Kasal na si Alodia Gosiengfiao sa kaniyang non showbiz boyfriend na si Christopher Quimbo. Ikinasal ang dalawa kahapon, Valentine’s day sa Marriott Hotel sa Pasay.
Mababasa sa artikulong ito:
- Kasal ni Alodia Gosiengfiao at Christopher Quimbo
Kasal ni Alodia Gosiengfiao at Christopher Quimbo
Ibinahagi ni Verniece Enciso sa kaniyang IG stories at Instagram account ang ilang mga moments sa kasal nila Alodia kahapon. Caption niya sa kaniyang post,
“[B]ridesmaid duties for @alodia today.”
Screencapture mula sa Instagram account ni Verniece Enciso
Nagbahagi rin si Verniece ng ilang pictures nila kasama ang iba pang bridesmaid kahpon. Dinaluhan din ng mga vlogger at iba pang personality ang kasal ni Alodia at Christopher kahapon.
Screencapture mula sa Instagram account ni Verniece Enciso
Ilan sa mga ito ay sina Junnie Boy, Vien Ilagan, Cong TV, Vicky Belo, Hayden Kho, at marami pang iba. Tumugtog din sa kasal ni Alodia Gosiengfiao Philippine Harmonic Orchestra.
Screencapture mula sa Instagram account ni Verniece Enciso
Samantala, ang gown naman ni Alodia ay gawa ng fashion designer na si Mak Tumang.
Bago ang kasal nang dalawa, nagbahagi si Alodia ng ilang mga larawan ng kanilang prenup pictures kasama si Christopher Quimbo.
Ibinahagi ni Alodia ang kaniyang engagement sa kaniyang non-showbiz boyfriend na si Christopher, July noong nakaraang taon, 2022.
Basic marriage license requirements na dapat malaman ng mga magpapakasal
Samantala narito ang unang ulat ni Irish Manlapaz patungkol sa mga basic marriage requirements sa mga couples na magpapakasal na. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
- Personal appearance ng babae at lalaking magpapakasal
- Duly-accomplished marriage license application form
- Certified True Copy ng PSA birth certificate (1 original at 2 photocopies). Kung walang record ng kapanganakan, ang latest original copy ng baptismal certificate ay maaring gamitin.
- CENOMAR o Certificate of No Marriage (1 original at 2 photocopies). Ang presyo ng CENOMAR sa ngayon ay P210 para sa walk-in at P430 para sa online. Ito ay maaring makuha sa pinakamalapit na Census Serbilis Center o mag-apply online sa PSA Helpline.
- CEDULA o Community Tax Certificate (1 original at 2 photocopies)
- 2 valid IDs ng magpapakasal
- Barangay clearance (1 original at 1 photocopy)
- Certificate of Attendance mula sa isang pre-marriage counseling o family planning and responsible parenthood seminar. Ang pre-Marriage counseling ay madalas na ginagawa ng simbahan o sa DSWD para sa civil marriages. Habang ang family planning and responsible parenthood seminar naman ay isinasagawa sa health department ng munisipyong pinag-aapplyan ng marriage license. Ito ay para sa mga magpapakasal na edad 18-24 anyos.
- Latest 1×1 photo ng mga ikakasal
Additional requirements para sa mga magpapakasal na edad 18-25 anyos
Para sa mga ikakasal na edad 18-25 anyos ay may dagdag na marriage license requirements na kailangang ihanda. Ito ay ang sumusunod:
- Affidavit of Parental Consent (para sa edad 18-20 anyos) o Affidavit of Parental Advice (para sa edad 21-25 anyos). Ito ay dapat notaryado. Kung magpapakasal abroad o ibang bansa, ito ay dapat ma-authenticate ng DFA. Kung patay na ang isa sa mga magulang, ay kailangang magpakita ng proof of death o katibayan na ito talaga ay patay na.
Tandaang mahalaga na paghandaan ang inyong kasal mabuti lalo na sa usapin ng mga importanteng papels na kailangan niyo. Para less hassle ang inyong wedding.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!