Maraming magulang ang maaaring nakarinig ng balita na ang mga batang may allergy sa gatas ng baka ay maaaring magkaroon ng problema sa kanilang pandinig o mga tenga. Kamakailan lamang, isang bata na allergic sa gatas ng baka ang napilitang uminom nito sa paaralan, na nauwi sa pagkakaroon ng otitis media o impeksyon sa gitnang bahagi ng tenga. Dahil dito, lalong nababahala ang mga magulang na may anak na may ganitong kondisyon.
Sa artikulong ito, ating tatalakayin kung may katotohanan ba ang ugnayan ng allergy sa gatas ng baka at pagkabingi, pati na rin kung paano ito maiiwasan upang maprotektahan ang kalusugan ng iyong anak.

Ano ang allergy sa gatas ng baka?
Bago natin sagutin ang tanong kung may kinalaman ba ang allergy sa gatas ng baka sa pagkabingi, mahalagang maintindihan muna kung ano ang kondisyong ito.
Ang allergy sa gatas ng baka ay isang kondisyon kung saan ang immune system ng isang bata ay labis na tumutugon sa “proteins” na matatagpuan sa gatas ng baka. Ito ay nagdudulot ng iba’t ibang reaksyong alerhiya, na maaaring makaapekto sa balat, sistemang panunaw, at sistemang panghinga.
|
Mga sintomas
|
Balat
|
- Pantal o hives
- Atopic dermatitis o eczema
- Pamumula ng balat
- Pamamaga ng mukha, labi, o paligid ng mata
-
|
Digestive system |
- Pananakit ng tiyan
- Pagsusuka at pagduduwal
- Pagtatae o madugong dumi
- Hirap sa pagdumi o constipation
|
Respiratory system |
- Sipon o baradong ilong
- Paulit-ulit na pag-ubo
- Pananakit ng lalamunan
- Hirap sa paghinga o wheezing
|
Other symptoms |
- Hindi normal ang paglaki ng timbang
- Pamumutla o panghihina
|
Sa ilang mga kaso, ang allergy na ito’y maaaring humantong sa isang matinding reaksyong tinatawag na anaphylaxis, kung saan ang bata ay maaaring makaranas ng:
- Matinding hirap sa paghinga
- Pamamaga ng lalamunan
- Pagkahilo at kawalan ng malay
- Matinding pagbagsak ng presyon ng dugo
Kung may ganitong sintomas, dalhin agad ang bata sa pinakamalapit na ospital dahil maaari itong maging nakamamatay.

Bakit nagkakaroon ng nito?
Ang allergy sa gatas ng baka ay sanhi ng sobrang reaksyon ng immune system sa dalawang pangunahing protina sa gatas:
- Whey protein
- Casein protein
Kapag ang katawan ay hindi kayang tunawin o tanggapin ang mga protinang ito. Nagkakaroon ng pangangati, pamamaga, at impeksyon sa iba’t ibang bahagi ng katawan, kabilang na ang tenga.
Ang mga batang may mataas na panganib na magkaroon ng allergy sa gatas ng baka ay kadalasang:
- Mga sanggol at maliliit na bata
- May kasaysayan ng allergy sa pamilya
- May sakit sa balat tulad ng atopic dermatitis
Totoo ba na ang allergy sa gatas ng baka ay nagdudulot ng pakabingi?
Ang sagot ay hindi direktang nagdudulot ng pagkabingi ang allergy sa gatas ng baka. Gayunpaman, may kaugnayan ito sa ilang problema sa tenga, tulad ng “otitis media” o impeksyon sa gitnang bahagi ng tenga.
Ayon sa mga ulat, ang mga batang may allergy sa gatas ng baka na naitala sa balita ay na-diagnose ng mga doktor na may otitis media. Gayunpaman, kinakailangan pa ng karagdagang pag-aaral at pagsusuri upang matukoy kung paano ito konektado sa isa’t isa.
Ano ang Otitis Media at bakit ito karaniwan sa mga bata?
Ang “otitis media with effusion” ay isang pangkaraniwang sakit sa mga bata, narito ang tatlong pangunahing bahagi ng tenga ng tao:
- Outer ear (panlabas na tenga)
- Middle ear (gitnang tenga)
- Inner ear (panloob na tenga)
Ang gitnang tenga ay may koneksyon sa likod ng bibig sa pamamagitan ng isang maliit na tubo na tinatawag na Eustachian tube.
Kapag ang isang bata ay may sipon, impeksyon sa lalamunan o ilong, o may allergic rhinitis, maaaring mamaga at bumara ang Eustachian tube. Dahil dito, naiipon ang likido sa gitnang tenga, at kapag ito ay may kasamang bakterya, nagkakaroon ng pamamaga na nagdudulot ng otitis media. Kapag lumala ito, maaari itong magdulot ng matinding pananakit ng tenga, pamamaga ng eardrum, at pagkakaroon ng impeksyon.
May kaugnayan ba ang allergy sa gatas ng bata sa otitis media?
Matagal nang pinag-uusapan kung may koneksyon ang allergy sa gatas ng baka at pagkakaroon ng otitis media. Ayon sa isang pag-aaral na inilathala sa National Library of Medicine, sinuri ang posibleng kaugnayan ng cow’s milk protein allergy (CMPA) sa impeksyon sa tenga. Narito ang mahahalagang natuklasan:
- Ang allergic inflammation sa ilong ay maaaring magdulot ng pagsikip ng Eustachian tube, na isang pangunahing dahilan ng otitis media.
- Ang mga naunang pag-aaral tungkol sa kaugnayan ng allergy sa gatas ng baka at otitis media ay may limitasyon, kaya’t hindi tiyak ang mga resulta.
- Walang matibay na ebidensya na nagsasabing ang allergy sa gatas ng baka ay direktang nagdudulot ng acute otitis media o otitis media with effusion.
Mga pag-aaral patungkol sa kaugnayan ng allergy sa gatas ng baka at sa otitis media
Bagamat walang direktang ebidensya, may ilang pag-aaral na nagpapakita ng mataas na posibilidad na magkaroon ng otitis media ang mga batang may allergy sa gatas ng baka:
- 0.2% ng 382 bata na may speech delay dahil sa chronic otitis media with effusion ay may ganitong allergy
- 10.7% ng 242 bata na sumailalim sa ear, nose, and throat (ENT) surgery ay may allergy sa gatas ng baka.
- 40% ng 25 bata na may chronic otitis media ay may ganitong allergy.
- 186 bata na may mataas na posibilidad ng otitis media ay mas malamang na magkaroon ng allergy sa gatas ng baka.
Gayunpaman, hindi malinaw sa mga pag-aaral na ito kung gaano kalala ang ganitong allergy sa mga bata, kaya’t nangangailangan pa ng karagdagang pananaliksik upang ganap na mapatunayan ang koneksyon ng dalawang kondisyong ito.
|
Bakit ang mga batang may allergy sa gatas ng baka ang nanganganib na mabingi?
|
Inflammation o pammaga |
Ang allergy sa gatas ng baka ay maaaring magdulot ng pamamaga sa katawan, kabilang ang lining ng Eustachian tube, ang maliit na daanan na nagkokonekta sa gitnang tenga at ilong.
|
Eustachian tube function |
Kapag hindi maayos ang paggana ng Eustachian tube, maaaring magkaroon ng likido sa gitnang tenga, na nagiging panganib sa impeksyon at otitis media. |

Mga sintomas na dapat bantayan ng mga magulang
Kung ang iyong anak ay may ganitong allergy at nagpapakita ng mga sintomas na may kaugnayan sa problema sa tenga, bantayan ang mga sumusunod na senyales:
- Pananakit ng tenga, lalo na kapag nakahiga nang patihaya
- Madalas na paghila sa tenga
- Hirap sa pagtulog, madalas na pag-iyak, pagiging mas magagalitin kaysa sa normal, o pagiging matamlay, lalo na kung may mataas na lagnat
- Lagnat na higit sa 38°C
- Sipon o baradong ilong
- Pagbaba ng pandinig, hirap makarinig, o mabagal na pagtugon sa tunog
- Pagkawala ng balanse
- May lumalabas na likido mula sa tenga
- Pananakit ng ulo
- Kawalan ng gana sa pagkain
Kung ang iyong anak ay may alinman sa mga sintomas na ito, dalhin agad siya sa doktor para sa tamang pagsusuri at angkop na paggamot.
|
Lebel ng pamamaga ng gitnang tenga
|
Acute otitis media |
Kapag unang beses pa lamang nagkaroon ng otitis media, ito ay tinuturing na acute otitis media dahil mabilis ang paglitaw ng mga sintomas. |
Middle Ear Hydrocephalus |
Kapag may pamamaga sa gitnang tenga, maaaring mag-ipon ng likido sa loob nito, na maaaring makaapekto sa pandinig sa maikling panahon. |
Chronic middle ear effusion |
Kapag ang likidong naipon sa tenga ay hindi nawawala sa mahabang panahon, maaari itong humantong sa paulit-ulit na impeksyon mula sa bacteria o virus. Kapag madalas ang impeksyon, maaari itong makaapekto sa pandinig. |
Chronic otitis media |
Kapag ang likidong naipon sa tenga ay hindi nawawala sa mahabang panahon, maaari itong humantong sa paulit-ulit na impeksyon mula sa bacteria o virus. Kapag madalas ang impeksyon, maaari itong makaapekto sa pandinig. |

Iba pang posibleng komplikasyon kapag ang bata ay allergic sa gatas ng baka
- Ang mga batang allergic sa gatas ng baka ay maaari ring magkaroon ng allergy sa ibang pagkain, tulad ng itlog, mani, soy, at karne.
- Maaari rin silang magkaroon ng hay fever, kung saan ang katawan ay nagkakaroon ng matinding reaksyon kapag nalantad sa balahibo ng hayop, alikabok, pollen, o iba pang allergens.
- Ang allergy na ito’y maaaring humantong sa kakulangan sa nutrisyon, mabagal na paglaki, chronic iron deficiency anemia, o intestinal malabsorption, na maaaring makaapekto sa pangkalahatang kalusugan ng bata.
Paano ito maiiwasan?
Ang pinakamahalagang hakbang upang maiwasan ang mga komplikasyon ng ganitong allergy, kabilang ang panganib ng pagkabingi, ay ang mahigpit na pag-iwas sa gatas ng baka at mga produkto nito. Bukod dito, kumonsulta sa doktor o nutrisyunista upang maplano ang tamang diyeta ng bata, nang sa gayon ay matiyak na natatanggap niya ang lahat ng nutrisyong kinakailangan para sa kanyang paglaki.
Narito ang ilang paraan ng pag-iwas at pangangalaga:
1. Pag-iwas sa allergy na ito mula pagbubuntis
- Ang mga buntis na ina ay dapat uminom ng gatas sa tamang dami, hindi labis, upang maiwasan ang posibilidad ang pagkakaroon ng ganitong klaseng allergy sa kanilang magiging anak.
2. Tamang nutrisyon para sa sanggol
- Kung ang isang sanggol ay na-diagnose na may ng ganitong allergy, ang pangunahing pagkain niya ay dapat gatas ng ina o isang baby formula na walang allergens.
- Ang mga inang nagpapasuso ay dapat ding umiwas sa gatas ng baka, dahil ang protina mula rito ay maaaring maisalin sa sanggol sa pamamagitan ng gatas ng ina.
3. Mga Hakbang para sa Mga Batang May Panganib ng Allergy (Kapag May History ng Allergy ang Magulang)
- Pagpapasuso ng eksklusibo sa unang 6 na buwan – Ang ina ay hindi kailangang umiwas sa gatas ng baka o iba pang dairy products, maliban kung may nakitang allergic reaction sa sanggol.
- Pagpapakilala ng pagkain nang dahan-dahan – Magbigay ng isang uri ng pagkain lamang sa bawat pagkakataon at hintayin ng 3-5 araw bago magdagdag ng bago upang obserbahan kung may allergic reaction.
- Halimbawa, pakainin muna ng egg yolk bago ang egg white o pakainin ng baboy o manok bago ang seafood upang maiwasan ang malalang allergy.
- Ang mga buntis at nagpapasusong ina ay hindi dapat umiwas sa anumang pagkain, maliban kung sila mismo o ang kanilang anak ay may kasaysayan ng allergy sa partikular na pagkain.
Gaano katagal bago mawala ang allergy na ito?
Kung ang bata ay maiiwasan ang gatas ng baka at mga produkto nito, maaaring bumuti ang kanyang kondisyon habang siya ay lumalaki. Batay sa mga pag-aaral:
- 45-56% ng mga bata ay nawawala ang kanilang sintomas pagsapit ng 1 taon
- 60-77% ay bumubuti pagsapit ng 2 taon
- 84-87% ay nawawala ang sintomas pagsapit ng 3 taon
- 90-95% ng mga kaso ay tuluyang nawawala pagsapit ng 5-10 taon
Ang maagang pagsusuri, tamang pangangalaga, at pag-iwas sa allergens ay makakatulong sa bata na maiwasan ang mga komplikasyon at mapanatili ang kanyang kalusugan.

Ang mga batang may allergy sa gatas ng baka ay maaaring magkaroon ng mas mataas na panganib na magkaroon ng otitis media o impeksyon sa gitnang tenga. Kung hindi ito agad na malunasan, maaaring makaapekto ito sa kanilang pandinig at, sa matinding kaso, ay magdulot ng pagkabingi. Gayunpaman, hindi direktang sanhi ng pagkabingi ang allergy sa gatas ng baka.
Mahalaga ang maingat na obserbahan ang mga sintomas at agad na pagpapakonsulta sa doktor. Lalo na kung may napansing abnormalidad upang matiyak ang tamang pangangalaga sa kalusugan ng bata at mapanatili ang kanyang normal na pandinig.
Translated with permission from theAsianparent Thailand
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!