Masayang ibinahagi ng ‘That’s Entertainment’ alumna na si Ana Roces ang pag-graduate ng kaniyang daughter. Alamin din kung paano matutulungan ang iyong anak sa kaniyang college decision.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ana Roces ibinida pag-graduate ng kaniyang daughter
- Tips paano tulungan ang anak to choose the right college
Ana Roces ibinida pag-graduate ng kaniyang daughter
Ibinahagi ni Ana Roces sa Instagram ang picture kasama ang daughter niya na si Carmela. Kuha ang larawan sa graduation ng anak sa high school.
Larawan mula sa Instagram account ni Ana Roces
Ani Ana Roces sa caption ng picture niya with her daughter, “So proud of your achievements from being a class officer to all your academic awards. Now on to the next chapter. #maycollegestudentnaako”
Bukod sa pagtanggap ng loyalty award, outstanding student for two semesters din ang daughter ni Ana Roces.
Ilan sa celebrities na bumati sa daughter ni Ana Roces ay sina Ruffa Gutierrez, Donita Rose, Mariel Padilla, at Sunshine Cruz.
Sa Saint Pedro Poveda College nagtapos ng high school ang daughter ni Ana Roces. Simpleng graduation dinner naman ang naging selebrasyon ng pamilya nito.
Larawan mula sa Instagram account ni Ana Roces
Tatlong linggo bago ang graduation ng kaniyang daughter, ibinahagi ni Ana Roces sa Instagram ang nararamdaman. Hindi aniya niya mapaniwalaan kung gaano kabilis na lumipas ang mga araw.
Ngayon nga ay naka-graduate na ang daughter ni Ana Roces sa high school. Proud mommy din ito dahil natanggap ang kaniyang daughter sa top 2 university choices ng anak.
“Can’t believe you’re graduating high school soon. Wasn’t it only last month when I brought you for your Kinder interview? That was 14 years ago. So proud that you got in your top 2 university choices.”
Larawan mula sa Instagram account ni Ana Roces
BASAHIN:
Bianca Gonzalez’ daughter Lucia graduates kindergarten: “We are so proud of how much you have grown”
Trina Candaza on her 26th birthday celebration: “Kung anong iniyak ko noon, ayon naman sinaya ko ngayon.”
Alex Gonzaga natuwa sa anak ni Zeinab Harake: “Ang sarap ng may baby.”
Tips paano tulungan ang anak to choose the right college
Challenging para sa iyong anak ang college decision process. Sa pag-graduate nila sa high school, simula na ito ng transition period nila patungo sa adulthood. Mahalagang maging maingat sa paggawa ng college decision dahil malaki ang epekto nito sa kanilang buhay.
Kadalasan, nasosobrahan ang pagiging involve ng parent o guardian sa proseso ng paggawa ng college decision. To the point na sila na ang nasusunod at nawawalan ng pagkakataon ang bata na magdesisyon para sa sariling future.
Bilang parents, imbes na i-take over ang decision process, mas importanteng maging supportive habang ginagabayan ang anak na magdesisyon. With this, matutulungan mo ang iyong anak na maging empowered.
Narito ang ilang bagay na maaari mong gawin to help your child choose the right college:
- Tulungan ang anak na gumawa ng list of schools – Makakatulong ito para mas maunawaan ng iyong anak kung ano ang gusto niya sa kaniyang college experience.
Mahalagang pakinggan kung ano ang kailangan at kagustuhan ng iyong anak para maintindihan ang kaniyang preferences.
- Alternative Education Paths – Importanteng bukas ka rin sa posibilidad na hindi gusto ng iyong anak na tahakin ang traditional path pagkatapos ng high school.
Karamihan man ay gustong makatapos ng four-year degree, mayroong mga kabataang mas gusto sa trade schools o community colleges.
- Discuss location – Alamin kung ano ang mas gusto ng iyong anak: move across the country para sa kaniyang higher education journey o piliin ang school na mas malapit sa bahay.
Maaari niyo ring mapag-usapan ang in-state at out-of-state tuition. Pati na rin ang pagkakaiba ng gastos between public at private colleges.
- Affordability and financial aid offers – Mahalaga itong pag-usapan para matulungan ang anak na i-manage ang expectations. Makatutulong din ito na maturuan ang student sa financial literacy at management.
Pagkomparahin ang tuition fee rates ng colleges at tulungan siyang magdesisyon ayon sa financial ability ng pamilya.
- Samahan ang anak na bumisita sa campuses – Helpful ito para ma-solidify ang top choices ng iyong anak at ma-imagine niya ang sarili na doon mag-aaral. Sa pamamagitan nito, mas mararamdaman ng iyong anak ang iyong suporta sa kaniyang college decision.
Sa pagbisita, empower your child na mangalap ng impormasyon na makakatulong sa kaniya na magdesisyon. Maaari niyo itong gawin nang magkasama o independently.
- Emotional support – Isa ito sa mga pinakamahalagang bagay na maaari mong gawin para sa iyong anak. Ang paggawa ng final decision kung saan siya mag-aaral, paghihintay ng acceptance letter at financial aid offers ay maaaring magdulot ng stress at anxiety sa iyong anak.
Mahalagang magbigay ng emotional support ang parents and guardians during the process. Importanteng makinig sa iyong anak, kausapin sila tungkol sa kanilang options, at maging sa takot na nararamdaman.
Hindi makatutulong sa iyong anak kung magiging overly involved ka o mapilit sa kaniyang college decision process. Gustuhin mo man na maging resource at support, tandaan na ang huling desisyon ay dapat nakasalalay pa rin sa iyong anak.
Kung sakaling hindi sinasadyang lumampas ka sa iyong boundary bilang magulang, i-acknowledge ito. Sabihin sa iyong anak na nire-recognized mo ang iyong behavior at susubukang i-empower siya imbes na impluwensyahan sa mga susunod na hakbang ng pagdedesisyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!