Ang tanong ng ilan, ‘Masama ba akong ina?’
Bawat pagpapalaki ng magulang ay iba-iba. Bawat nanay ay may sariling pamamaraan kung paano nila sinusuportahan ang kanilang mga anak. Ngunit kahit na anong ingat o pagpapahalaga natin sa ating mga anak, may pagkakataon rin na tumitigas ang kanilang ulo at nasa punto na hindi mo na ito nagugustuhan.
Ngunit mommy, hindi lahat ng oras ay kasalanan ito ng bata. Maaaring ito ay sa paraan mo ng pagdidisiplina o pagpapalaki sa kaniya dahilan para magrebelde o tumigas ang kanyang ulo.
Masama ba akong ina? 10 signs that you are a toxic mom
Paano nga ba malalaman na ikaw ay toxic mom para sa iyong anak? Narito ang sampung bagay na hindi mo namamalayan na hindi na pala nakabubuti para sa iyong anak.
1. Pagkukumpara
Ang pagkukumpara sa iyong anak at ibang tao ay may malaking epekto sa kanilang mental health. Kahit sino naman ata ay hindi gusto ang konseptong pagkumpara laban sa iba. Ipamumukha lang nito na hindi sapat ang iyong anak at mas gusto mo ang kakayahan ng ibang tao.
Sa ganitong paraan, mapapatanong sila kung “Ano ang kulang sa akin?”
2. Pagkokontrol
Isang dahilan kung minsan ay lumalaking rebelde ang iyong anak ay dahil sa masyado itong kontrolado ng pamilya. Nakakaramdam sila ng pagkasakal at hindi pagiging malaya sa kanilang buhay dahil may nagkokontrol sa kanila. Hindi nila nagagawa ang sana’y interes nila dahil nauuna ang kagustuhan ng ibang tao.
Ang dahilan ng magulang? “Mas makabubuti ang kanilang desisyon para sa kanilang anak dahil mas alam nila ang mangyayari.”
Masama ba akong ina? | Image from Freepik
3. Pagpapahiya
Isa pang nakakaapekto ng malaki sa mental health ng bata ay ang labis na pagpapahiya ng nanay sa kanila. Katulad na lamang kung ito ay nakakuha ng mababang grado sa kanyang test sa school. Kailangan niya ng uplifting advice katulad ng “Okay lang ‘yan anak. Hindi galit si mommy sa’yo.” imbes na ipahiya ito sa harap ng kanyang mga kapatid.
Ang mga batang laging napapahiya sa harap ng maraming tao o sa mismong harap ng magulang niya ay bumababa ang self confidence at nagsisimulang kwenstyunin ang kanilang mga sarili.
4. Pangingialam
Minsan ay hindi healthy para sa iyong anak na alamin mo ang lahat ng nangyayari sa kanila. Oo, karapatan rin ng nanay na malaman ang takbo ng buhay ng kanilang anak. Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangang ugaliin ito. May tendency kasi na maaaring masakal ang iyong anak dahil sa pag-invade mo ng kanyang privacy.
Sa ganitong pagkakataon, hindi mo kailangang pilitin siya na ikwento ang lahat ng bagay sa’yo. Maaari mo siyang kausapin na kung may nais siyang sabihin ay nandyan ka lamang na handang makinig.
5. Pagtutol
Naguumpisa ito kahit bata pa lamang. Katulad ng pagtutol manood ng cartoon, pagtutol makipaglaro sa labas at pagpili ng nanay ng kakaibiganin ng anak. Katulad ng iba, sila ay masasakal sa’yo at hahanap ng paraan para maging malaya.
Kung papairalin ito, may pagkakataon talaga na lumayo ang loob niya sa’yo at maghanap ng kalinga sa iba.
Masama ba akong ina? | Image from Freepik
6. Paninisi
Hindi maganda sa tenga ng isang tao kung puro paninisi na lamang ang kanilang naririnig. Katulad na lamang kung ang purpose ng iyong anak ay makatulong pero paninisi lang ang kanilang natanggap sa’yo.
Magandang musika para sa kanila ang simpleng “Thank you.” mula sa malalapit sa kaniya. Dito niya nararamdaman na may nakaka appreciate sa kanyang mga ginagawa.
7. Pamimilit
Ang bawat bata ay may kanya-kanyang kakayahan at talento. At hindi lahat ng bata ay kayang gawin ang isang bagay dahil kaya ng iba. May pagkakataon na magaling sa ganitong larangan ang iyong anak at hindi naman kagalingan sa iyong nais para sa kanya. Sa ganitong pagkakataon, ‘wag ipilit sa kanila ang mga bagay na ayaw o hindi kaya. Hindi ito healthy para sa kanila.
Hindi sapat na dahilan na ‘mas maganda ang magiging career mo dito’ pero ang totoo, hindi siya masaya sa desisyon mo dahil hindi naman ito ang kanyang gustong tuparing pangarap.
8. Hindi siya masaya para sa’yong success
Masakit isipin na hindi naaappreciate ng taong ginawa mong inspiration ang iyong success. Halimbawa na lang nito na nanalo ka sa singing contest pero hindi pa rin na tuwa ang iyong nanay dahil hindi ka niya suportado sa field na ito.
Masama ba akong ina? | Image from Freepik
9. Paghingi ng tawad sa lahat ng bagay
Nagsisimula ito kapag pinagalitan ng isang ina ang kanyang anak. At walang ibang magagawa ito kundi humingi ng tawad. Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangang mag sorry ang anak dahil wala naman itong ginawang masama.
Ang isang toxic mom ay hindi nararamdaman ito. Para sa kanila, sila ang laging tama at dahil nga matanda, kailangang humingi ng tawad ang kanilang mga anak kahit na sila ang mali.
10. Pagsita sa lahat ng iyong galaw
Hindi healthy sa relasyon ng pamilya kung bawat galaw ng anak ay sinisita. ‘Yung kahit simpleng pagpahinga o pagtulog ay gagawan na ng malawak na dahilan para masita. Ang isang toxic mom ay nakikita ang kanyang anak lahat ng pagkakataon kahit na wala naman dapat na punahin o sitahin.
BASAHIN:
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!