LOOK: Winter wedding ng anak ni Albert Martinez na si Alissa

LOOK: Winter wedding ng anak ni Albert Martinez na si Alissa

Bunso ng Kadenang Ginto star Albert Martinez na si Alissa Martinez ikinasal na sa Canada!

Winter wedding

Nagkaroon nga ng pag-iisang dibdib si Alissa Martinez sa partner nitong si Paulus Reyes sa Canada.

Ang ceremony ng anak ni Albert Martinez ay isa lamang intimate ceremony kasama ang ilang pamilya at malalapit na kaibigan.

Aniya nga ni Alissa sa kaniyang Instagram post, "Happiest day of my life ❤️ I love you @paulusreyes forever and ever ? #PaulusAlissa2019 ? @niceprintphoto"

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Alissa Martinez (@alissamartinez) on

Mala-winter wedding nga ang kinalabasan ng mga litrato na kuha ng Nice Print sa kasal nila Alissa at Paulus, sapagkat maliban sa puting gown ni Alissa at suit na may scarf ni Paulus, ang background ng bagong kasal ay isang nakagandang bundok na puno ng snow!

Sa kabilang banda hindi napigilan ng amang si Albert na maging emosyonal sa pagpapakasal na kaniyang bunso.

Pahayag nga ng Kadenang Ginto star sa kaniyang Instagram post, "Tears of joy ...............Seeing my Alissa looking so happy and radiant is a truly amazing experience, but it is tinged with a little sadness because it’s also the moment you realize she’s all grown up."
 

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Albert Martinez (@albertmartinezph) on

Aniya nga rin sa isang post ni Alissa, malaki ang pasasalamat nito sa Nice Print sapagkat kinapture nito ang ilang favorite moments niya sa kaniyang kasal.

Sambit nga ni Alissa sa caption nito, "I will always be Papa’s little girl ❤️ @albertmartinezph"

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Alissa Martinez (@alissamartinez) on


Nagkaroon din ng mala-winter pre-nup ang mag-asawang si Alissa at Paulus.


Si Alissa Martinez ay anak ni Albert sa namayapa nitong asawa na si Leizl. Sumakabilang buhay si Liezl sa edad na 47 dahil sa breast at lung cancer noong ika-14 ng Marso, taong 2015.

Bukod kay Alissa, may dalawa pang anak sina Albert at Liezl—sina Alyanna at Alfonso Martinez.

Si Alyanna ay nauna nang ikinasal sa photographer na si Roy Macam, at may anak na silang babae.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner