Tayong mga magulang, ang tanging gusto ko lang natin sa ating mga anak ay ang best para sa kanila. Sa kabilang banda, pumapasok na ang usapang height dito. Paano ko ba matutulungan na lumaki ang anak ko? May pampatangkad ba na paraan para rito?
Ayon sa research, may importanteng ginagampanan ang height ng bata sa future nila. Napag-alaman sa pag-aaral na ang mga matatangkad na tao ay mas mataas ang tiyansa na magkaroon ng higher education at job status.
Pumapasok din dito ang kasiyahan ng isang tao. Nakita sa report na ang mga matangkad ay mas masaya kaysa sa iba. Mahirap mang pakinggan pero ito ay isang factor na maaaring baguhin ang future ng iyong anak. Ngunit ang pag-aaral na ito ay kinakailangan pa ng malalim ng pag-aaral.
Kung ang iyong anak ay nais tumangkad at tinatanong kung bakit siya maliit kumpara sa mga kaibigan nito, ‘wag mabahala. Ayon sa Scientific American, 60-80% ang tangkad na nagmumula sa genes ng magulang.
Habang ang 20-40% ay dahil sa ibang environmental factors katulad ng nutrition at exercise.
Exercise tips na pampatangkad
Para mabigyan ng karagdagang inch ang tangkad ng iyong anak, narito ang iba’t ibang uri ng ehersisyong pampatangkad. Ang exercise routine na ito ay puwedeng-puwede sa kahit anong edad ng bata. Maaaring gawin ito bago ang puberty nila. Ang mga lalaki ay nasa maximum height na sa edad na 16 habang 14-15 years old naman sa mga babae.
Ang pampatangkad na ehersisyo na ito ay paniguradong makakatulong sa paglaki ng iyong anak! Bukod pa rito, magkakaroon ng magandang posture at malakas na pangangatawan ang iyong anak.
1) Stretching exercises
Ang stretching exercise ay nakakatulong sa spine ng bata. Dahil sa routine na ito, napapabuti ang vertebrae at napapanatili na ito ay naka-align ng mabuti. Ang ehersisyo na ito na galing kay Beauty Within, ay sobrang dali lamang at puwede sa kahit anong edad. Nakakatulong ito sa pagpapahaba ng cartilage ng spine na dahilan ng flexibility!
Downward Dog
Exercise tips na pampatangkad
Ang stretch na ito ay para mapatibay at mapahaba ang spine. Kailangan ay naka diretso ang iyong mga paa at nasa limit ito. Panatilihing straight din ang iyong spine sa routine na ito. Malalim na inhale at exhale, ulitin ito ng walong beses. Tandaan lamang na ang hamstrings ay maaaring sumakit sa stretching na ito.
Hip Flexor Stretch
Exercise tips na pampatangkad
Siguraduhin na itulak ang hips paharap hanggang maramdaman mong naka-stretch ng mabuti ang iyong upper at lower thigh. Manatili sa ganitong posisyon ng 15-20 seconds. Gawin ito sa magkabilaang hita. Ang stretching na ito ay napapabuti ang flexibility, napapahaba ang muscles at pang-alis ng pressure sa mga muscles.
Alternative Hip Flexor Stretch
Exercise tips na pampatangkad
Kung nahihirapan ang anak mo sa mga version sa taas, maaaring gawin na lamang ito. Siguraduhin na i-bend ang iyong legs pababa sa dibdib hanggang sa maramdaman mong naka-stretch na ang iyong thighs. Manatili sa ganitong posisyon ng 15-20 seconds. Gawin sa magkabilang paa.
I-click ito kung nais makita ang buong instruction sa exercise.
2) Posture exercise.
Dahil sa mabigat na school bag at matagal na pagbabad sa computer, ang mga bata ay hindi nakakakuha ng magandang posture. Ang pagtayo ng diretso ay nakakatulong na mapahaba ang spine ng iyong anak.
Ang exercise na mula sa Coolum Family Chiropractic ay makakatulong sa iyong anak habang siya ay nagpapatangkad.
Paano tumangkad? | Image Credit: Coolum Family Chiropractic
Hindi lang magandang posture ang naidudulot ng exercise na ito. Magiging confident din ang iyong anak dahil sa illusion ng height. Makakatayo sila ng diretso na mayroong magandang postura sa school presentation hanggang job interviews.
I-click ito kung nais makita ang buong instruction sa exercise.
3) Neck exercises
Importante rin na i-exercise ang leeg dahil nakakapagbigay ito ng extra inch sa height at posture. Narito ang simpleng neck exercises na makakatulong na maalis ang tension sa leeg at thyroid.
I-click ito kung nais makita ang buong instruction sa exercise.
Paano tumangkad?
4) Vertical hanging
Ang force ng gravity ay nakakapagbigay ng pressure sa iyong spine na nagiging dahilan kung bakit tayo lumiliit. Ito ang dahilan kung bakit tumatangkad ng 3% ang mga austronaut sa space!
Ayon kay Mickey Mehta, isang health guru, ang vertical hanging ay makakatulong sa iyong lower torso na ma-stretch ang spine at maalis ang pressure sa vertebrae. Kung sasanayin ang iyong anak, maaaring ito ang maging dahilan ng pagkakaroon nila ng dagdag inch ng height!
Paano tumangkad? | Screenshot from Mickey Mehta/Times Living
I-click ito kung nais makita ang buong instruction sa exercise.
Disclaimer: Kailangang komunsulta muna ng mga magulang sa medical professional kung magsasagawa ng ganitong exercise sa iyong anak.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
BASAHIN:
8 Pagkain na pampalakas at pampatangkad sa mga bata
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!