Naging emosyonal si Amy Perez na kilala rin sa tawag na “Tyang Amy” sa isang segment ng kanilang programang It’s Showtime. Sa naturang programa kasi, napag-usapan ang tungkol sa pagpapalaya ng magulang sa kanilang mga anak.
Mababasa sa artikulong ito:
- Amy Perez emosyonal nang mapag-usapan ang ‘pagpapalaya’ sa anak
- Tyang Amy: Pagpapalaya sa anak greatest sacrifice ng magulang
Amy Perez emosyonal nang mapag-usapan ang ‘pagpapalaya’ sa anak
Screenshot mula sa It’s Showtime
Isang nanay ang naging guest ng It’s Showtime sa isang episode ng kanilang segment na “EXpecially For You.” Sa naturang segment, napag-usapan ang pakiramdam ng isang magulang tuwing may anak na magpapaalam na gusto nang mamuhay nang mag-isa.
Dahil sa topic na ito, hindi na naiwasan ni Amy Perez na magbahagi ng sariling karanasan bilang isang ina na noon ay itinaguyod nang mag-isa ang kaniyang panganay na si Adi.
Larawan mula sa Instagram ni Amy Perez
Kwento ni Tyang Amy, naranasan niya na kailangan niyang mag sakripisyo nang piliin na ng kaniyang anak na tumira malapit sa unibersidad kung saan ito nag-aaral.
“Drum-drum ang iniyakan noon, ‘di ba? Parang lahat ng tanong niya, lahat pilit mong binibigyan ng sagot. ‘Hindi anak ‘di ba dito mas okay? ‘Di ba dapat ganito, ganiyan?’ Pero at one point bilang isang nanay, parang it was the hardest thing to accept na i-let go mo siya,” pagbabahagi ni Amy Perez.
Tyang Amy: Pagpapalaya sa anak greatest sacrifice ng magulang
Mabigat man sa loob at malungkot na palayain ang anak at hayaang mamuhay mag-isa, tungkulin pa rin umano ng mga magulang na manatiling nakasuporta at gumagabay sa kanilang mga anak kahit malayo ito.
Screenshot mula sa It’s Showtime
Mahirap man umano pero dapat na hayaang mag-grow ang anak at umantabay upang dumamay sakaling magkamali ito sa naging desisyon.
“Iyon yung greatest sacrifice ng mga magulang. ‘Yung i-let go ‘yung anak, hayaan na lumipad, mag-grow. Pero kung magkamali man nandoon pa rin ang magulang. Nandoon pa rin ang nanay,” saad ng celebrity mom.
Larawan mula sa Instagram ni Amy Perez
Ngayon daw, tuwing nakikita niya ang anak ay super proud siya na ‘yong dating ayaw sana niyang gawin nito na bumukod ng tirahan ay nagbunga naman umano ng maganda.
“Okay siya at namumuhay siya ng tama nang hindi siya nakakaabala ng ibang tao and regular pa kaming nagkikita,” kwento pa ni Amy Perez.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!