TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

REAL STORIES: "Ayaw ng asawa ko makasama sa bahay ang anak ko sa pagka-dalaga."

4 min read
REAL STORIES: "Ayaw ng asawa ko makasama sa bahay ang anak ko sa pagka-dalaga."

Nagbigay ng payo ang ilang mommies sa pinagdadaanan ng sender tungkol sa kaniyang anak at mister.

Isang nanay ang naguguluhan na sa kaniyang gagawin dahil naiipit sa pagitan ng kaniyang anak sa pagka-dalaga at kasalukuyang niyang mister.

Mababasa ang sumusunod sa artikulong ito:

  • Anak sa pagka-dalaga, ayaw makasama ng husband ng isang mommy
  • Payo ng ibang mga mommies
  • Tips kung may anak na ang inyong partner

Anak sa pagka-dalaga, ayaw makasama ng husband ng isang mommy

Humingi ng opinyon ang isang mommy dahil sa kaniyang pinagdadaanan ngayon sa kaniyang husband. Ito ay dahil mayroon siyang anak sa pagkadalaga.

Sa theAsianparent community, sinabi ng isang anonymous sender na sa ngayon ay mayroon na siyang asawa na isang foreigner. Alam naman nito na mayroon siyang anak noong sila ay magsama.

Ngunit hindi gusto ng husband niya na makasama sa iisang bubong ang kaniyang first child.

“Noong buntis pa lang kasi ako, sinabihan ko ‘yong asawa ko na kunin ko na ‘yong isang anak (ko) para makasama ko na siya.”

anak sa pagka-dalaga

Larawan mula sa Shutterstock

Ngunit nang ipaalam niya na gusto na sana niyang makapiling ang kaniyang panganay, agad itong tinutulan ng kaniyang kasalukuyang husband.

“Syempre nasaktan ako. Hindi ko kinausap asawa ko kinabuksan.”

Doon sa kaniya pinaliwanag ng kaniyang husband na isang foreigner na tanggap naman niya ang anak nito sa pagkadalaga. At kapag nagkaroon na raw sila ng sariling bahay ay kukunin na nila ang kaniyang anak.

Ngunit sabi ng anonymous sender, tatlong taon na ang nakalipas buhat nang ipangako ‘yon ng kaniyang mister. Ngayon ay mukhang malinaw na ayaw nitong kasama sa bahay ang kaniyang unang anak.

“One time nag-away kami at sinabihan ko siya na bakit ba siya ganun? Bakit hindi tanggap ‘yong anak ko?”

“Ang sagot niya lang sa’kin, ‘I like him pero hindi niya gusto na kasama namin siya sa bahay. Lagi mo tandaan na gusto ko siya. Susuportahan ko siya sa kailangan at pag-aaral niya pero hindi natin siya makakasama sa bahay.”

Si mommy, hindi na alam ang gagawin at kung papaano niya ito ipapaliwanag sa kaniyang unang anak. Gusto na rin talaga niya makapiling ito lalo’t lumalaki na ang kaniyang panganay.

Naisip niya ring makipaghiwalay sa kaniyang husband, ngunit mahirap ang sitwasyon dahil may anak na rin silang dalawa.

anak sa pagka-dalaga

Larawan mula sa Shutterstock

“Minsan naiisip ko kung hiwalayan ko na lang asawa ko para sa anak ko. Kaso iniisip ko paano isa kong anak. Magiging dalawa sila (na) hindi kasama ang tatay.”

‘Yan ang kinakaharap na mabigat na pinagdadaanan ng isang mommy sa theAsianparent community.

Payo ng ibang mga mommies

Marami naman ang nahihirapan sa sitwasyon ng anonymous sender. May nagsabi na tingin nila ay hindi fully accepted ng kaniyang mister ang panganay niyang anak.

“Iba kasi ang sinasabi niya sayo at iba ang nasa isip nya. Kung gusto niya anak mo sa una at kung mahal niya yon, dapat siya mismo magsabi na kunin muna anak mo para makasama anak niyo.”

“Pero sa kilos niya, ayaw niya sa anak mo. Sabi mo nga 3 years na nkalipas. Lalo na nasa ‘Pinas lang pala kayo madali lang kunin anak mo kung gugustohin niya talaga.”

May naawa naman sa panganay na anak ng mommy dahil napalayo ito sa kaniyang magulang.

anak sa pagka-dalaga

Larawan mula sa Shutterstock

“Nakakaawa yung panganay mo. Kasi mag-isa na lang siya. Ang tatatak sa isip niya, may sarili ka nang pamilya at siya wala, naiwan na siya. Masakit sa puso yung pakiramdam na napagiwanan lalo na ng nagiisang magulang niya.”

Partner Stories
Uni-Love New Endorser: Toni Gonzaga-Soriano
Uni-Love New Endorser: Toni Gonzaga-Soriano
Celebrating Your Child’s Growth Milestones
Celebrating Your Child’s Growth Milestones
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child

Wika pa ng nagpayong mommy, kung ayaw talaga ng kaniyang mister na kasama sa bahay ang anak niya, baka pwedeng kunin niya ito pero sa ibang lugar na lang patirahin.

“Or kung gusto mo kuhain mo siya, pero patirahin mo na lang sa ibang bahay. Tutal sabi ng husband mo ayaw niya makasama sa bahay eh. Baka kung sakaling sa ibang bahay pumayag siya.”

Eto rin ang isa pang payo ng isang mommy sa theAsianparent community.

“Kung may work ka naman at nasweldo, kunin mo na lang ikuha mo ng sarili niyang apartment. Iniisip niya magiging kargo din niya pagdating diyan.”

Tips kung may anak na ang inyong partner

Hindi laging nagwo-work ang first relationship. Kaya naman may mga tao na nagkakaroon ng kids sa kanilang unang partner.

Kapag na-in love ka sa isang solo parent, heto ang maaari mong gawin para maging matiwasay ang inyong pagsasama pati ang relasyon niyo sa kanilang anak:

  • Hayaan na mag-develop ang inyong relasyon sa bata na hindi minamadali. Huwag mag-expect na mamahalin kayo ng kanilang anak sa mga unang beses niyo silang makakasama.
  • Be sensitive. Huwag magsabi ng masama tungkol sa kanilang other parent.
  • Tanggapin din na magkakaroon ng communication ang iyong partner at kaniyang dating karelasyon. Tandaan na para sa bata ang kanilang ginagawang pag-uusap.
  • Huwag din hayaan na maramdaman ng iyong partner na pinapapili mo siya sa pagitan mo at ng kaniyang anak.

theAsianparent community, Click

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ray Mark Patriarca

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Relasyon
  • /
  • REAL STORIES: "Ayaw ng asawa ko makasama sa bahay ang anak ko sa pagka-dalaga."
Share:
  • Paano Na? Action Plan Kapag Namatay ang Asawa Mo—Inspired by Rufa Mae Quinto’s Story

    Paano Na? Action Plan Kapag Namatay ang Asawa Mo—Inspired by Rufa Mae Quinto’s Story

  • Usapang Mag-Asawa: This Is Why Paikot-Ikot Yung Argument Niyo

    Usapang Mag-Asawa: This Is Why Paikot-Ikot Yung Argument Niyo

  • Away-Mag-Asawa? How to Resolve Conflict Mindfully, Even When Kids Are Around

    Away-Mag-Asawa? How to Resolve Conflict Mindfully, Even When Kids Are Around

  • Paano Na? Action Plan Kapag Namatay ang Asawa Mo—Inspired by Rufa Mae Quinto’s Story

    Paano Na? Action Plan Kapag Namatay ang Asawa Mo—Inspired by Rufa Mae Quinto’s Story

  • Usapang Mag-Asawa: This Is Why Paikot-Ikot Yung Argument Niyo

    Usapang Mag-Asawa: This Is Why Paikot-Ikot Yung Argument Niyo

  • Away-Mag-Asawa? How to Resolve Conflict Mindfully, Even When Kids Are Around

    Away-Mag-Asawa? How to Resolve Conflict Mindfully, Even When Kids Are Around

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko