LOOK: Alice Dixson ipinakilala na ang kaniyang panganay

Ginulat ni Alice Dixson ang kaniyang mga followers nang kaniyang ibunyag na dalawa na pala ang kaniyang anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ipinakilala na ng actress at former beauty queen na si Alice Dixson sa kanyang Instagram account ang kanyang panganay na anak.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Alice Dixson ipinakilala ang kaniyang panganay
  • Surrogacy story ni Alice Dixson

Larawan mula sa Instagram account ni Alice Dixson

Alice Dixson ipinakilala ang kaniyang panganay

Nagulat ang followers ng aktres at former beauty queen na si Alice Dixson nang magpost ito ng larawan ng panganay na anak sa kanyang Instagram account. Kilala si Alice Dixson bilang isa sa mga protective mom, ganoon din ang partner nito.

Sa kanyang social media account kasi ay tinatakpan at hindi niya pinapakita ang mukha ng kanyang mga anak.

Kaya nga nagulat ang mga netizens nang sa wakas ay ipakita niya na ang mukha ng kanyang panganay na si Sassa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Halos kasabay ang post niyang ito sa pagdiriwang ng Mother's Day. Ayon kay Alice Dixson, masaya raw siya na siya ay naging ina at sa pangalawang beses pa.

Makikita sa unang larawan ang buong pamilya ni Alice Dixson, kasama ang asawa niyang foreigner, panganay na anak, at ang bunso nilang halos toddler pa lamang.

Sinundan naman ito ng video kung saan makikita si Sassa na nasa malapit sa dagat, sweet na sweet ang bonding ng mother and daughter ng lagyan ni Alice Dixson ng kagayang flower sa kanyang tenga ang anak.

Ayon sa aktres, ang pagiging isang ina ay regalo kaya masaya siyang naranasan niya ito habang siya ay nabubuhay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"Being a mom is a gift. I’ve been very lucky in my lifetime to experience it twice; 1st with Sassa our panganay, nang dumating nabuo ang munting pamilya."

Dito niya rin sa caption nabanggit na kaya raw hindi niya ipinakilala ang anak noong teenager pa ito ay dahil na rin sa pagiging overprotective ng kanyang partner. Labis namang namangha ang mga tao dahil sa ito pala ay graduate na sa kanyang Masteral Degree.

Larawan mula sa Instagram account ni Alice Dixson

Kasabay tuloy nito ang pagtatanong nila na kung paano naitago ni Alice Dixson sa publiko ang anak sa ilang taon. Ang ilan pang netizens ay nag-assume na baka hindi niya raw ito anak at sa kanyang asawa lamang. Ipinagsawalang bahala naman ng aktres ang mga ganitong katanungan sa comment section,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"Tho hindi ko sya na-introduce formally when she was a teen kasi napaka-protective ng father nya; pero ngayon na young lady na sya at masters grad pa - the world is now her oyster. I’m so very proud the woman you are & becoming… beautiful inside and out."

Kasabay sa pagpapakilala sa kanyang anak ay binati naman niya lahat ng mga nanay na katulad niya ng "Happy Mother's Day."

"Happy Mother’s Day to me and all the mom (madrastas) like me… thank you for your greetings."

BASAHIN:

Alice Dixson: “Babae po ang anak ko. Her name is Aura.”

Pokwang muntik sumuko sa buhay nang masawi ang panganay: "Ang sakit-sakit pala talaga."

Korina Sanchez sa 3rd birthday ng twins niyang sina Pepe at Pilar: “SUCCESS ang children’s bday party na puro matatanda ang guestlist.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Alice Dixson

Surrogacy story ni Alice

Matatandaan na ang aktres na si Alice Dixson ay kabilang sa mga late mommies. Sa edad na 51 pa niya unang ipinakilala ang kanyang baby na si Aura.

Dahil nga sa kanyang edad ay hirap nang magbuntis si Alice Dixson, kaya ganito na lang labis-labis ang kanyang saya nang dumating ang kanyang anak kaya tinaway niya itong 'Little Miracle'.

Isinapubliko niya ito nang mag-post siya sa kanyang Instagram account ng picture kung saan makikita ang mga baby footprint.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dito niya rin ibinahagi sa caption kung paano niya parating hinihiniling tuwing birthday niya na magkaroon na ng anak sa makalipas na sampung taon,

"Despite the unexpected trials this year, God gave us a little miracle."

"For those of you who really know me - you’ve known that I’ve been praying for this every year on my birthday for 10 years now. Each year - my wish the same when I blew out my candles."

Wish come true raw na maituturing ang baby niyang ito.

"So with great patience, belief and trust - I am happy to announce my wish has finally come true. Our newest little family member has arrived."

Taong 2019 sa interview niya sa journalist na si Karen Davila inamin ni Alice Dixson na nakailang beses na raw silang sumusubok ng kanyang partner na siya ay mabuntis ngunit lahat ay hindi nagtatagumpay.

Dahil dito, sinubukan na nila ng kanyang asawa na subukan ang surrogacy. Nagtagumpay naman at ngayon ay buo ang kanilang pamilya.

Sinulat ni

Ange Villanueva