikita ang pagbabahagi niya ang photo kasama si KZ at TJ habang may hawak itong gitara at kinakanta ang Bawat daan habang naglalakad ito sa altar.

“The only photo i had with KZ Tandingan and TJ Monterde the day they got married. I stood under a mango tree and sang Bawat Daan as KZ walked towards the love of her life. They’re good people and deserve a life of happiness. Love you KzTj! – Credits to Mayad Studios”

Pinapurihan naman ng mga netizen ang aesthetic at ganda ng kasal ng dalawa.

“Congrats KZ at TJ sana kami rin soon.”

“What a beautiful wedding, KZ is rocking her white suite.”

“The wedding is so beautiful and the photos is so good. Congratulations Kz and Tj.”

Matatandang December last year nang inanunsyo nila ang kanilang engagement, at ngayon nga finally ay ikinasal na sila kahit sa gitna ng pandemic. Congratulations KZ Tandingan at Tj Monterde.

 

Source:

KZ Tandingan YouTube channel 

 

BASAHIN:

LOOK: Bettinna Carlos, engaged na sa non-showbiz boyfriend!

Solenn Heussaff inamin na 8 buwan na silang hindi nagtatalik ni Nico Bolzico

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

Marhiel Garrote

Article Stories
app info
get app banner