Amoebiasis: Sanhi, sintomas, at gamot sa sakit na ito

Alamin natin ang sanhi, sintomas at maging ang gamot para sa amoebiasis o ameba sa tagalog lalo na partikular para sa iyong little one.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Iba’t ibang sakit ang maaaring makuha sa pagkain o pag-inom lamang. Isa sa pinaka karaniwan na diyan ay ang amoebiasis o ameba sa tagalog. Sa artikulong ito, aalamin natin ang sanhi, sintomas at maging ang gamot para sa amoeba partikular na sa iyong baby.

Madaling dapuan ng sakit ang mga bata, ito ay dahil nagde-develop pa rin ang kanilang pangangatawan kasabay ng immune system. Kaya mahalagang nababantayan nang mabuti ang mga kinakain at iniinom nila dahil maaari silang makakuha ng sakit dito. Kadalasang dumadapo sa kanila ay ang amoeba. Ano nga ba ang sakit na ito?

Ano ang amoeba?

Ang amoebiasis o ameba sa tagalog ay isang infection sa bituka. | Larawan mula sa Pexels

Tumutukoy ang amoebiasis o entamoebiasis sa isang parasitic intestinal infection na maaaring makaapekto sa instestinal tract o bituka ng tao.

Ito ay dulot ng amoeba na isang uri ng mikrobyong nasasakupan ng entamoeba. Ito ay hindi lamang laganap sa bansang Pilipinas kundi sa buong mundo.

Tinatayang nasa 40,000 hanggang 110,000 na tao ang namamatay kada taon dahil sa amoebiasis na dulot ng Entamoeba histolytica.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sino ang madalas na nagkakaroon ng amoebiasis

Kahit sino naman ay maaaring magkaroon ng ganitong sakit, pero ito ang mga mas madalas nakakakuha nito:

  • Mga taong pumupunta sa tropical na lugar kung saan mayroong hindi magandang sanitary practices.
  • Nakatira sa mas maduduming lugar.
  • Nanggaling sa mga developing countries.
  • Madalas kumain o uminom ng mga bagay na dumidikit sa dumi na mayroong taong Entamoeba histolytica.

Sanhi ng amoeba

Ang amoebiasis o ameba sa tagalog ay sanhi ng parasite na kung tawagin ay Entamoeba histolytica. Nabubuhay ito sa dalawang porma ang (1) Vegetative (trophozoite) at (2) Cystic form (cyst):

  • Trophozoites – Ang pormang ito ay dumadami at nag-eencyst sa colon o bituka ng tao.
  • Cyst – Ito naman ay nailalabas sa dumi at naka-iinfect sa mga tao. Nananatili pa rin ang cyst sa dumi at maaaring mainfect kahit pa ilang araw na. Maaari rin itong mabuhay sa sewage, water, at sa lupa na mayroong moist at mababang temperatura.

Paano kumakalat ang bacteria ng amoeba

Maraming paraan para makuha ang amoeba. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

  • Faecal – Maaaring makuha ito sa pamamagitan ng oral. Pwedeng direktang tao sa tao na contact o kaya naman hindi direktang pagkain o pag-inom na contaminated.
  • Sex – Maaari rin itong  makuha sa pamamagitan ng pagtatalik. Kung ikaw ay nagkaroon ng oral o rectal contact ay maaari itong makuha. Mas madalas daw ito sa kalalakihan.
  • Vectors – Ang mga insektong tulad ng langaw, ipis, at iba pa ay maaari ring mag-transmit ng infection na mula sa amoeba.
  • Agriculture – May mga pagkakataon din nakukuha ito sa night soil para sa agriculture. Madalas kasi na nagkakalat ang dumi ng hayop dito at hindi nalilinisan nang maayos.
  • Sewage – Kumakalat din ito sa sewage na maaarig dumaloy sa water supply. Kadalasang ito ang nagiging sanhi ng epidemic o outbreak.

Ano ang sintomas ng amoebiasis?

Karamihan sa nararamdamang sintomas ng amoebiasis ay nararamdaman sa intestinal tract o bituka sa tagalog dahil rito nabubuo ang infection. Ito ang madalas na iindahin ng pasyente kung sakaling nakakuha na siya ng bacteria ng amoeba.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa kabila ng pagiging kalat ng sakit na ito, marami sa kaso ng amoebiasis ay asymptomatic. Ibig sabihin walang nararamdaman na kahit ano, magugulat na lang sila na mayroon na silang amoeba.

Sa kabilang banda, hindi naman nangangahulugang ganito ang mararanasan sa lahat ng pagkakataon. Mahalagang tandaan na posible rin itong magdulot ng malalang karamdaman.

Kung napababayaan din ang ibang sintomas maaaring mauwi sa kamatayan ang sakit na ito. Kaya naman narito ang mga iba’t ibag senyales o palatandaan na kailangan nang magkonsulta sa mga eksperto kung mayroon ka na bang amoebiasis:

  • Diarrhea o LBM – Pansinin kung ikaw ay madalas nang nagtatae. Makikita sa mga duming lumalabas sa iyong katawan ang mga taeng hindi buo o basa ang porma. Kung ito ay tumatagal na nang ilang araw mas mainam nang magpatingin.
  • Dyspepia – Para sa mga taong may malubhang amoebiasis, maaaring makaranas ng labis na stomache ache o pananakit ng tiyan sa tagalog. Kung minsan din ay makakaranas ng masamang matapos kumain. Asahan din ang pagkahilo at heartburn. Obserbahan din ang pananakit o paglaki na lang bigla ng iyong tiyan.
  • Amoebic dysentery – Sa ilan pang pagkakataon, maaaring makita na mayroon nang kasamang dugo ang tao at nilalagnat ang isang taong may amoebiasis.

Bagama’t maaaring sa maraming kaso ng amoebiasis ay hindi naman malala pero pwede pa rin ito mauwi sa malalang sitwasyon. Kung napabayaan, mauuwi ito sa dehydration o iyong pagkakaroon ng kakulangan ng supply ng tubig sa katawan ng tao. Mayroon ding mga nakararanas ng paghihina, panunuyo ng bibig, pagkahimatay, at palpitations.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano ang pwedeng gamot sa amoeba ng bata

May mga antibiotics na maaaring makagamot sa ilang sintomas ng amoebisis. | Larawan mula sa Pexels

Dahil nga maraming parents ang nag-aalala sa sakit na amoeba, tanong tuloy ng karamihan kung ano ang gamot para dito lalo na sa baby.

Ang amoebiasis ay ginagamot sa pamamagitan ng antibiotics at notroimidazole drugs. Ito ay gamot na ginagamit para mapatay ang bacteria ng amoeba sa dugo, sa wall ng intestine, at sa liver abscesses.

Kasama sa mga medikal na gamot na irot ang tinidazole at metronidazole. Isa rin ito sa pinakamabisang gamot dahil nasa tinatayang 17 sa 20 batang mayroong malalang amoebiasis ang napagaling nito sa pag-aaral ng eksperto.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Patunay na ligtas at pinakasimpleng paraan ng paggamot sa bacteria.

Home remedies para sa amoeba ng iyong baby

Malaking tulong ang pag-inom ng maraming tubig para maiwasan ang dehydration o pagkaubos ng tubig sa katawan kung mayroong amoeba. | Larawan kuha mula sa Pexels

Kung hindi naman malala pa, marami ring home remedies na maaaring i-try para sa iyong baby. Narito ang mga sumusunod na paraan na maaaring i-try:

1. Painumin ng maraming tubig ang baby

Maaaring mauwi sa dehydration ang bata, kaya mainam na painumin na ng maraming tubig para maiwasan ito. Makakatulong ang fluids para malinis ang sistema niya. Helpful ito para mas mabawasan pa ang parasitic organism sa kanyang katawan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bukod sa tubig, maaari ring maging gamot sa amoeba ang ilan sa herbal tea o coconut water. Maaari itong ipainom sa mga batang maaari nang uminom ng ganitong inumin.

2. Pagpapakain ng bawang

Ang bawang na dating ginagamit lang sa pagkain ay maaaring makatulong din sa amoeba. Pakainin lamang ang bata ng 2 hanggang 3 raw na garlic cloves nang walang laman ang tiyan. Mainam ang bawang para sa pagpapaalis ng harmful parasites.

3. Pagkain ng mga pagkaing mayaman sa fiber

Subukan ding pakainin pa ng maraming pagkaing mayaman sa fiber ang anak. Natutulungan nitong malinis ang bituka kung saan nananatili ang mga parasites.

Magandang tulong din ito para masigurong mayroong tama at regular na pagdumi ang bata. Sa ganitong paraan nailalabas niya ang bacteria ng katawan.

Ilan sa maaaring kainin ay ang pipino, kamatis, carrots, beans, mansanan, sunflower seeds, at iba pang whole-grain products.

Subukan ding pakainin ang siya ng mga mayayaman sa vitamin C at potassium para mapalakas ang immune system.

Kailan dapat tumawag na sa doktor?

Ang mga home remedies na ito ay ilan lamang sa alternatibo para sa pagpapahupa ng sintomas ng amoeba. Kung mayroon kaagad naobserbahang sintomas o senyales ng pagkakaroon ng amoeba ay ikontak na sa inyong doktor.

 

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Sinulat ni

Ange Villanueva