Marami ang nagalit na netizens nang kumalat ang balita tungkol sa mag-asawang ibinibenta ang kanilang anak na babae upang matustusan ang pampa-ospital ng kanilang isa pang anak na may leukemia.
Kambal ang anak ng mag-asawa, edad 4 na taong gulang.
Nagalit ang marami dahil sa tila “gender discrimination” na ipinakita ng mag-asawa para maisalba ang buhay ng kanilang anak na may leukemia
Ayon sa Asia One, ang mag-asawang mula sa Sichuan province, China na sina Liang Yujia and Chen Lanqin ay nag-post ng larawan na may caption na nagsasabing ibinibenta nila ang kanilang anak na babae upang mailigtas ang buhay ng kanilang anak na lalaki.
Dahil dito, na-bash ang mag-asawa online dahil sa tila “gender discrimination” at matuturingan ding human trafficking.
Ayon sa post ng mag-asawa, nangangailangan sila ng 560,000 yuan (4.3 million pesos) upang matustusan ang hospital bills ng kanilang anak na may leukemia.
Ayon sa isang fundraising website sa China, halos 50,000 yuan na ang nalikom ng mag-asawa. Sinabi rin nila na naiintidihan nila ang sitwasyon ng mag-asawa.
Matapos kumalat ang balita, humingi ng tawad ang mga magulang ng bata sa publiko. Nilinaw din nila na hindi nila ibebenta o ipamimigay ang anak nilang babae, kahit na marami nang nagtatanong kung maaari nila itong ampunin.
Leukemia sa Bata: Importanteng Kaalaman
photo: dreamstime
Ang leukemia ay isa sa pinakapangkaraniwang tipo ng kanser sa bata. Kahit na isa itong malubhang sakit, minsa’y simple lamang ang sintomas nito, tulad ng sore throat o rashes. Kaya’t napaka-importanteng maagapan ito sa lalong madaling panahon.
Paano? Alamin ang mga senyales ng karamdamang ito. Narito ang mga sintomas ng leukemia:
- Lagnat or kombulsyon
- Madaling manghina o mapagod
- Walang ganang kumain
- Pagbagsak ng timbang
- Pamamaga ng lymph nodes
- Pamamaga ng tiyan
- Rashes o mga pulang marka sa katawan
- Pagkahingal
- Sore throat
- Sobrang pagpapawis (lalo na sa gabi)
- Pananakit ng buto
- Madalas na impeksiyon
- Pagkahilo
- Pananakit ng ulo
- Pamumutla
- Ubo o hirap huminga
- Seizures o panginginig
Importante ring huwag mangamba kung mayroong isa o dalawang sintomas sa listahang ito ang iyong anak. Dahil hindi naman lagi ito sintomas ng leukemia. Pero mabuti na rin ang nag-iingat, lalo na pagdating sa kalusugan ng ating mga anak. Siguraduhing kumunsulta sa pinagkakatiwalaang duktor dahil mas mainam na ang laging alerto.
sources: Asia One, WebMD
BASAHIN: Dear TAP: Kambal ang ipinagbuntis ko pero isa lang ang nabuhay
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!