X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

LOOK: Alice Dixson ipinakilala na ang kaniyang panganay

4 min read
LOOK: Alice Dixson ipinakilala na ang kaniyang panganay

Ginulat ni Alice Dixson ang kaniyang mga followers nang kaniyang ibunyag na dalawa na pala ang kaniyang anak.

Ipinakilala na ng actress at former beauty queen na si Alice Dixson sa kanyang Instagram account ang kanyang panganay na anak.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Alice Dixson ipinakilala ang kaniyang panganay
  • Surrogacy story ni Alice Dixson
alice dixson panganay

Larawan mula sa Instagram account ni Alice Dixson

Alice Dixson ipinakilala ang kaniyang panganay

Advertisement

Nagulat ang followers ng aktres at former beauty queen na si Alice Dixson nang magpost ito ng larawan ng panganay na anak sa kanyang Instagram account. Kilala si Alice Dixson bilang isa sa mga protective mom, ganoon din ang partner nito.

Sa kanyang social media account kasi ay tinatakpan at hindi niya pinapakita ang mukha ng kanyang mga anak.

Kaya nga nagulat ang mga netizens nang sa wakas ay ipakita niya na ang mukha ng kanyang panganay na si Sassa.

Halos kasabay ang post niyang ito sa pagdiriwang ng Mother’s Day. Ayon kay Alice Dixson, masaya raw siya na siya ay naging ina at sa pangalawang beses pa.

Makikita sa unang larawan ang buong pamilya ni Alice Dixson, kasama ang asawa niyang foreigner, panganay na anak, at ang bunso nilang halos toddler pa lamang.

Sinundan naman ito ng video kung saan makikita si Sassa na nasa malapit sa dagat, sweet na sweet ang bonding ng mother and daughter ng lagyan ni Alice Dixson ng kagayang flower sa kanyang tenga ang anak.

Ayon sa aktres, ang pagiging isang ina ay regalo kaya masaya siyang naranasan niya ito habang siya ay nabubuhay.

“Being a mom is a gift. I’ve been very lucky in my lifetime to experience it twice; 1st with Sassa our panganay, nang dumating nabuo ang munting pamilya.”

Dito niya rin sa caption nabanggit na kaya raw hindi niya ipinakilala ang anak noong teenager pa ito ay dahil na rin sa pagiging overprotective ng kanyang partner. Labis namang namangha ang mga tao dahil sa ito pala ay graduate na sa kanyang Masteral Degree.

alice dixson panganay

Larawan mula sa Instagram account ni Alice Dixson

Kasabay tuloy nito ang pagtatanong nila na kung paano naitago ni Alice Dixson sa publiko ang anak sa ilang taon. Ang ilan pang netizens ay nag-assume na baka hindi niya raw ito anak at sa kanyang asawa lamang. Ipinagsawalang bahala naman ng aktres ang mga ganitong katanungan sa comment section,

“Tho hindi ko sya na-introduce formally when she was a teen kasi napaka-protective ng father nya; pero ngayon na young lady na sya at masters grad pa – the world is now her oyster. I’m so very proud the woman you are & becoming… beautiful inside and out.”

Kasabay sa pagpapakilala sa kanyang anak ay binati naman niya lahat ng mga nanay na katulad niya ng “Happy Mother’s Day.”

“Happy Mother’s Day to me and all the mom (madrastas) like me… thank you for your greetings.”

BASAHIN:

Alice Dixson: “Babae po ang anak ko. Her name is Aura.”

Pokwang muntik sumuko sa buhay nang masawi ang panganay: “Ang sakit-sakit pala talaga.”

Korina Sanchez sa 3rd birthday ng twins niyang sina Pepe at Pilar: “SUCCESS ang children’s bday party na puro matatanda ang guestlist.”

alice dixson

Larawan mula sa Instagram account ni Alice Dixson

Surrogacy story ni Alice

Matatandaan na ang aktres na si Alice Dixson ay kabilang sa mga late mommies. Sa edad na 51 pa niya unang ipinakilala ang kanyang baby na si Aura.

Dahil nga sa kanyang edad ay hirap nang magbuntis si Alice Dixson, kaya ganito na lang labis-labis ang kanyang saya nang dumating ang kanyang anak kaya tinaway niya itong ‘Little Miracle’.

Isinapubliko niya ito nang mag-post siya sa kanyang Instagram account ng picture kung saan makikita ang mga baby footprint.

Dito niya rin ibinahagi sa caption kung paano niya parating hinihiniling tuwing birthday niya na magkaroon na ng anak sa makalipas na sampung taon,

“Despite the unexpected trials this year, God gave us a little miracle.”

“For those of you who really know me – you’ve known that I’ve been praying for this every year on my birthday for 10 years now. Each year – my wish the same when I blew out my candles.”

Wish come true raw na maituturing ang baby niyang ito.

“So with great patience, belief and trust – I am happy to announce my wish has finally come true. Our newest little family member has arrived.”

Taong 2019 sa interview niya sa journalist na si Karen Davila inamin ni Alice Dixson na nakailang beses na raw silang sumusubok ng kanyang partner na siya ay mabuntis ngunit lahat ay hindi nagtatagumpay.

Partner Stories
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
Acts of Love Poured into Every Glass
Acts of Love Poured into Every Glass
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together

Dahil dito, sinubukan na nila ng kanyang asawa na subukan ang surrogacy. Nagtagumpay naman at ngayon ay buo ang kanilang pamilya.

Instagram

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ange Villanueva

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • LOOK: Alice Dixson ipinakilala na ang kaniyang panganay
Share:
  • Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

    Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

  • We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

    We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

  • Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

    Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

  • We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

    We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko