Alodia Gosiengfiao sa buhay may asawa: "I'm prioritizing family a lot more"

Kung noon ay gaming at cosplay ang priority ni Alodia Gosiengfiao, ngayong kasal na sa kaniyang husband ay family na raw ang top priority niya

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Masayang nagbahagi ng kanilang karanasan bilang husband and wife ang mag-asawang Alodia Gosiengfiao at Christopher Quimbo.

Alodia Gosiengfiao priority ang pamilya

Kung noon ay madalas nating makita si Alodia Gosiengfiao bilang cosplayer at gamer, ngayon ay niyayakap na nitong ang pagiging asawa sa kaniyang husband na si Christopher Quimbo.

Larawan mula sa Instagram ni Alodia Gosiengfiao

Sa isang YouTube vlog ng cosplayer, sinagot nila ni Christopher ang tanong ng mga fan.

Isang fan ang nagtanong kung anu-ano raw ang mga naging pagbabago sa buhay ni Alodia nang mag-asawa ito. Dagdag pa ng fan, mas naging relax daw ba si Alodia matapos ikasal?

Ang akala raw ni Alodia noon kapag kasal na ang isang tao magbabago ang buong buhay nito. Pero halos pareho lang din naman daw bukod sa mas naglalaan na siya ng panahon para sa pamilyang binubuo nila.

Larawan mula sa Instagram ni Alodia Gosiengfiao

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

To be honest my view on marriage before was like, my whole life would change. Contrary, parang it’s similar. It’s kinda similar like when we were dating. Everything is super good”

Masaya din siya na nakahanap umano siya ng partner na palaging nariyan para sa kaniya sa ano mang sitwasyon.

Ibinahagi rin ni Alodia na noon ang priority nya ay trabaho, pagiging gamer at cosplayer. Pero ngayon ang kaniyang pamilya  na ang priority niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“There’s like a lot of planning. Kasi right now, to be honest what actually change is that I’m prioritizing family a lot more. Like my entire life, I really prioritized work”

Larawan mula sa Instagram ni Alodia Gosiengfiao

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kwento ni Alodia, isang araw daw ay nagising siya at napagtanto na more than 30 years old na siya at ang tagal na niyang gamer at cosplayer. At dito na nga nagbago ang view point ni Alodia.

“Now, I’m trying to balance more time to family.”

Flex din nito na natuto na rin siyang magluto simula nang magkaasawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Natanong din ng isa pang fan kung may plano raw bang magkaanak ang dalawa. Na agad din namang sinagot ng mga ito ng oo. Plano raw nilang magkaanak kung papalarin na mabiyayaan ng supling.

Sinulat ni

Jobelle Macayan