Ama na may Down syndrome, pinasalamatan ng kaniyang anak sa social media

Hindi naging hadlang para sa kaniyang ama na may Down syndrome ang kondisyon upang magampanan ang responsibilidad bilang isang ama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kamakailan lang ay nag-viral ang isang nakakaantig na post ng isang netizen para sa kaniyang ama na may Down syndrome. Maraming sa mga nakakita ng kaniyang post ang natuwa, at pinuri ang mag-ama dahil sa ipinamalas nilang pagmamahal sa isa’t- isa.

Heto ang kanilang kuwento.

Ama na may Down syndrome, pinasalamatan ng kaniyang anak

Sa post ni Richie Ann Castillo ay humingi siya ng patawad sa kaniyang ama. Ito raw ay dahil nahirapan siyang magkaroon ng lakas ng loob upang ipagmalaki ang kaniyang ama.  

Noong bata raw siya ay madalas siyang tinutukso, dahil raw sa pagkakaroon ng Down syndrome ng ama niya. Noong una ay binabalewala lang raw niya ito, dahil hindi naman kakaiba ang tingin niya sa kaniyang tatay.

Habang tumatanda ay naintindihan na niya kung bakit ganun ang naging panunukso, at dahil dito naging duwag raw siya. Ngunit  paglaon ay naisip ni Richie na dapat maging proud siya sa kaniyang ama. Ito ay dahil sa ipinamalas na katapangan, at pagmamahal ng kaniyang ama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kuwento pa ni Richie ay napakarami raw paghihirap ang pinagdaanan ng tatay niya. Heto ang ilan sa mga naging mensahe niya para sa ama:

“Dad, you are the strongest and the bravest human being I know. For almost all your life, you have allowed doctors to insert needles in you, surgeries here and there, a lifetime doing dialysis and a long list of limitations. But you seldom complain. “You are the strongest because after all those surgeries, procedures and nights at the hospital, you managed to say “Wa ko mahadlok mamatay kay ni salig ko sa Ginoo” (I’m not afraid because I trust in the Lord). You always put a smile on your face after a long day at the dialysis center, or after a hypoglycemic episode. You are the bravest because you have been through so much and you never, not even once been afraid. I cannot imagine putting myself in your shoes. “I have seen you at your worst, when you would break down and say that you are tired. Hearing those words “Kapoy na. (I’m tired)” or “Sakit kaayo. (It really hurts)” made me cry for days and I couldn’t bear going back to the hospital anymore. I have seen you cry because your knee would hurt cause of the fluid. I can’t feel your pain but how I wish I could take your place so you wouldn’t have to feel any pain anymore. You lost your teeth, but that never bothered you or kept you from eating the food that you love. You always lose your postiso (dentures) man gud. HAHA! Wa nuon kay ngipon and I know you do it purposely! I had forgetten how you looked like with teeth or with hair.

Pinagpala raw silang mag ama

Kuwento pa ni Richie ay hindi inakala ng mga doktor na aabot sa edad 50 ang ama niya. Ito ay mas mababa ang life expectancy ng mga taong mayroong Down syndrome. Bagama’t sumailalam na sa maraming operasyon, pati dialysis ang ama ni Richie, ay napagtagumpayan niya itong lahat. At dahil dito, tinuturing ni Richie na pinagpala ang kaniyang ama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nakakatuwang makita na mahal na mahal nila ang isa’t-isa, at pinatunayan ng ama ni Richie na hindi hadlang ang pagkakaroon niya ng Down syndrome upang magampanan ang kaniyang pagiging ama. Sana ay magsilbi siyang inspirasyon sa ating lahat, at sana ay matuto tayong unawain at mahalin ang ating kapwa, kahit ano pa ang kanilang kalagayan o estado sa buhay.

 

Source: Facebook

Basahin: Mag-asawang may Down syndrome, pinatunayan na walang limitasyon pagdating sa pag-ibig

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara