Ang tanong ng ating mga nanay, ‘paano maging malakas at mabuting anak ang chikiting ko?’ We got you moms! Narito ang mga paraan para lumaking strong at independent ang anak na babae.
5 paraan kung paano maging strong, independent at mabuting anak
Tayong mga magulang, we just want the best for our kids. Kaya naman lahat ng pangangailangan nila ay walang pagda-dalawang isip na ibinibigay. Hindi na iniisip kung gaano kahirap at kabigat ang mga sakripisyo. Basta lang ay lumaki ng mabuti at matalino ang anak.
Sa kanilang paglaki, kinakailangan nilang tumayo sa kanilang mga sariling paa—mas lalo na ang mga anak na babae. Bilang babae maraming mga pagsubok na daraanan ang ating mga anak katulad ng hindi patas na pagtingin sa kanila dahil sa kanilang kasarian, ang pananaw ng lipunan na mahina ang mga babae, at ang pag-iisip na ang tanging papel lamang ng babae ay sa bahay.
Ang role nating mga magulang ay gabayan sila pero ang desisyon ay nasa ating mga anak. Ngunit paano nga ba magpalaki ng malakas at independent na batang babae?
5 paraan kung paano maging strong, independent at mabuting anak | Image from Unsplash
1. Hayaan silang masaktan
Sa pagpapalaki ng mga anak, ang buong effort ay nasa mga magulang. Kailangan ng dobleng kayod at matalinong paraan dito dahil alam nating lahat na hindi biro ang magpalaki ng isang bata. Para lumaking malakas at independent ang iyong anak, ‘yung tipong hindi na iiyak kapag nasa ibang bahay at wala ka sa tabi niya o hindi naman kaya, siya na ang namimili ng damit na susuotin sa pagpasyal.
Moms at dads, kailangan mong maging matibay ang loob. Sa atin naka suporta at naka sandal ang ating mga anak. Sa process ng pag papalaki ng malakas na bata, hindi na mawawala diyan ang masaktan sila. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit sumusuko agad ang isang nanay o napuputol ang kanilang pangaral.
Oo, masakit makita na umiiyak ang anak kapag inaway siya ng kaibigan, nadapa o kaya naman bumagsak sa exam. Ngunit bahagi ng proseso na ito ang hayaan lang ang iyong anak na tanggapin ang mga emosyon na susubok sa kanila.
Gabay ang kailangan nila sa panahong ito.
2. Hayaan siyang magkaroon ng failures
Bahagi ng paglaki ang failures at rejections. Sa lahat ng desisyon na gagawin, marami ang consequence na matatanggap at kailangang handa ang loob ng anak mo rito. Ang pagtanggap sa kamalian o failure ang mag papalakas ng loob ng iyong anak. Ituro sa iyong anak na ‘wag dibdibin kung sakaling magkaroon sila ng mababang grado o hindi nakapasok sa club na gusto nilang salihan.
Sa makatuwid, gawin itong opportunity o inspiration para maging mas mabuti at hindi na maulit ang kamalian. Hayaan siya na masolusyunan ang sarili niyang problema at hindi maghintay ng ibang tao na mag-solve nito para sa kaniya.
5 paraan kung paano maging strong, independent at mabuting anak | Image from Unsplash
3. Hayaan siyang gumawa ng mga sariling desisyon
Para ma-achieve ang pagiging independent ng iyong anak, turuan siya kung gaano kahalaga ang responsibilidad at pag-gawa ng tamang desisyon. Maaaring umpisahan ito sa pagpili ng damit. Hayaan siyang mamili ng susuoting sapatos o dress kapag aalis ng bahay. Puwede ring bigyan ito ng kutsara kapag kakain para masanay ito sa pag-gamit ng utensil.
Ang mahalaga ay matutunan niya na ang responsibilidad ay walang kasarian. Hindi porke’t babae ay siya lang dapat ang tumutulong sa gawaing bahay na nakaugalian na gawin ng babae katulad ng paglalaba, pagluluto at pag-aalaga ng nakakabatang kapatid.
Sa obligasyon at responsibilidad nagsisimula ang pagiging independent ng isang bata.
4. ‘Wag magbigay ng limitasyon at expectation
Sa paglaki ng ating mga anak na babae, dadaan sila sa ‘puberty stage’. Dito magbabago ang hugis ng kanilang katawan, magsisimula na rin silang ayusin ang sarili at mayroong sariling group of friends.
Sa panahon rin na ito, nagiging sensitibo ang mga anak nating babae. Dadating ang oras na pilit nilang babaguhin ang kanilang pisikal na anyo o kaya naman ang mga kilos nito. Ang pangunahing dahilan? Pressure sa kaniyang paligid. Maaaring nakikita niya sa environment niya na ganito ang definition ng matalino, maganda o madiskarte.
5 paraan kung paano maging strong, independent at mabuting anak | Image from Unsplash
Ngunit bilang magulang at taga pag-gabay sa mga anak, ang kailangan nating gawin ay ipaintindi sa kanila na hindi kailangan na maging katulad siya ng iba. Turuan siyang tanggapin ang sarili dahil ito ang sikreto ng pagiging malakas.
5. Maging consistent
Habang lumalaki ang ating mga anak, parami nang parami ang mga nadidiskubre at nalalaman nilang mga bagay. Humaharap na sila sa ‘real. world’ at handa nang gumawa ng sariling desisyon. Magiging successful ito kung ikaw rin na magulang ay magiging matapang at consistent sa pag gabay sa anak.
Source:
Psychology Today, KidSpot
BASAHIN:
Pampatangkad na ehersisyo na makakatulong sa iyong anak
Masama ba akong ina? 10 signs that you are a toxic mom
LJ Reyes nag-share kung paano nga ba i-train ang anak upang maging independent
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!