Alwyn Uytingco inalala ang pagdating sa kanilang buhay ng anak na si Alessi at nagbigay ng isang rebelasyon. Siya daw ay tumayong “kumadrona” nang maipanganak ito.
Alwyn Uytingco: Jennica Garcia’s 2nd birth story
Isang taon na ang pangalawang anak nina Alwyn Uytingco at Jennica Garcia na si Alessi.
Sa pamamagitan ng isang Instagram post ay inalala ni Alwyn ang araw nang isilang si Alessi. At ibinahagi niya ang isang nakakatuwa ngunit makahulugang karanasan niya bilang isang ama. Ito ay nang tumayo siyang kumadrona nang ipanganak si Alessi ng asawang si Jennica.
Alwyn bilang kumadrona sa panganganak ng asawa
Kuwento ni Alwyn ay pinili noon ng asawang si Jennica na maipanganak si Alessi sa pamamagitan ng “water birth.” Kaya naman sa bahay lang ito nanganak na mala-pelikula nga daw ang nangyari.
“Hindi siguro alam ng karamihan na sa bahay ipinanganak si Alessi, sa proseso ng ‘water birth’.”
“May mga dahilan si Jennica kung bakit ito ang gusto niyang paraan ng panganganak, pero hindi iyon ang ikukuwento ko.”
“Ang di ko makakalimutan sa araw na ‘yon, umuulan nang malakas. Parang pelikula.”
“Matapos namin magpa-check up sa ospital, agad kaming umuwi para maghanda sa panganganak ni Jennica. Ang usual na 10 mins, naging 45 mins na biyahe dahil sa matinding ulan at traffic. At sa buong biyahe namin, tuloy-tuloy lang ang contractions ni Jennica. Kaya mas lalong nakakakaba! Kasi puwedeng lumabas yung bata anytime sa gitna ng biyahe namin!,” pagkukwento ni Alwyn.
Mabuti na nga lang daw, kahit sa gitna ng traffic ay nakarating sina Alwyn sa tamang oras sa kanilang bahay. Dahil 30 minutes lang pagdating nila ay isinilang na ni Jennica ang kanilang pangalawang anak at siya ang tumayong kumadrona.
“Pero salamat sa Diyos at hindi nangyari ‘yon, nakarating kami ng sakto sa oras. Pag dating sa bahay, 30 mins lang at ayan na! Lumabas kaagad si Alessi at ako na kaniyang tatay ang sumalo! (Na-late ng dating ang kumadrona dahil din sa traffic.)”
Pagdating ni Alessi sa buhay nila
Sa tagpo daw na ito ay may na-realize si Alwyn Uytingco.
“Doon pa lang, nasabi ko na marami pa ko matutunan bilang isang ama at bilang isang magulang. At doon ko lang din natutunan na sa unang tingin pa lang, alam ko ng mahal ko kaagad si Alessi, at hindi na mababawasan yon kundi madagdagan pa araw-araw.”
Dagdag pa ni Alwyn ay ipinanganak si Alessi ng saktong alas-syete ng gabi na pinagmulan rin ng pangalan niyang “Alexis Severina”.
Ang “Alexis” ay mula sa pangalan ng ina nitong si “Alexis Jennica” at ang “Severina” ay ang oras na ipinanganak siya na saktong alas-siyete na ayon kay Alwyn ay God’s number din.
Kaya naman ang hiling ni Alwyn sa kaarawan ng anak ay sana lumaki itong malakas, malusog at masaya na lagi daw nilang mamahalin ng asawang si Jennica at panganay nilang anak na si Mori.
View this post on Instagram
“Maligayang Kaarawan, Alexis Severina!” // Hindi siguro alam ng karamihan na sa bahay ipinanganak si Alessi, sa proseso ng ‘water birth’. May mga dahilan si Jennica kung bakit ito ang gusto niyang paraan ng panganganak, pero hindi iyon ang ikukuwento ko. Ang di ko makakalimutan sa araw na ‘yon, umuulan ng malakas. Parang pelikula. Matapos namin magpa-check up sa ospital, agad kaming umuwi para maghanda sa panganganak ni Jennica. Ang usual na 10 mins, naging 45 mins na biyahe dahil sa matinding ulan at traffic. At sa buong biyahe namin, tuloy-tuloy lang ang contractions ni Jennica. Kaya mas lalong nakakakaba! Kasi puwedeng lumabas yung bata anytime sa gitna ng biyahe namin! Pero salamat sa Diyos at hindi nangyari ‘yon, nakarating kami ng sakto sa oras. Pag dating sa bahay, 30 mins lang at ayan na! Lumabas kaagad si Alessi at ako na kaniyang tatay ang sumalo! (Na-late ng dating ang kumadrona dahil din sa traffic.) Doon pa lang, nasabi ko na marami pa ko matutunan bilang isang ama at bilang isang magulang. At doon ko lang din natutunan na sa unang tingin pa lang, alam ko ng mahal ko kaagad si Alessi, at hindi na mababawasan yon kundi madagdagan pa araw-araw. Sana lumaki kang malakas, malusog at masaya, anak. Mahal na mahal ka namin ni Nanay mo, at siyempre lalo na ng Ate Mori mo. Happy Birthday Alexis Severina! P.S. Nanggaling ang pangalan niyang ‘Alexis’ dahil sa pangalan ng nanay niya na ‘Alexis Jennica’ at ‘Severina’ dahil pinanganak siya ng almost exactly 7pm ng gabing iyon. And also, seven is God’s number. #PamilyaUytingco #BabyAlessi #AlessiTurnsOne
A post shared by Alwyn S. Uytingco (@alwynzky) on
Panganganak sa pamamagitan ng water birth
Samantala, ang water birth ay nangangahulugan na ang pagle-labor at panganganak ng isang babae ay nagaganap sa isang birth pool na puno ng maligamgam na tubig.
Ginagawa ito sa ospital, birth center o kaya naman ay sa bahay sa tulong ng isang midwife o doktor.
Ayon sa mga eksperto ang pag-gamit ng water birth lalo na first stage ng labor ay magdudulot ng sumusunod:
- Makapagpabawas ng sakit
- Hindi na mangangailangan pa ng anesthesia
- Pinabibilis ang labor
Ngunit hindi lahat ng manganganak ay maaring sumailalim sa water birth. Kinakailangan parin ng tulong ng doktor para matukoy kung healthy candidate ang isang buntis para gawin ito.
Source: ABS-CBN Push, Web MD
Basahin: Alwyn Uytingco fondly describes wife Jennica Garcia: “Adik yan sa pagiging nanay”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!