May mga ibang tao na naniniwala na ang mga nag-iibigan na may down syndrome ay hindi dapat ikasal.
Pero matapos ang 25 taon na magkasama bilang mag-asawa, si Paul at Kris Scharoun-DeForge ay nagkaroon at pinatunayan na kahit may Down syndrome sila pwede pa rin silang magkaroon ng napakagandang kuwento ng pag-iibigan.
Photo: Kris and Paul Scharoun-DeForge
Tuwing Araw ng Pag-ibig
Tuwing Araw ng Pag-ibig mayroong routine si Kris na ipinagdidiwang kasama ang asawang si Paul. Lagi siyang may card na gawa para rito at siya rin ang punong abala sa bahay habang hinihintay ang kaniyang asawa umuwi galing sa trabaho.
Masayang ipinagluluto ni Kris ang asawa at sobrang gustung-gusto ni Paul ang lahat ng kanyang hinahanda. Pero tuwing Araw ng Pag-ibig kumakain ang mag-asawa sa labas, sa Red Lobster o Olive Garden di-umano, o maaari sa ibang lugar na simple at komportable basta sila’y magkasama.
Kuwento nga ni Kris, “He opened up my world.”
Pero marahil itong nakaraang Valentine’s Day ang pinaka-memorable dahil ito rin ang ika-25 taon nila Kris at Paul bilang mag-asawa.
Hindi man pang-karaniwan ang kanilang pag-iibigan dahil parehong ipinanganak na may Down syndrome pero pinatunayan nila na puwede rin silang umibig at ibigin.
Mabigat na dagok ng kanilang pagsasama
May ibang tao na naniniwala na ang mga taong may Down syndrome ay walang emotional maturity kung kaya’t wala silang karapatang ikasal.
Si Kris nga noong bata pa ay naggugupit daw di-umano ng mga litrato ng mga kasal at sinasabit niya ang mga ito sa kanyang dingding. Kuwento nga niya nang umibig daw siya kay Paul noong una silang nagkita, “I looked into his eyes and saw my future.”
Pero siyempre sa lahat ng pagsasama, mayroong mga pagsubok na mga kaakibat ito.
Nito nga lang Araw ng Pag-ibig ay ang unang beses na hindi sila magkasama dahil ang pinakamabigat na dagok sa kanilang pagsasama ay kanila ng pagdaraanan at ito nga ang pagka-diagnose kay Paul ng early stage dementia.
Ilang buwan na ang nakalipas, ang state nga raw ay inilipat muna si Paul sa isang community residence na may intensive nursing care.
Nalulungkot na pahayag ni Kris, “When they told me, I started to cry. He’s my life. I don’t want to be without him.”
Ang kani-kanila ngang pamilya ay ginawa ang lahat upang sila’y mapanatiling magkasama. Naniniwala sila na si Kris at Paul ay nararapat mabigyan ng tsansa na gumawa ng desisyon tulad ng ibang mag-asawa.
Batid nga ng kapatid ni Kris na si Susan Scharoun, “They should define their own lives. They know what is good for them.”
Noon nga raw nag-desisyon ang New York State Office for People with Developmental Disabilities na hindi raw talaga puwedeng mamalagi si Paul sa apartment nila ni Kris, nag-petisyon ang kanilang pamilya.
Noong una, pumayag ang state, pero lumala ang kondisyon ni Paul. Dahil sa paglala ng kondisyon ni Paul na kinailangan na siyang bigyan talaga ng 24-oras na atensyon, nagdesisyon ang state na ilipat siyang muli sa pasilidad nila.
Sa pagkuha muli ng state kay Paul, binisita siya ni Kris ng regular. Ang tuwing weekends sa bahay sila ng mga Scharoun, kung saan ipinagluluto muli ni Kris si Paul.
Sambit nga ng kapatid ni Kris, “They totally complement each other.”
Pinatunayan talaga ng mag-asawa ang mga pangakong binitawan nila sa kanilang kasal na, “to have and to hold, in sickness and in health.”
Sa kasamaang palad, pumanaw si Paul Scharoun-DeForge sa edad na 56 na taong gulang nito lamang April.
Source: Reader’s Digest
Photo by Gabby Orcutt on Unsplash
Basahin: Nanay, sumulat ng mala-‘customer review’ post ukol sa Down Syndrome ng anak
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!