Alam mo ba kung simpleng pangangati lang ba ang nararanasan mo o mayroon ka ng allergy sa balat? Alamin ito dahil ang simpleng pantal at pamumula ay hindi dapat iwasan lang.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ano at uri ng mga allergies
- 8 sanhi ng pagkakaroon ng mga allergies
- Paano malalaman at maiiwasan ang mga allergies sa balat
Mga Skin Allergies at Contact Dermatitis
May mga dumidikit sa iyong balat, at iniisip na kaagad ng iyong immune system na nasa ilalim ng pag-atake ang iyong katawan. Ang sobrang reaksyon na ito ay nagpapadala ng mga antibodies upang makatulong na labanan ang dumapo sa iyong balat, na tinatawag na isang allergen.
Ang resulta nito’y isang pula at makati na pantal kung saan ka nagkamot. Tinawag ito na contact dermatitis. Mayroong dalawang uri:
- Ang una ay ang irritant contact dermatitis. Sanhi ito ng mga kemikal tulad ng mga panlinis.
Anumang mula sa mga halaman tulad ng poison ivy, panglinis na kemikal, pangkulay ng buhok o mga pabango na matatagpuan sa pang-araw-araw na mga produkto ay maaaring maging allergens.
- Ang pangalawa naman ay ang allergic contact dermatitis. Katulad ng tunog nito, ang iyong katawan ay tumutugon sa isang allergy trigger.
Maaari ka ring magkaroon ng isang allergic reaction sa isang bagay sa hangin na napupunta sa iyong balat, tulad ng pollen, chemical spray, pulbos, hibla, o usok ng sigarilyo.
Tinatawag itong airborne contact dermatitis, at kadalasang nangyayari ito sa iyong mga talukap, ulo, at leeg. Maaaring maging mahirap para sa mga doktor na mag-diagnose dahil hindi ito gaanong naiiba sa ibang uri.
Ang allergies sa balat ay maaari ring maging sanhi ng pamamantal at pamamaga nang malalim sa iyong balat, na tinatawag na angioedema.
Kung hindi mo maiiwasan ang mga bagay na nakaka-trigger ng iyong allergies, karaniwang maaari naman itong gamutin kagaya ng pantal at mapapagaan nito ang iyong pangangati. Karagdagan din, hindi mo ito maipapasa sa iba pa. Kaya naman, hindi ka dapat mabahala.
Mula sa Freepik
Ano ang dahilan ng skin allergies?
Tumatagal ng hindi bababa sa 10 araw upang maging sensitibo ka sa isang bagay pagkatapos ng iyong unang pakikipag-ugnay dito. Maaari mo ring mahawakan ang isang bagay sa loob ng maraming taon bago ka magkaroon ng isang allergic reaction dito.
Ngunit sa sandaling magkaroon ka na ng isang allergy, maaari kang magkaroon ng isang reaksyon sa loob ng ilang minuto lang matapos mong ma-trigger sa bagay na ito. O baka tumagal ng isa o dalawang araw.
8 pinakakaraniwang mga sanhi ng mga allergies sa balat ang mga sumusunod:
- Nickel, isang bakal na ginagamit sa mga alahas, pantalon, make-up, lotion, sabon at shampoo
- Sunscreens at mga bug sprays
- Medications na nilalagay mo sa iyong balat, katulad ng antibiotics o anti-itch creams
- Pabango
- Mga panlinis na produkto
- Mga halaman, kagaya ng mga poison ivy
- Latex, na ginagamit sa mga bagay na kinakilangan “stretchy” gaya ng: plastic gloves, elastic sa mga damit, condoms at balloons.
- Kemikal
Mas magkaroon ka ng ilang mga allergy sa balat kung mayroon kang kondisyon sa balat tulad ng eczema (maaaring tawagan ito ng iyong doktor na atopic dermatitis), pamamaga sa iyong mga ibabang binti dahil sa mahinang sirkulasyon, pangangati sa iyong mga parte ng katawan.
Ano ba ang Atopic dermatitis?
Ang Atopic dermatitis (eczema) ay isang kondisyon na nagpapapula at makati ng iyong balat. Karaniwan ito sa mga bata ngunit maaaring mangyari sa anumang edad. Ang atopic dermatitis ay pangmatagalan (chronic). Maaari itong samahan ng hika o hay fever.
Walang natagpuang lunas para sa atopic dermatitis. Ngunit ang mga paggamot at hakbang sa pag-aalaga ng sarili ay maaaring mapawi ang pangangati at maiwasan ang mga bagong pangangati ng mga ito.
Halimbawa, makakatulong ang hindi pagbili ng sabon na may matatapang na kemikal, regular na pag- moisturize ang iyong balat, at maglapat ng mga gamot na cream o pamahid.
Sintomas ng Atopic dermatitis
- Tuyot na balat
- Pangangati, lalo na sa gabi
- Itching, which may be severe, especially at night
- Pula hanggang brownish-grey patch, lalo na sa mga kamay, paa, bukung-bukong, pulso, leeg, itaas na dibdib, mga talukap ng mata, sa loob ng liko ng mga siko at tuhod, at sa mga sanggol, ang mukha at anit
- Maliit na mga bumps, at lumalabas ang mga likido mula rito kapag nakakamot
- Makapal na pamamalat
- Sensitibong balat
Mula sa Freepik
Paano ko malalaman kung saan ako may allergies?
Maaaring suriin ng iyong doktor ang iyong balat upang makita kung ano ang iyong reaksyon. Ngunit ang paghahanap ng eksaktong dahilan ay maaaring maging mahirap. Maipapakita lamang ng mga pagsusuri sa balat kung saan ka sensitibo.
Kadalasang ginagamit ng mga doktor ang T.R.U.E. pagsubok (Thin-layer Rapid Use Epicutaneous Patch Test). Ito ay isang naka-pack na hanay ng tatlong mga panel na ididikit ng iyong doktor sa iyong likuran.
Ang bawat isa ay mas maliit kaysa sa isang dolyarat mayroong 12 na mga patch na may mga sample ng mga posibleng allergies. Isusuot mo ang mga ito sa loob ng 2 araw.
Pagkatapos, aalisin ng doktor upang makita kung mayroon kang anumang mga reaksyon. Maaaring kailanganin mong bumalik ng maraming beses, dahil ang ilang mga reaksyon ay maaaring magpakita pagkatapos ng 10 araw pa.
Maaari kang magkaroon ng allergy sa balat sa isang bagay na wala sa pamantayan ng T.R.U.E. test. Upang malaman ito, ang iyong doktor ay maaaring gumawa ng maraming patch testing.
Larawan mula sa iStock
Pipili sila ng mga sangkap na maaari mong madikitan o magkaroon ng contact sa iyong trabaho, bahay, o mga lugar na lagi kang lumalagi.
Kung mayroon kang isang banayad na reaksyon sa anumang patch test, maaaring kailanganin mong mag-follow up sa isang R.O.A.T. test (Repeat Open Application Test).
Gumagana ito katulad ng T.R.U.E. test, ngunit ikaw mismo ang gumagawa sa iyong sarili. Ilagay ang pinaghihinalaang allergy. Halimbawa, lagyan ngsunscreen ang iyong balat sa araw sa araw sa parehong lugar sa loob ng maraming araw. Makakatulong ito na kumpirmahin o alisin ang iyong pagiging sensitibo s aparteng iyon.
Ang dimethylglyoxime test ay naghahanap ng mga metal na bagay na mayroong sapat na nickel upang maging sanhi ng isang reaksyon.
Paano magagamot ang Contact Dermatitis?
Ang pinakamahusay na pamamaraan ay ang pag-iwas. Alamin kung ano ang sanhi ng iyong pantal at iwasan ito. Maaaring kailanganin mong magsuot ng guwantes upang maprotektahan ang iyong balat.
Kapag mayroon kang isang reaksyon, subukang pagaanin ang mga sintomas at iwasan ang impeksyon. Huwag magkamot, kahit na mahirap itong labanan.
Ang mga produktong over-the-counter at mga remedyo sa bahay ay maaaring makatulong na mapawi ang pangangati at itigil ang pamamaga. Subukan ang mga ito:
Ang pantal ay madalas na nawawala sa loob ng ilang linggo. Ngunit kung ikaw ay patuloy na nangangati at namumula ang isang bahagi ng balat dahil may nahawakan ka o nakain na isang bawal. Magpapatuloy pa rin ang iyong allergy sa balat.
Karamihan sa mga allergy sa balat ay hindi naman nakakamatay . Ngunit sa ilang mga bihirang kaso, ang isang matinding reaksyon na tinatawag na anaphylaxis ay maaaring mabilis na kumalat sa iyong buong katawan. Maaari magresulta ito sa hirap sa paghinga at magresulta ng kamatayan. Tumawag sa 911 kung ang iyong mga labi ay nagsisimulang mamamaga o makati o sa hininga ay hininga mo.
Sources:
Web MD, Healthline , Mayo Clinic
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!