Ibinahagi ni Anne Curtis ang kanilang paraan kung paano inaalagaan ang anak nila Erwan Heussaff na si Dahlia. Multiracial parenting style umano ang umiiral sa kanilang tahanan.
Mababasa sa artikulong ito:
- Anne Curtis daughter pinalaki sa mixed parenting style
- Tips paano magpalaki ng multiracial child?
Anak ni Anne Curtis at Erwan pinalaki sa mixed parenting style
Masayang sinagot ng celebrity mom na si Anne Curtis ang mga tanong tungkol sa kaniyang anak na si Dahlia, sa naganap na launching ng Prime Video. Sa nasabing interview, naikwento nga ni Anne Curtis na nag-aaral na ang kaniyang anak.
May mga ina-attendan na raw itong klase kaya naman kahit paano ay nakakabalik na siya sa showbiz. May social life na raw ang anak ni Anne Curtis kaya nakakapag-host na ulit siya sa ‘It’s Showtime’ at ngayon nga ay isa sa mga mukha ng Prime Video.
At dahil nga si Anne Curtis ay Filipina-Australian habang French-Filipino naman ang asawang si Erwan, naitanong din dito kung anong parenting style ang pinatutupad nila sa pagpapalaki sa kanilang anak.
Saad ni Anne Curtis, mixed umano ng Pinoy at French style ng parenting ang sinusunod nila ni Erwan Heussaff para sa anak na si Dahlia.
“I think there’s an understanding between Erwan and I.”
Kapag kinakausap din daw ang anak ni Anne Curtis ay nagagawa rin nitong magsalita in French, Filipino at English. Minsan nga raw ay natatawa siya kapag naririnig niya itong nagta-Taglish. Biruan nila ay lumalabas na umano ang pagka-Anne Curtis ng kaniyang anak dahil sa conyo na pananalita.
Nakatulong din daw ang lockdown noong simula ng pandemya para makapag-focus si Anne Curtis sa kaniyang anak at mister.
Bukod pa rito, ibinahagi rin ni Anne Curtis ang isa sa mga pinakamahalagang payo sa kaniya ng kaniyang mommy tungkol sa pagiging magulang sa kaniyang anak.
“She told me that I will have my own unique journey when it comes to parenting. And that it won’t always be right but it’s the right way for me,” saad ni Anne Curtis.
Dagdag pa nito, “It won’t be perfect in other people’s eyes pero it’s your journey as a mother. So, don’t let it affect you if people say something.”
Tips sa pagpapalaki ng multiracial child
Tinatawag na biracial ang bata kapag ang mga magulang nito ay nagmula sa magkaibang lahi. Sa kaso ni Dahlia na daughter ni Anne Curtis, tinuturing siyang multiracial child dahil ang parehong magulang niya ay biracial.
Paano nga ba magpalaki ng anak na ang magulang ay mula sa iba’t ibang lahi?
Posibleng makaranas ng diskriminasyon at iba pang challenges ang isang biracial o multiracial na bata. Kaya naman mahalagang gabayan ito sa kaniyang unique cultural inheritance para na rin maiwasan na magkaroon siya ng identity crisis.
Narito ang tips na maaari mong gawin para maging madali para sa iyong anak ang pagiging multiracial:
Larawan mula sa Instagram account ni Erwan Heussaff
Kulay ng balat
Hayaan lang ang iyong anak na magtanong at i-voice out ang curiosity kung bakit iba ang kulay ng kaniyang balat sa karaniwan. O kaya naman kapag magkaiba ang skin complexion niyo ng iyonga asawa. Ipaliwanag sa kaniya ang dahilan sa paraan na mabilis niyang mauunawaan.
Ituro din sa kaniya ang pagrespeto sa kulay ng balat ng iba at sa pagiging proud sa sariling kulay.
Kultura
Bigyan ng pagkakataon ang iyong anak na mamili ng kulturang nais niya. Sa pamamagitan ng exposure sa iba’t ibang kultura ng bawat lahi sa inyong pamilya, magkakaroon ng specific na interes ang iyong anak. Hayaan siyang mag-explore at mamili kung anong kultura ang magpapasaya sa kaniya at kung saan siya mas komportable.
Mixed features
Ipaliwanag sa iyong anak na ang magkahalong features ng iyong lahi at lahi ng iyong asawa ay parehong maganda. Mahalaga ring maintindihan niya kung paano naghalo ang features ng kaniyang ama’t ina sa kaniyang pisikal na anyo.
Relate
Ipakilala sa iyong anak ang mga popular na taon na multiracial din. Sa pamamagitan nito ay makakarelate ang iyong anak at makikita niya na hindi siya nag-iisa. Maipapakita rin sa bata na walang mali sa pagiging multiracial niya. Maaari kayong manood ng mga movie o tv shows kung saan ay pinagbibidahan ng mga bata o personalidad na multiracial.
Larawan mula sa Instagram account ni Erwan Heussaff
School
Pumili ng paaralan na may diverse ethnic background. Kung ang mga kamag-aral ng iyong anak ay mula sa iba’t iba ring racial background, makatutulong ito para mas maramdaman niyang welcome siya sa paaralan at maging komportable.
Mahalaga ring kausapin muna ang management ng school tungkol sa racial tolerance sa school grounds bago i-enroll ang anak.
Speak up
Ipaliwanag sa bata ang pagkakaiba ng mga lahi at kung gaano kaganda ang iba’t ibang lahi. Bukod dito ay ituro din sa kaniya ang anti-racism. Ipaalala sa iyong anak kung kailan siya dapat na tumanggi sa pagsagot sa mga di magandang tanong tungkol sa pagiging multiracial niya.
Turuan ang iyong anak na magsalita laban sa mga panlalait tungkol sa kultura, kulay ng balat, itsura at iba pang may kaugnayan sa pinagmulang lahi.
+Source
Mom Junction
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!