X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Jake Ejercito, sinagot ang netizen na nagsabing "itinago" niyang anak niya si Ellie

5 min read
Jake Ejercito, sinagot ang netizen na nagsabing "itinago" niyang anak niya si Ellie

Hirit ni Jake never niyang itinangging anak niya si Ellie!

Anak ni Jake Ejercito na si Ellie bida sa mga social media post ng celebrity. Netizen sinabing itinanggi ni Jake ang anak na si Ellie noon.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Sagot ni Jake Ejercito sa netizen na sinabing itinago niya noon ang anak na si Ellie.
  • Mga happy moments ni Jake Ejercito at anak na si Ellie.

Anak ni Jake Ejercito at Andi Eigenmann na si Ellie

Jake Ejercito, sinagot ang netizen na nagsabing itinago niyang anak niya si Ellie

Image from Facebook

Sa kaniyang mga latest na social media post, ay ibinida ni Jake Ejercito ang mga moments na kasama niya ang anak na si Ellie Eigenmann.

Makikita dito na pinuntahan ni Jake si Ellie sa Siargao na kung saan ito naninirahan kasama ang inang si Andi Eigenmann. At doon ay nag-bonding sila at masayang nag-spend ng quality time bilang mag-ama.

Ayon sa isang post ni Jake ay halos 3 months silang hindi nagkita ni Ellie. Kaya naman ng makita niya ito ay sobrang saya niya.

“After almost 3 months of not seeing each other. Lipay kaayo ”

Advertisement

Ito ang nasabi ni Jake sa salitang bisaya sa isa sa mga Facebook post niya na kalakip ang video na kung saan makikitang masayang-masaya sila ng anak na si Ellie habang nagtatampisaw sa tubig-dagat.

Sa isang post niya naman ay tinawag niya si Ellie na kaniyang textmate kalakip ang mga larawan nilang magkasama. Ilan sa mga netizen pinuri si Jake sa mga effort niya para makasama si Ellie. May nagsabi rin na masuwerte siya na masaksikahan ang paglaki ng anak niya.

“The best father to her daughter..,priceless moment to both of them.”

“You are very lucky to witness how your daughter grows….so cherish it and be with her most of the time.”

Pero may isa sa mga netizen ang naging negatibo ang reaksyon sa masayang bonding na ito ng mag-ama. Hirit ng netizen, itinanggi daw ni Jake ang anak na si Ellie noon at ipinasa pa ang responsibilidad nito sa ibang tao.

“Dati tinatagi (tinatago) mo anak mo ‘yan anak mo kung kanino mopa panapasan na anak ngayon malaki na cia proud ka na anak mona ay”

Ito ang sabi ng netizen na cool naman sinagot ni Jake sa pamamagitan ng isang paalala.

Jake Ejercito, sinagot ang netizen na nagsabing itinago niyang anak niya si Ellie

Image screenshot from Jake Ejercito’s Facebook account

Andi Eigenmann and Jake Ejercito love story

Andi and Ellie

Image from Andi Eigenmann’s Facebook account

Nobyembre 2011 ng ipanganak ni Andi ang panganay niyang si Ellie na may buong pangalan na Adrianna Gabrielle “Ellie” Eigenmann.

Noong una ay naging malaking katanungan kung sino ang ama ni Ellie. Hanggang sa pamamagitan ng isang DNA test ay napatunayang si Jake Ejercito nga ang biological father ni Ellie.

Pero bago pa man malaman na siya nga ang tunay na ama ni Ellie, ayon kay Andi mula ng pagbubuntis ay hindi siya iniwan ni Jake. At ito na ang tumayong ama na talaga kay Ellie.

“Si Jake ‘yung nandiyan since the beginning and he loves my daughter like his own, and so he’s the father. When I was pregnant, Jake was there for me. He took care of us, so he’s the father.”

Ito ang pahayag ni Andi noon ng hindi pa nalalaman na si Jake nga talaga ang ama ng kaniyang anak. Matatandaang nang ipinagbubuntis palang ni Andi si Ellie ay may mga haka-hakang ang ex-boyfriend niya noon na si Albie Casino ang ama nito.

Hanggang noong 2016 ay proud na ibinahagi ni Jake na siya ang tunay na ama ni Ellie. At ito ay base sa resulta ng paternity test na ginawa nila.

BASAHIN:

10 healthy tips na nakapagpabago ng buhay ni Andi Eigenmann

LOOK: Andi Eigenmann, ibinahagi ang secret sa kaniyang pagiging fit habang buntis

Kylie Padilla: “Aljur and I are working on a healthy co-parenting relationship together for our boys’ sake.”

Jake Ejercito never umanong itinanggi ang anak na si Ellie

Anak ni Jake Ejercito na si Ellie

Image from Jake Ejercito’s Facebook account

Kuwento ni Jake never niyang i-dineny si Ellie. Kung naging tahimik man siya ng mga panahong isa pang malaking katanungan kung sino ang ama ni Ellie ay dahil nais niya lang umano na ma-protektahan ito.

“Never ko namang idinenay eh. All I wanted was to protect Ellie. Kasi ayoko talagang pag-usapan.”

Ito ang naging pahayag ni Jake sa isa sa kaniyang mga interview tungkol sa pananahamik niya sa isyu na kung sino ang ama talaga ni Ellie noon.

Ang pahayag niyang ito ay inilabas ni Jake, halos dalawang taon matapos kumpirmahin ni Andi na sila ay hiwalay na. Bago pa man magbuntis si Andi kay Ellie ay may usap-usapan ng may relasyon si Andi at Jake. Pero ang dalawa nanatiling tahimik sa relasyon nila.

Jake and Andi co-parenting set-up

Ngayon matapos ang ilang taon ay may maayos na co-parenting set-up sina Andi at Jake sa pagpapalaki sa anak nilang si Ellie. Sa isa sa mga interview ay sinabi ni Jake na madaming dinaanang phases o pagsubok bago naging smooth ang co-parenting set-up nila ni Andi.

“I don’t really ask Ellie about it, parang na o-observe ko lang sa kaniya, kasi siyempre Andi and I, ‘yong relationship naman namin when it comes to co-parenting, hindi naman naging smooth lagi and hindi naman siya smooth eversince.

Marami kaming pinagdaanan na phases, siyempre before immature pa kami and everything. So medyo malayo din ‘yong nilakbay bago naging ganito ka settled and smooth. And I don’t ask Ellie about it.”

Ito ang sabi ni Jake. Pero sa ngayon, paglalarawan niya kay Andi ito ay isang “great co-parent” sa pagpapalaki nila sa anak na si Ellie na 9 na taong gulang na ngayon.

Source:

Partner Stories
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
Acts of Love Poured into Every Glass
Acts of Love Poured into Every Glass
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together

GMA News, ABS-CBN News, ABS-CBN Entertainment, ABS-CBN Push

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Jake Ejercito, sinagot ang netizen na nagsabing "itinago" niyang anak niya si Ellie
Share:
  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

  • We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

    We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

  • Okay, We Get It—You’re Child-Free. Pero 'Wag Naman Judgy Kay Mommy!

    Okay, We Get It—You’re Child-Free. Pero 'Wag Naman Judgy Kay Mommy!

  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

  • We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

    We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

  • Okay, We Get It—You’re Child-Free. Pero 'Wag Naman Judgy Kay Mommy!

    Okay, We Get It—You’re Child-Free. Pero 'Wag Naman Judgy Kay Mommy!

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko