Misis ni Alfred Vargas, nanganak na

lead image

Isang healthy baby boy ang pinakamagandang regalong natanggap ng pamilya ni Alfred Vargas ngayong pasko.

New daddy na ulit si Alfred Vargas matapos ligtas na nakapagsilang ang kaniyang Fil-Italian wife na si Yasmine Vargas ng isang healthy baby boy nitong Sabado, December 22. Ang bagong miyembro ng kanilang pamilya ay pinangalanan nilang Alfredo Cristiano E. Vargas IV alinsunod sa pangalan ng kaniyang ama na si Alfred Vargas.

Alfred Vargas kasama ang kaniyang misis.

Screenshot from Yasmine Vargas Instagram account

Ang magandang balita ay ibinahagi ng actor sa pamamagitan ng isang Instagram post na kung saan ang kaniyang sinabi ay:

Hi everyone ❤️ I have the honor of introducing to you, for the first time, my son, ALFREDO CRISTIANO E. VARGAS IV ❤️ Thank you for all your messages of love and support! They truly kept us strong throughout this journey, especially @yasmine_vargas2307 ❤️Thank you for your prayers. They worked! God is indeed great! ❤️ Merry Christmas and a Blessed New Year to all! #vargasnapagibig #alfredocristianovargasIV #grateful #thankyoulord 🙏🏽 #alfredvargas

Lubos nga ang pasasalamat ng actor-politician sa mga dasal na pinaabot ng kaniyang mga fans at followers ng maayos na nakapanganak ang kaniyang asawa. Ito ay dahil sa napaaga at hindi inaasahang paglabas nito. Naikwento nga ni Yasmine, asawa ni Alfred Vargas sa isa niyang Instagram post kung gaano siya kinabahan sa kaligtasan ng kaniyang baby boy ng malaman niyang siya ay 2-3 cm dilated na at kailangan ng dalhin sa ospital.

 

View this post on Instagram

 

This photo was taken yesterday during my birthday lunch, only two hours before my OB-Gyn told me (after my regular check-up) that I need to be admitted to the hospital because I was already 2-3cm dilated! Yesterday, when I woke up in the morning I knew something was going to happen (ay naku manghuhula talaga ako palagi). Cristiano will be a December baby after all. Currently on complete bed rest and taking steroids and another medicine to prevent contractions. I’m only 35 weeks 🙁. He will be a late preterm baby. I pray that he will stay in my womb till he’s 36 weeks or at least 1 day more so we can finish the steroids cycles tomorrow and help his lungs mature faster. Please pray for us 💙. #vargasnapagibig

A post shared by 🌸 𝐘𝐚𝐬𝐦𝐢𝐧𝐞 𝐄. 𝐕𝐚𝐫𝐠𝐚𝐬 🌸 (@yasmine_vargas2307) on

Sa isang Instagram post nga din ni Yasmine ay pinost niya ang parehong litrato ng kanilang bagong sila na anak na kung saan ipinabatid niya ang kaniyang kasiyahan sa pagdating ng pogi nilang baby boy na the best birthday at Christmas gift nga daw para sa kaniya.

Ito ay dahil ilang araw bago magsilang sa pangatlo nilang anak ni Alfred Vargas ay nagdiwang ng kaarawan si Yasmine na pabirong binati ni Alfred Vargas sa Instagram na kung saan sinabi niya na:

Happy 21st Birthday, Amore Ko @yasmine_vargas2307 ❤️ I love you! #vargasnapagibig #happybirthday #beautifulkahitbuntis #sexybuntis

 

View this post on Instagram

 

Happy 21st Birthday, Amore Ko @yasmine_vargas2307 ❤️ I love you! #vargasnapagibig #happybirthday #beautifulkahitbuntis #sexybuntis

A post shared by Alfred Vargas (@alfredvargasofficial) on

Ang pabirong niyang pagbati ay dahil sa kahit buntis at 29 years old na ay looking young at sexy parin ang Marian Rivera look-alike na asawa.

Samantala, una ng pinakita ni Alfred Vargas ang kaniyang excitement sa pagdating ng kanilang baby boy na si Cristiano sa gender reveal nito.

Si Alfred Vargas at Yasmine ay mayroong din dalawang anak na babae na sina Alexandra Milan at Aryana Cassandra. Kaya naman answered prayer at best gift this Christmas nga talaga ang pagdating ng kanilang baby boy na si Alfredo Cristiano na pinakahihintay nila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alfred Vargas (@alfredvargasofficial) on

Sa ngayon si Alfred Vargas ay ang representative ng Fifth District ng Quezon City.

Ikinasal sila ng kaniyang misis na si Yasmine noong August 2010 na noon ay nagdadalang-tao na sa kanilang unang anak na si Alexandra Milan. Matapos ang kasal ay bumalik sa Italy si Yasmine para doon manganak na nagbigay silang sa kanilang panganay Oktubre ng parehong taon. Noong una ay piniling huwag isapubliko ng mag-asawa ang kanilang pagpapakasal at pagkakaroon ng anak dahil sa hiling ng pamilya ni Yasmine para makaiwas sa maiinit na mata at bibig ng showbiz.

Noong June 11, 2011 sa binyag ng kanilang anak na si Alexandra ay opisyal na ipinakilala ni Alfred Vargas ang kaniyang asawa sa publiko. Dahil ito sa hindi na matatagong pagkakataon na kung saan mga malalapit na kaibigan ni Alfred Vargas mula sa mundo ng showbiz at politics ang imbitado para mag-ninong at ninang sa kanilang anak.

 

Sources: Filipino Reporter, PEP.ph, ABS-CBN News, GMA News

Basahin: ‘She’s my soulmate’: Alfred Vargas opens up about proposing to his wife again after 6 years

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!