X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Insurance
    • Loans
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Becoming a Parent
    • Trying to Conceive
    • Pregnancy
    • Delivery
    • Losing a Baby
    • Project Sidekicks
  • Ages & Stages
    • Baby
    • Toddler Years
    • Preschool Age
    • Kids
    • Preteen & Teen
  • Parenting
    • Parent's Guide
    • News
    • Relationship & Sex
  • Health & Wellness
    • Diseases & Injuries
    • Allergies & Conditions
    • Vaccinations
    • COVID-19
  • Education
    • Preschool
    • K-12
    • Special Education Needs
  • Lifestyle Section
    • Celebrities
    • Contests & Promotions
    • Home
    • Travel and Leisure
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Money
  • Become a VIP
  • Press Room
  • TAP Recommends
  • Shopping

STUDY: Mga pagkaing nakaka-allergy dapat ibigay agad sa mga babies

6 min read
STUDY: Mga pagkaing nakaka-allergy dapat ibigay agad sa mga babies

Pagpapakain ng mga pagkaing nakaka-allergy sa mga baby na 4 months palang, makakatulong para hindi sila magka-food allergy.

 Allergy sa pagkain ng mga bata, maiiwasan kung papakainin agad sila ng mga ito sa gulang na apat na buwan.

Talaan ng Nilalaman

  • Bagong pag-aaral tungkol sa allergy sa pagkain ng mga bata
  • Halaga ng breastfeeding para makaiwas sa allergy
  • Mga paalala ng mga eksperto tungkol sa allergy sa pagkain
  • Tandaan: Tamang edad ng pagpapakain sa baby

Bagong pag-aaral tungkol sa allergy sa pagkain ng mga bata

Una nang sinabi ng mga doktor na iiwas ang mga baby sa mga pagkaing maaaring magdulot sa kanila ng allergy. Pero isang bagong pag-aaral ang nagsasabing ang early introduction sa kanila ng mga pagkaing nakaka-allergy. Gaya ng mani ay magandang paraan para makaiwas sila sa allergy sa pagkain.

Ayon kay Dr. Scott Sicherer, co-author ng ginawang pag-aaral, ang maagang introduction ng mga pagkaing nakaka-allergy sa mga bata. Gaya ng mani, itlog at isda ay mas makakatulong para makaiwas ang mga bata na magka-allergy.

Ang recommended age nga para i-introduce ang mga pagkaing nakaka-allergy na ito ay 4-6 months. Kapag handa na kumain si baby, maaari rin na rin isabay ang kanin, gulay o prutas.

Ang pahayag na ito ay sinuportahan ni Dr. David Stukus, isang pediatric allergist na hindi kabilang sa ginawang pag-aaral. Ayon kay Dr. Stukus, ang gastrointestinal tract ng isang tao ay mayroong unique set ng immune system cells.

Kung matitikman daw ng mas maaga ng mga immune system cells na ito ang mga allergenic proteins mula sa iba’t ibang pagkain, mataas ang tiyansang maging tolerant sila rito at maiwasan ang allergy sa pagkain lalo na sa mga bata.

Ang maagang edad na tinutukoy ni Dr. Stukus para i-introduce ang mga mga allergenic proteins ay mula sa 4 to 6 months age ng isang baby.

 

Allergy sa pagkain maiiwasan kung papakainin ng maaga nito sa baby

Image from Freepix

Halaga ng breastfeeding para makaiwas sa allergy

Ayon pa sa pag-aaral, mahalaga rin ang pagpapasuso ng ina sa kaniyang baby. Para makaiwas sa mga kundisyon sa balat kagaya ng eczema. 

Dagdag pa rito, mahalaga umano ang unang tatlo hanggang apat na buwan ng pagbe-breastfeeding sa isang baby  upang maprotektahan sila mula sa eczema.

Kahit ang paggamit daw ng mga hydrolyzed formulas sa mga baby na may high risk na magkaroon ng allergy sa pagkain ay hindi rin nakitaan na makakatulong para makaiwas mula rito.

Ang resulta ng pag-aaral ay lumabas 18 years matapos inirekumenda ng American Academy of Pediatrics noong 2000 na dapat i-delay ang introduction ng sumusunod sa mga bata:

  • Cow’s milk sa mga bata hanggang sila ay mag-isang taong gulang
  • Pagkain ng itlog hanggang sila ay dalawang taon
  • Pagkain ng mani at isda kapag sila ay tatlong taong gulang na.

Ang bagong pag-aaral ay kilala sa tawag na Learning Early About Peanut o LEAP trial.

Base sa LEAP trial, ang early introduction ng peanuts o mani sa mga baby na 4 to 6 months ay mas nagpababa ng tiyansang maging allergic ito mula rito. Kumpara sa mga maghihintay na kumain nito hanggang sila ay mag-limang taon.

Maliban sa mani ang iba pang pagkaing nakaka-allergy na maaring ibigay ng mas maaga sa mga bata ay milk, eggs, fish, crustacean shellfish, wheat, soy at tree nuts, ayon sa US Centers for Disease Control and Prevention.

Allergy sa pagkain gaya ng sa peanut butter

Image from Freepix

Mga paalala ng mga eksperto tungkol sa allergy sa pagkain

Dagdag ni Dr. Swanson, hindi lang dapat makatikim ng mas maaga ang mga bata ng iba’t-ibang uri ng pagkain. Dapat daw ay magkaroon sila ng routine feeding.

“It’s a great habit to have your whole life, because 50% of people who develop a food allergy develop it in adulthood,” sabi pa ni Dr.Swanson.

Para kay Dr. Stukus naman, maliban sa introduction ng mga allergenic proteins sa mga baby sa gulang na 4 to 6 months, hinihikayat niya ang mga magulang na pakainin ang mga bata ng mga ito na several times a week.

Ito ay para mas maging tolerant sila mula rito at mas maiwasan ang allergy sa pagkain.

Bagamat may nakakabahalang epekto ang allergy sa pagkain sa mga baby, ‘di hamak na mas malaki naman daw ang benepisyo kung susubukang sundin ang guidelines ng bagong pag-aaral.

“I think the benefits far outweigh the risks in this situation,” sabi ni Dr.Stukus.

Maliban sa pangangati sa katawan, pag-atsing, pananakit ng tiyan at iba pang mild risk ng allergies. Ang pinakaseryosong risk na maaring idulot ng allergy sa pagkain ay ang anaphylaxis.

Ito ay isang severe allergic reaction na life-threatening o nakamamatay. Ang madalas na sintomas nito ay hirap sa paghinga.

Ngunit paliwanag na Dr.Stukus, ang sintomas ng anaphylaxis na makikita sa mga baby o infants ay pagsusuka at pagkakaroon ng hives. Hindi tulad ng hirap sa paghinga at pagsasara ng mga airways na makikita sa mga nakakatandang mga bata.

Partner Stories
Kids at risk of stunting? This Growth Calculator can help moms find out plus predict their future height!
Kids at risk of stunting? This Growth Calculator can help moms find out plus predict their future height!
From Past to Present: How NIDO® 3+’s “You're My #1” Song Connects #1Moms and Their Toddlers
From Past to Present: How NIDO® 3+’s “You're My #1” Song Connects #1Moms and Their Toddlers
Bored sa Merienda? Here are Some Fluffylicious Snacks to Create at Home!
Bored sa Merienda? Here are Some Fluffylicious Snacks to Create at Home!
These 5 Easy Holiday Recipes Will Make the Christmas Filling At Home Extra Special
These 5 Easy Holiday Recipes Will Make the Christmas Filling At Home Extra Special

Kung sakali nga raw makakakita ng mga sintomas lalo na sa mga baby. Dapat na madala agad sa doktor ang bata at mabigyan ng kaukulang medikal na atensyon.

Pero paalala ni Dr.Stukus base narin sa resulta ng bagong pag-aaral, ang early introduction ng mga pagkaing nakaka-allergy sa mga bata ay isang paraan para makaiwas sa nakakabahalang epekto ng allergy sa pagkain tulad ng mga nabanggit.

Tandaan: Tamang edad ng pagpapakain sa baby

Ayon sa American Academy of Pediatrics, sa edad na 4-6 na buwan karaniwang sinisimulan ang pagpapakilala ng solid food kay baby. Puwede nang subukan sa ganitong edad, pero si baby pa rin ang makapagbibigay ng sagot sa kung handa na ba siya o hindi.

Huwag madaliin si baby. Hintayin ang mga hudyat na ibibigay niya para malaman na handa na siyang kumain ng solids.

  • Kapag nakakaupo na siya at kaya na niya ang ulo niya, maaaring handa na siyang kumain.
  • Ilan pang senyales ay ang pagiging curious, at masayang nagmamasid sa mga bagay sa paligid niya, at madalas ay isinusubo pa ang mga ito.
  • Kapag may isinubong pagkain sa kaniya, hindi na niya iniluluwa o itinutulak ng dila niya palabas ng bibig.
  • Gutom pa rin siya pagkatapos painumin ng gatas.

 

CNN, Mayo Clinic

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Got a parenting concern? Read articles or ask away and get instant answers on our app. Download theAsianparent Community on iOS or Android now!

img
Written by

Irish Mae Manlapaz

Become a Contributor

Edited by:

Marhiel Garrote

  • Home
  • /
  • Feeding & Nutrition
  • /
  • STUDY: Mga pagkaing nakaka-allergy dapat ibigay agad sa mga babies
Share:
  • Malnourished Babies Are Not Just Thin, Know These Symptoms and Types of Malnutrition

    Malnourished Babies Are Not Just Thin, Know These Symptoms and Types of Malnutrition

  • Does MSG Damage Children’s Brains? Here Are the Facts Parents Must Know

    Does MSG Damage Children’s Brains? Here Are the Facts Parents Must Know

  • 4 Breastfeeding Positions to Reduce Choking Risk: Breastfeed Safely with the Right Position for Your Baby

    4 Breastfeeding Positions to Reduce Choking Risk: Breastfeed Safely with the Right Position for Your Baby

  • Malnourished Babies Are Not Just Thin, Know These Symptoms and Types of Malnutrition

    Malnourished Babies Are Not Just Thin, Know These Symptoms and Types of Malnutrition

  • Does MSG Damage Children’s Brains? Here Are the Facts Parents Must Know

    Does MSG Damage Children’s Brains? Here Are the Facts Parents Must Know

  • 4 Breastfeeding Positions to Reduce Choking Risk: Breastfeed Safely with the Right Position for Your Baby

    4 Breastfeeding Positions to Reduce Choking Risk: Breastfeed Safely with the Right Position for Your Baby

Get advice on your pregnancy and growing baby. Sign up for our newsletter
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Pregnancy
  • Parenting
  • Lifestyle Section
  • FAMILY & HOME
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Become a Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

We use cookies to ensure you get the best experience. Learn MoreOk, Got it

We use cookies to ensure you get the best experience. Learn MoreOk, Got it