Pokwang kinakausap pa rin ang yumaong anak sa panalangin: "Naniniwala akong siya ang angel ko"

Sa interview ni Bea Alonzo, inalala ni Pokwang ang kaniyang panganay na anak na si Shin na namatay dahil sa tumor sa utak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ibinahagi ni Pokwang sa naging interview sa kaniya sa vlog ni Bea Alonzo kung paano niyang sinasariwa ang alaala ng kaniyang yumaong anak.

Pokwang ipinapanalangin pa rin ang anak na pumanaw

Naitanong ni Bea Alonzo sa interview nito kay Pokwang kung hanggang ngayon ba ay kinakausap pa rin ng comedy actress ang anak nito sa tuwing nagdadasal. Diretsang sinagot ng aktres ng “oo” ang katanungan.

Aniya, “Yes. Everyday. Kasi naniniwala ako na siya ‘yong angel ko.”

Ibinahagi ni Bea na nang magpunta umano siya sa bahay ni Pokwang, nakadisplay pa rin ang picture ng son ni Pokwang. Share naman ng comedienne, may prayer room siya sa kanilang bahay.

Larawan mula sa Instagram ni Pokwang

Ilang dekada man ang lumipas ay sinasariwa pa rin ni Pokwang sa kaniyang mga panalangin ang pagmamahal sa kaniyang panganay. Limang taon lamang ang anak niyang si Shin nang bawian ito ng buhay dahil sa tumor sa utak.

Sa 2021 article ng GMA News, nasasaad na yumao ang anak ni Pokwang habang nasa Abu Dhabi siya at nagtratrabaho. Ang nakakalungkot pa umano ay hindi niya napuntahan ang kaniyang anak dahil hindi siya pinayagan ng kaniyang employer.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi naka-survive si Shin sa brain operation na siyang ikinasawi nito.

Hindi nakikialam sa love life ng anak

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram ni Pokwang

Bukod kay Shin ay mayroon pang dalawang anak si Pokwang, sina Mae at si Malia. Sa nasabing interview with Bea Alonzo, naitanong ng aktres kung nagseselos daw ba ang mas nakatatandang si Mae sa bunso niyang si Malia.

Sagot ni Pokwang, hindi naman daw ito nagseselos. Lalo na at 22 years ang pagitan ng mga edad ng mga ito.

Ibinahagi rin ni Pokwang na pareho sila ni Mae na magaling magluto at pareho rin silang matimpiin o mahaba ang pasensya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dagdag pa, naitanong din kung may say ba siya sa love life ng anak na si Mae. Saad nito, hindi raw siya nakikialam at nagulat na lamang siya na may boyfriend na pala ito.

Sinulat ni

Jobelle Macayan