X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Korina Sanchez, nagpa-freeze na ng embryos bago pa man ikinasal

6 min read
Korina Sanchez, nagpa-freeze na ng embryos bago pa man ikinasal

Korina Sanchez ibinahagi ang saya at pasasalamat sa pagdating ng kaniyang twins sa buhay niya.

Korina Sanchez excited na nagbigay patikim sa kuwento ng kaniyang nanay journey sa programa niyang Rated K.

Korina Sanchez with her twins Pepe and Pilar

Image screenshot from Korina Sanchez Instagram account

Ayon nga sa teaser ng kaniyang nanay journey ay sinabi ni Korina Sanchez na hindi niya akalain na sa tagal ng kaniyang karera sa pagbabalita ay magkakaanak pa siya.

Sigurado daw ay nagulat ang lahat sa pagdating ng kaniyang “two little twin angels” na sina Pepe at Pilar.

Kaya naman para mas maliwanagan ang lahat sa nakakagulat na milestone na ito sa kaniyang buhay ay ikukwento ni Korina sa kaniyang programa kung ano at paano ang pinagdaanan niya at ng kaniyang baby twins.

Magsisimula daw ito sa panahon ng pagbuo nila ng baby project ng asawang si Mar Roxas. Pati na ang baby shower at ang pamimili ng mga gamit ng baby na sobra daw talagang exciting.

View this post on Instagram
OMG sobrang cute diba? A post shared by Korina Sanchez-Roxas (@korina) on Feb 19, 2019 at 2:52am PST

Kasama rin daw sa special feature na ito sa kaniyang programang Rated K ang byahe nilang mag-asawa papunta sa mga anak nila sa US. Ang una niyang reaksyon ng makita at mahawakan niya ang kambal niyang sina Pepe at Pilar. Ang eksena sa loob ng kanilang bahay habang inaalagaan ang mga twins at syempre ang katuparan ng kaniyang mga pangarap na maging mommy.

Mula nga sa mga patikim videos at pictures ay makikita kung gaano kasaya si Korina Sanchez habang pinapadede, pinapadighay at pinapalitan ng lampin ang kaniyang mga baby.

Dapat nga din daw abangan ang first pictorial ng kaniyang mga angels at marami pang unforgettable moments ng kaniyang pagiging ina.

Iisa-isahin niya daw ibahagi ito sa susunod na mga linggo sa kaniyang programa na kung saan very excited na siyang i-share ang katuparan ng pangarap niyang maging isang ina.

Korina Sanchez nanay journey

Sa isang exclusive interview ng Philippine Star sa 54 years old veteran journalist na si Korina Sanchez ay sinabi nito na isa daw milagro ang pagdating ng kambal na sina Pepe at Pilar sa buhay niya.

Dagdag pa niya ay gustung-gusto niya daw talagang maging ina dahil love niya ang mga bata. Pero dahil sa sobrang busy niya sa kaniyang career ay hindi niya ito agad nabigyan ng katuparan.

Ang akala niya nga ay hindi na ito mangyayari.

Pinagplanuhan daw nila ito ng kaniyang asawang si Mar Roxas ilang taon na ang nakalipas.

View this post on Instagram
The look of love. ❤️ A very heartfelt congratulations to new parents, Mar Roxas and Korina Sanchez-Roxas. 😍 . Our Metro Society cover girl shared: “I think if you believe hard enough, the miracle you most want can come true. Announcing the arrival of our little boy and little girl. We’re thinking of names. Any suggestions? Jack and Jill? Sonny and Cher? MariKor and KoriMar? Daniel and Kathryn? Did you ever think it could still happen for me? I never stopped believing.” In a statement to ABS-CBN News, the couple confirmed that the twins were “born by surrogacy from our embryos.” . Excited for this new chapter in your story. ❤️❤️❤️ @marroxasphl @korina . . . #newborns #parenthood #newparents #babies #baby #twins #congratulations #love #aparentslove #twinbabies #congrats #love #parenting A post shared by Metro Society (@metrosocietyph) on Feb 21, 2019 at 3:54pm PST

 

Sinimulan daw nila ang baby project na ito noong hindi pa sila kasal. Nauna na daw nilang pinagdesisyunan na ipafreeze ang embryos nila bago pa nga daw tuluyang huminto ang pagpitik ng oras para sa kanila.

Naging matagal naman ang pagdedesisyon nila sa kung kailan na sila ready na maging isang pamilya. Ilang taon rin ang lumipas bago sila nakapag-isip sa tamang oras na ito dahil sa pareho silang busy sa kanilang mga career.

At noong 2016 ang naging simula ng mga best life adventures nila ni Mar Roxas ng maisipan nilang isakatuparan na ang baby project nila.

Maliban nga daw sa siyensa ay naging malaking tulong rin ang prayers at novenas para maisakatuparan ang pangarap niya na ito.

Lagi nga daw ipinagdadasal ni Korina noon sa Diyos na sana ay protektahan ang frozen embryos niya noong hindi pa sila ready na simulan ang kanilang baby project.

Kahit nga daw brown-out ay hinihiling niyang huwag mangyari para lang hindi mawala ang pag-asa niyang magkaanak, pabirong sabi ni Korina.

Sa tulong nga din daw ng mga professionals sa ibang bansa ay nasimulan at naayos nila sa wakas ang kanilang baby project.

Partner Stories
Shop the Philippines' Celebrated Designers at Greenbelt this Christmas
Shop the Philippines' Celebrated Designers at Greenbelt this Christmas
BakuNation! Isang taong pagbibigay ng confidence sa mga magulang sa bakuna para sa isang healthy family
BakuNation! Isang taong pagbibigay ng confidence sa mga magulang sa bakuna para sa isang healthy family
Make your child’s home learning more fun with these exciting snack recipes
Make your child’s home learning more fun with these exciting snack recipes
Soothe, Care, and Protect Your Baby’s Diaper Area with Bepanthen Baby Ointment
Soothe, Care, and Protect Your Baby’s Diaper Area with Bepanthen Baby Ointment

Sa una nga daw ay sinubukan nilang gawin ito sa India ngunit napakabagal raw ng proseso doon. Hanggang inirekumenda sa kanila ng isang kaibigan ang isang grupo sa US na may magandang experience sa surrogacy na naging paraan para magkaanak siya.

Napakaswerte nga din daw nila sa napili nilang surrogate mother na dinescribe niyang intelligent, compassionate, kind at very responsible.

Korina Sanchez life with her twins

Nang malaman niya namang fraternal twins ang baby nila ni Mar ay sobrang natuwa ito dahil daw one time, big time at kumpleto na agad ang family niya.

Korina Sanchez baby

Image screenshot from Rated K video

Sa pagpadede ng kaniyang twins ay pinapasalamatan parin ni Korina ang technology. Mabuti daw at mayroong kumpanya sa US na nagsusupply ng mother’s milk kaya naman exclusively breast milk ang gatas ng kaniyang mga baby. Para daw masigurong healthy, strong at may resistance laban sa infections ang kambal niya.

View this post on Instagram
Ako kahit puyat Kailangan fab parin pag hinaharap ko ang mga anak ko… Oo nga pala, Hindi pa sila nakakakita…😎🤣😂💚 Andaming nagrerequest pakita daw ng mukha ng mga bata…O sige na nga. Abangan nalang mamaya sa TVPatrol ha? Promise.✋️💚 A post shared by Korina Sanchez-Roxas (@korina) on Feb 21, 2019 at 8:54pm PST

 

Ngayon nga daw na si Korina ay isang mommy na ay magkahalong feelings ng uncertainty, worry at anxiety ang nararamdaman niya. Dahil iniisip niya na baka magkaroon ng pagkakamali na makaapekto sa future ng mga baby niya.

Heaven nga daw ang pagdating ng kaniyang two little angels na tila nag-renew ng kaniyang energy at nagsimula siyang makaramdam na para siyang bumata.

Sabi pa ni Korina ay parang mabubuhay siya ng hanggang 120 years old dahil sa twins niya.

Sa ngayon ay nasa US parin si Korina kasama ang kaniyang kambal na anak.

Hinihintay lang nilang maayos ang papeles ng mga ito bago sila tuluyang bumalik sa Manila, na perfect din habang nagpapalakas pa ang mga baby niya para sa mahabang biyahe pabalik.

Hindi nga maitago sa ningning ng mga mata ni Korina Sanchez ang malaking pagbabago na ibinigay ng kaniyang twins sa buhay niya na ika niya nga ay katuparan ng pangarap niyang maging isang ina.

 

Sources: Philstar, ABS-CBN News

Basahin: LOOK: Korina Sanchez reveals photos and names of her twins

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Mga kilalang tao
  • /
  • Korina Sanchez, nagpa-freeze na ng embryos bago pa man ikinasal
Share:
  • LOOK: Korina Sanchez reveals photos and names of her twins

    LOOK: Korina Sanchez reveals photos and names of her twins

  • Korina Sanchez sinagot ang mga nagtatanong kung anak nga ba niya talaga ang kambal

    Korina Sanchez sinagot ang mga nagtatanong kung anak nga ba niya talaga ang kambal

  • Aubrey Miles sinisi ang sarili sa autism ng kaniyang anak: "As a mom parang ako ba to? What did I do?"

    Aubrey Miles sinisi ang sarili sa autism ng kaniyang anak: "As a mom parang ako ba to? What did I do?"

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

  • LOOK: Korina Sanchez reveals photos and names of her twins

    LOOK: Korina Sanchez reveals photos and names of her twins

  • Korina Sanchez sinagot ang mga nagtatanong kung anak nga ba niya talaga ang kambal

    Korina Sanchez sinagot ang mga nagtatanong kung anak nga ba niya talaga ang kambal

  • Aubrey Miles sinisi ang sarili sa autism ng kaniyang anak: "As a mom parang ako ba to? What did I do?"

    Aubrey Miles sinisi ang sarili sa autism ng kaniyang anak: "As a mom parang ako ba to? What did I do?"

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.