Ipinabatid ni Vice President at Department of Education Secretary Sara Duterte na hindi required ang pagsusuot ng school uniform sa face-to-face classes sa Philippines.
Mababasa sa artikulong ito:
- School uniform di re-quired sa face-to-face classes sa Philippines
- Proper attire na dapat suotin sa school ayon sa DepEd order
School uniform hindi required sa face-to-face classes sa Philippines
Para umano makabawas sa gastusin ng bawat pamilyang Pilipino, hindi raw required ang pagsusuot ng school uniform sa mga paaralan sa Philippines sa pagbabalik ng face-to-face classes. Ito ang sabi ni VP at Education Secretary Sara Duterte.
Aniya, kahit naman noong bago pa ang pandemya ay hindi na required ang pagsusuot ng school uniform sa mga public school in the Philippines. Nakasaad ito sa DepEd Order No. 45 series of 2008.
“The wearing of a school uniform shall not be required in public schools. Students with existing uniforms may continue using these uniforms, if they so desire, to avoid incurring additional costs for new attire,” ayon sa DO No. 45.
Larawan mula sa official Facebook account ng Department of Education (DepEd)
Iginiit ni Duterte na dapat na mas maging considerate ang kaniyang ahensya sa usaping ito dahil sa lumalalang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at maging sa epekto ng pandemya.
Matatandaang noong 2016 ay isa rin sa proposal ng ama ni VP Sara Duterte na si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtatanggal ng mandatory na pagsusuot ng school uniforms sa mga public schools sa Philippines. Ngunit katunayan ay matagal nang hindi required ang school uniform sa mga public school.
Noong 2008, panahong si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo pa ang Presidente, ay mayroon nang DepEd Order No. 45 kung saan sakop nito ang usapin sa mandatory school uniform sa Philippines.
“To increase school participation of all school-aged children, it is important to remove any and all obstacles, particularly financial, to their enrolment in public schools.”
Samantala, magsisimula ang mandatory face-to-face classes sa November 2, 2022. Layunin umano nitong matugunan ang learning loss dulot ng distance learning set-up nitong pandemic.
Ipinaliwanag din ng DepEd na sa pagbabalik ng mga mag-aaral sa face-to-face set-up ay hindi sila magse-set ng standard size o kung ilan lang ang dapat na estudyante sa kada classroom. Ito raw ay dahil sa magkakaiba ang laki at kapasidad ng mga classroom sa iba’t ibang paaralan.
Larawan mula sa official Facebook account ng Department of Education (DepEd)
“The reason why we included the ‘physical distancing shall be implemented whenever possible’ is that, this is one of the considerations included because we don’t want to add, add on the burden of additional classes in schools due to distancing,” paliwanag ng DepEd Secretary.
Proper attire na dapat suotin sa school, ayon sa DepEd
Hindi man required ang school uniform, mayroong proper attire pa rin na dapat sundin sa mga public schools sa Philippines. Ayon sa DepEd Order No. 46 series of 2008, mahalaga na mag-provide pa rin ng nararapat na school attire.
Nakasaad sa nasabing order na maaaring suotin ng elementary at secondary students ang mga sumusunod:
Samantala, pinaaalalahanan naman ang mga estudyante na iwasang magsuot ng mamahaling mga gamit o flashy clothes. Bawal din ang pagsusuot ng mga sumusunod:
- tight-fitting o masyadong masisikip o hapit na hapit na mga pantalon, blouse, at dress
- mini-skirts o masyadong maikling palda at shorts
- blouses na may malalim na necklines
- hip-hop pants para sa mga lalaki
- damit pantulog
Layunin ng naturang DepEd na bawasan ang mga pasanin ng mga magulang na maaaring maging hadlang sa pagkatuto ng mga bata.
Nakasaad din sa nasabing order ang mga prinsipyong dapat sundin sa pagpapatupad nito.
- Dapat bigyang importansya at kailangang irespeto sa lahat ng pagkakataon ang karapatan ng mga mag-aaral na pumasok sa paaralan, makapag-aral at matuto.
- Nararapat ding ang damit na suot ng mag-aaral ay nagpapakita ng respeto sa paaralan o institusyon ng pagkatuto.
- Hindi dapat na maging dahilan ng diskriminasyon ang damit na suot ng mag-aaral. Lalo na para sa mga estudyanteng nasa lower socio-economic status.
- Ituro ang physical hygiene at proper school decorum sa mga estudyante bilang bahagi ng teaching-learning process sa mga paaralan. Dapat na makita sa physical appearance at pananamit ng mag-aaral kung ano ang mga natutunan niya sa prosesong ito.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!