Amy Perez ibinahagi ang naging reaksyon ng magpaalam ang 21-anyos niyang anak na gusto na nitong magsolo. TV host umaming nasaktan pero na-realize na ito na ang tamang panahon para maging independent ang anak.
Mababasa dito ang sumusunod:
Reaksyon ni Amy Perez ng magpaalam ang 21-anyos niyang anak na gusto na nitong magsolo
Larawan mula sa Instagram account ni Amy Perez
Sa panayam sa kaniya ng showbiz reporter turned vlogger na si Ogie Diaz ay ibinahagi ng TV host na si Amy Perez ang motherly side niya. Doon ay ibinahagi niya kung ano ang kaniyang naging initial na reaction ng magpaalam ang 21-anyos niyang anak na si Adi na gusto na nitong mag-solo. Si Adi ay anak nila ng dati niyang asawa na si Brix Ferraris.
Kuwento ni Amy, noong una ay nagulat siya sa desisyon ng anak. Nalungkot siya at natakot sa naging desisyon nito. Lalo pa’t sa mahabang panahon silang dalawa lang ang magkasama.
“Siyempre, masakit yun for me, kasi lalo na sa case ni Adi, kasi for the longest time, kami yung magkasama, di ba? At alam ko din na may mga times noon nu’ng medyo bata siya, na may mga naging decision ako na hindi niya gusto or nakita niya na nasaktan ako. And yet, nandu’n lang din siya. So nu’ng time na nagpapaalam na siya, parang hindi ko matanggap na parang, ‘Ha? Ba’t siya aalis? Ba’t siya magsasolo? May kulang ba sa akin? May mali ba?’”
Ito umano ang naging initial reaction ni Amy ng magpaalam ang anak na gusto na nitong maging independent.
Paano na-overcome ni Amy ang naramdaman ng mawalay sa anak
Larawan mula sa Instagram account ni Amy Perez
Pero kinalaunan ay natanggap narin ni Amy ang desisyon ng anak. Dahil sa alam niya na ito ay makakabuti sa anak na nasa tamang edad na naman.
“Hindi naman natin mapipigilan na yun. Kailangan ko rin irespeto yung gusto nu’ng anak ko.”
“Dun ko din na-realize na darating talaga sa punto na yung mga anak natin para silang saranggola na kailangan mo silang paliparin.”
Ito ang sabi pa ni Amy.
Matapos ang paghihiwalay ni Amy at Brix, ang TV host ay nakatagpo ng bagong pag-ibig sa katauhan ni Carlo Castillo. Sila ay ikinasal noong 2014 at mayroong dalawang anak.
Larawan mula sa Instagram account ni Amy Perez
Sa mga magulang ang tawag sa phenomenon na kung saan natatakot tayo na mawalay sa poder natin ang anak ay tinatawag na “empty nest syndrome”. Ito ay ang feeling of shock o distress na aalis na sa bahay na tinitirhan o piling ng ina ang kaniyang anak. Ang isang inang nakakaranas nito ay dapat magkaroon ng support mula sa ibang miyembro ng pamilya. O kaya naman ay humingi ng tulong mula sa eksperto kung kinakailangan.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!