Korina Sanchez nagpasilip sa naging 3rd birthday party ng twins niyang sina Pepe at Pilar.
Mababasa sa artikulong ito:
- 3rd birthday party ng anak na twins ni Korina Sanchez.
- Korina Sanchez sa pagiging isang ina.
Korina Sanchez sa birthday ng twins niyang sina Pepe at Pilar: “Next year NORMAL NA SANA.”
Image from Korina Sanchez’s Instagram account
Ito ang hiling ng TV host na si Korina Sanchez sa birthday ng twins niyang anak na sina Pepe at Pilar. Dahil nitong February 12 ay nagdiwang ng 3rd birthday ang kambal.
Pagbabahagi ni Korina, bagama’t success naman ang birthday party ng kaniyang twins ay puro matatanda ang guest ng mga ito. Ito ay dahil sa panganib pa rin ng COVID-19 pandemic na kanilang iniiwasan.
“SUCCESS ang children’s bday party na puro matatanda ang guestlist!”
Ito ang natatawang bungad ni Korina sa kaniyang IG post. Makikitang sa larawang ibinahagi niya ay Batman at Wonder Woman ang napiling character theme ng 3rd birthday ng kaniyang twins.
Dagdag pa ng TV host, hiling niya sana next year ay maging normal na ang lahat. Para naman sa susunod na birthday celebration nina Pepe at Pilar ay may mga bata at iba pang kamag-anak silang makasamang mag-celebrate.
“Even locked down kids parties can work. Yun lang, huhu, walang ibang bata and relatives. Next year NORMAL NA SANA. Claiming it. Thank you Lord for keeping my kids safe. And thanks to all for the greetings and gifts to the Dynamic Duo.”
Ito ang sabi pa ni Korina.
View this post on Instagram
Sa naunang post ni Korina sa Instagram bago ang birthday party ng mga anak, ay ibinahagi rin nito kung gaano siya kasaya sa pagiging isang ina. Nag-share nga rin siya ng mga throwback photo nina Pepe at Pilar noong sila ay mga baby pa.
“And on this day, our personal twin miracles happened. Who knew? I knew.”
“This was the day in the hospital in Pittsburgh that we first met Pepe en Pilar who, at first, we were calling Jack and Jill.”
“Unang araw pa lang, nakangiti na talaga sila. Siguro noon palang, balak na talaga nila kaming i-goodtime habambuhay.”
Ito ang sabi ni Korina tungkol sa pagdating ng kaniyang kambal na sina Pepe at Pilar at ang pagbabagong nagawa ng mga ito sa buhay niya. Sa huli, binati niya ang mga ito ng happy birthday na tinagurian niyang “double trouble”.
“Happiest 3rd Birthday today to our double trouble but double happiness Pepe en Pilar.”
Samantala, sa isa pang video na ibinahagi ni Korina sa Instagram ay makikitang masayang kinakantahan ng happy birthday ng dating senador na si Mar Roxas ang kaniyang mga kambal.
View this post on Instagram
BASAHIN:
Korina Sanchez sinagot ang mga nagtatanong kung anak nga ba niya talaga ang kambal
Korina Sanchez, nagpa-freeze na ng embryos bago pa man ikinasal
Magkano ang surrogacy? Joel Cruz, ganito ang nagastos sa kaniyang 8 na anak
Korina Sanchez sa pagiging isang ina
Image from Korina Sanchez’s Instagram account
Sa isa namang exclusive interview niya sa pahayagang The Philippine Star, ang 54 years old noon na si Korina ay sinabing isang milagro raw ang pagdating ng kambal na sina Pepe at Pilar sa buhay niya.
Dagdag pa niya ay gustong-gusto niya raw talagang maging ina dahil love niya ang mga bata. Pero dahil sa sobrang busy niya sa kaniyang career ay hindi niya ito agad nabigyan ng katuparan.
Pagbabahagi niya,
“I’ve always, always wanted to be a mom.”
“Everyone who knows me well knows that I love children. But for the longest time, because my career in news took charge, I thought it would never happen.
But now that it has happened at my age, and even if we had planned and started on this project years ago. I started with mixed feelings of uncertainty, worry, anxiety.”
Nito ngang 2019, naisatuparan na ang pangarap niyang ito sa tulong ng isang surrogate mother na kung saan doon inilagay ang frozen embryos nila ni Mar Roxas. Ito rin umano ay sinabayan niya ng dasal at novena para maging matagumpay.
Nang malaman niya namang fraternal twins ang baby nila ni Mar ay sobrang natuwa ito dahil raw one time, big time at kumpleto na agad ang family niya.
Image from Korina Sanchez’s Instagram account
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!