Isang nanay ang naguguluhan na sa kaniyang gagawin dahil naiipit sa pagitan ng kaniyang anak sa pagka-dalaga at kasalukuyang niyang mister.
Mababasa ang sumusunod sa artikulong ito:
- Anak sa pagka-dalaga, ayaw makasama ng husband ng isang mommy
- Payo ng ibang mga mommies
- Tips kung may anak na ang inyong partner
Anak sa pagka-dalaga, ayaw makasama ng husband ng isang mommy
Humingi ng opinyon ang isang mommy dahil sa kaniyang pinagdadaanan ngayon sa kaniyang husband. Ito ay dahil mayroon siyang anak sa pagkadalaga.
Sa theAsianparent community, sinabi ng isang anonymous sender na sa ngayon ay mayroon na siyang asawa na isang foreigner. Alam naman nito na mayroon siyang anak noong sila ay magsama.
Ngunit hindi gusto ng husband niya na makasama sa iisang bubong ang kaniyang first child.
“Noong buntis pa lang kasi ako, sinabihan ko ‘yong asawa ko na kunin ko na ‘yong isang anak (ko) para makasama ko na siya.”
Ngunit nang ipaalam niya na gusto na sana niyang makapiling ang kaniyang panganay, agad itong tinutulan ng kaniyang kasalukuyang husband.
“Syempre nasaktan ako. Hindi ko kinausap asawa ko kinabuksan.”
Doon sa kaniya pinaliwanag ng kaniyang husband na isang foreigner na tanggap naman niya ang anak nito sa pagkadalaga. At kapag nagkaroon na raw sila ng sariling bahay ay kukunin na nila ang kaniyang anak.
Ngunit sabi ng anonymous sender, tatlong taon na ang nakalipas buhat nang ipangako ‘yon ng kaniyang mister. Ngayon ay mukhang malinaw na ayaw nitong kasama sa bahay ang kaniyang unang anak.
“One time nag-away kami at sinabihan ko siya na bakit ba siya ganun? Bakit hindi tanggap ‘yong anak ko?”
“Ang sagot niya lang sa’kin, ‘I like him pero hindi niya gusto na kasama namin siya sa bahay. Lagi mo tandaan na gusto ko siya. Susuportahan ko siya sa kailangan at pag-aaral niya pero hindi natin siya makakasama sa bahay.”
Si mommy, hindi na alam ang gagawin at kung papaano niya ito ipapaliwanag sa kaniyang unang anak. Gusto na rin talaga niya makapiling ito lalo’t lumalaki na ang kaniyang panganay.
Naisip niya ring makipaghiwalay sa kaniyang husband, ngunit mahirap ang sitwasyon dahil may anak na rin silang dalawa.
“Minsan naiisip ko kung hiwalayan ko na lang asawa ko para sa anak ko. Kaso iniisip ko paano isa kong anak. Magiging dalawa sila (na) hindi kasama ang tatay.”
‘Yan ang kinakaharap na mabigat na pinagdadaanan ng isang mommy sa theAsianparent community.
Payo ng ibang mga mommies
Marami naman ang nahihirapan sa sitwasyon ng anonymous sender. May nagsabi na tingin nila ay hindi fully accepted ng kaniyang mister ang panganay niyang anak.
“Iba kasi ang sinasabi niya sayo at iba ang nasa isip nya. Kung gusto niya anak mo sa una at kung mahal niya yon, dapat siya mismo magsabi na kunin muna anak mo para makasama anak niyo.”
“Pero sa kilos niya, ayaw niya sa anak mo. Sabi mo nga 3 years na nkalipas. Lalo na nasa ‘Pinas lang pala kayo madali lang kunin anak mo kung gugustohin niya talaga.”
May naawa naman sa panganay na anak ng mommy dahil napalayo ito sa kaniyang magulang.
“Nakakaawa yung panganay mo. Kasi mag-isa na lang siya. Ang tatatak sa isip niya, may sarili ka nang pamilya at siya wala, naiwan na siya. Masakit sa puso yung pakiramdam na napagiwanan lalo na ng nagiisang magulang niya.”
Wika pa ng nagpayong mommy, kung ayaw talaga ng kaniyang mister na kasama sa bahay ang anak niya, baka pwedeng kunin niya ito pero sa ibang lugar na lang patirahin.
“Or kung gusto mo kuhain mo siya, pero patirahin mo na lang sa ibang bahay. Tutal sabi ng husband mo ayaw niya makasama sa bahay eh. Baka kung sakaling sa ibang bahay pumayag siya.”
Eto rin ang isa pang payo ng isang mommy sa theAsianparent community.
“Kung may work ka naman at nasweldo, kunin mo na lang ikuha mo ng sarili niyang apartment. Iniisip niya magiging kargo din niya pagdating diyan.”
Tips kung may anak na ang inyong partner
Hindi laging nagwo-work ang first relationship. Kaya naman may mga tao na nagkakaroon ng kids sa kanilang unang partner.
Kapag na-in love ka sa isang solo parent, heto ang maaari mong gawin para maging matiwasay ang inyong pagsasama pati ang relasyon niyo sa kanilang anak:
- Hayaan na mag-develop ang inyong relasyon sa bata na hindi minamadali. Huwag mag-expect na mamahalin kayo ng kanilang anak sa mga unang beses niyo silang makakasama.
- Be sensitive. Huwag magsabi ng masama tungkol sa kanilang other parent.
- Tanggapin din na magkakaroon ng communication ang iyong partner at kaniyang dating karelasyon. Tandaan na para sa bata ang kanilang ginagawang pag-uusap.
- Huwag din hayaan na maramdaman ng iyong partner na pinapapili mo siya sa pagitan mo at ng kaniyang anak.