Durian, ipinagbabawal dalihin sa Disneyland!

Ayon sa bagong policy ng theme park, puwede nang magdala ng "outside food" sa loob ng Disneyland—ngunit dahil sa matapang na amoy ng durian ay hindi ito kasama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang nagkakahalagang $5.5 billion na theme park sa Shanghai ay napilitang luwagan ang pagbabawal sa pagdadala ng “outside food”. Ganunpaman, mayroon parin itong mga ipinagbabawal upang mapanatili ang magandang karanasan ng mga guests. Ano na nga lang ba ang masasabi mo kung habang nag-eenjoy sa Disneyland ay makalanghap ng amoy ng Durian?

Reklamo sa ban sa outside food

Hunyo taong 2016 nang magbukas ang Shanghai Disneyland na nagkakahalagang $5.5 billion. Mula pa nuon, mahigpit na ito sa pagbabawal ng pagdadala ng mga pagkain at nakakalasing na inumin papasok ng theme park.

Subalit, nitong taon lamang ay nakatanggap ng reklamo ang pamunuhan ng themepark. Isang estudyanteng may apelyido na Wang ang nagsampa ng kaso laban sa Shanghai Disneyland. Ito ay dahil sa pagbabawal sa kanya na magpasok ng mga pagkain na kanyang dala. Ang pinapayagan lamang na pagkain nuon ay ang para sa mga sanggol, dry snacks at mga prutas.

Ang kanyang reklamo ay kumalat sa Chinese social media kung saan marami ang sumuporta kay Wang. Puna ng mga netizens, diskriminasyon ito laban sa mga Asyano. Tinawag itong double standards dahil ang mga theme parks ng Disneyland sa America at Europa ay hindi pinagbabawalan ang magdala ng pagkain.

Ayon sa Disney, ang mga regulasyon na ito ay ayon sa karamihan ng theme park sa China. Ganito rin daw ang panukala pagdating sa iba pang theme parks ng Disney sa Asya. Ganunpaman, kanilang babaguhin ang panukala kung saan maaari nang magpasok ng pagkain ngunit, hindi lahat.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi kasama ang durian dahil sa matapang na amoy ng durian

Ayon sa bagong polisiya ng Shanghai Disneyland, maaari nang magpasok ng pagkain sa kanilang theme park. Ganunpaman, para mapanatili ang kaligtasan at pageenjoy ng mga bisita, mayroon paring mga ipinagbabawal.

Mananatiling bawal ang mga kailangang iinit at ilagay sa ref. Kabilang dito ang mga instant food tulad ng mga cup noodles. Hindi rin papayagan ang pagpasok ng mga maaamoy na pagkain tulad nalang ng prutas na durian at stinky tofu. Ang pagpasok ng mga buong pakwan ay pinagbabawalan din.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Umani ng papuri ang Shanghai Disneyland mula sa mga netizens sa nagawang desisyon. Ito ay sa kabila ng patuloy na pag-check sa mga personal na pagmamay-ari at pagdaan sa metal detector. Inirereklamo kasi ito ng publiko bilang invasion of privacy.

Source: Asia One

Basahin: Lalaking mahilig kumain ng hilaw na isda, punung-puno ng parasites ang katawan

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement