Ander de saya ba ako?
8 SIGNS NA ASAWA MO ANG BOSS
Pare, malaki ang tsansa na kung binabasa mo to, ikaw ay isang ander de saya. Bakit mo naman kasi iki-click ‘to kung wala kang nararamdaman na kakaiba, di ba? May napapansin ka na siguro sa bahay n’yo. Para bang iba ang trato ng mga tao sa’yo. Tila hindi ka ginagalang. Para bang hindi ikaw ang boss. Bakit kaya?
Siyempre dahil ander de saya ka nga. Ayaw mo pang maniwala? Sige, basahin mo ang mga signs na ito. The faster you accept the fact na ander ka, mas magiging madali ang buhay mo
8. Lagi kayong “pareho” ng gustong panoorin.
Movie man yan o palabas sa TV kung lagi kayong “pareho” ng gustong panoorin ng asawa mo, malamang sa malamang, isa kang ander de saya.
Hindi naman sa hinuhusgahan ko ang taste mo sa mga palabas ha pero karaniwan na iba ang gustong panoorin ng mga lalake. Usually, action at something na “pa-deep.” Pero kung confident ka naman sa choices mo at mahilig ka talaga sa mga rom-com or mga palabas na may poging bida then good for you.
7. Mahilig ka sa rock music pero naka-headphones ka makinig.
Buti na lang may Spotify at YouTube na, noh? Kahit ano pang dekada ng rock music ang gusto mong pakinggan, puwedeng-puwede mo nang mahanap anytime!
Pero kung madalas ay napapansin mong naghe-headbang ka lang sa isang tabi habang naka-headphones with matching “rock on” pa sa kamay, sorry to inform you na maaring ander ka at natatakot kang maistorbo si misis ng maingay mo na musika.
6. May trabaho ka man o wala, may curfew ka.
Nu’ng bata pa tayo, buong akala natin na kapag legal age na tayo ay makakalaya na tayo mula sa curfew sa bahay. Well, karaniwan naman talaga ng mga tao ay wala ng curfew kapag nasa tamang edad na sila. Karaniwang tao. Meaning, hindi ander de saya na bantay sarado kay kumander. Ano’ng oras uwi mo, before 8pm?
5. Kailangan mong magpaalam bago ka makipagkita sa friends mo.
Hindi naman masamang makipagkita sa barkada, di ba? And usually, okay lang naman sa asawa mong makipagkita ka sa kanila.
Pero kung kailangan mo pang magpaalam bago lumabas at kung ang karaniwan niyang sagot sa’yo ay “tapos mo na bang gawin ‘to? Gawin ‘yon?” bago ka makalabas ng bahay, isa lang ibig sabihin nito. Ander.
4. Sakto lang ang laman ng wallet mo.
Kung gusto mong paniwalain ang sarili mo na matipid ka lang talaga, sige, good for you.
Pero sa isang balanse na relasyon, dapat equal din ang control pagdating sa pera. Kung kailangan mong umasa sa asawa mo sa ibibigay niyang allowance sa’yo (kahit na sa’yo din galing ang pera na ‘yun), ibig sabihin nito ay hindi ikaw ang nasusunod sa mga usaping financial.
3. Mas takot ang mga anak n’yo sa asawa mo. Lalo na pag galit.
Usually, ang mga anak ay mas takot sa Daddy kaysa sa Mommy. Sa karaniwang pamilya, kapag nagsalita na si Daddy (lalo na kapag galit), tapos na ang usapan. Fun-loving si Daddy pero kapag nagalit, tatahimik na ang mga anak. Pero kapag baliktad kayo ni Misis at siya ang sinusunod sa bahay, alam na this.
2. Ginagawa mo ang mga gawaing bahay PERO hindi ka masaya habang ginagawa mo ‘to.
Klaruhin lang natin ha. Hindi masama ang mga gawaing bahay. Kahit lalaki ka pa, okay lang na gawin ‘yon. Hindi naman masama na magaling ka sa Home Economics. Maglinis ka man o maglaba o magluto o kung ano man yan na gawaing bahay, okay lang ‘yan.
PERO kung may bahid ng galit, pagkainis, o pagkamuhi kang nararamdaman habang ginagawa ang mga bagay na to, ibig sabihin ay napilitan ka lang talaga dahil takot kang mapagalitan ng boss mo.
1. Tuwing may sinasabi sa ’yo ang asawa mo, ang lagi mong sagot ay, “Yes, Dear.”
No explanation needed.
So ano, pare, naka-ilan ka sa 8 signs na ito? Na-confirm mo na ba ang dati mo nang alam tungkol sa sarili pero hindi mo lang maamin sa ibang tao?
Okay lang yan. Hindi naman masamang maging ander de saya. May mga tao talagang mas malakas ang datingan. Ang pinakaimportante pa rin, ander ka man o hindi, mahal n’yo dapat ang isa’t isa. Huwag mong hayaan na maging binhi ang pagiging ander mo para gumawa ng kalokohan dahil gusto mong ikaw ang boss.
BASAHIN:
Ang rason kung bakit dapat CRUSH mo ang asawa mo
EXPERT: Hindi pag-gamit ng cellphone pagkasama ka—senyales na mahal ka ng asawa mo
STUDY: Mga tatay na medyo mataba, mas mabubuting ama at asawa