Andi Eigenmann, 14-weeks na buntis sa second baby

lead image

Magiging ate na nga si Ellie dahil kasalukuyang buntis si Andi Eigenmann sa baby nila ng kaniyang surfer boyfriend na si Philmar Alipayo.

“14 weeks and 3 days pregnant with out little pear.” Ito ang caption ng aktres na si Andi Eigenmann sa isang photo na ipinost niya sa kaniyang Instagram stories ngayong umaga.

Andi Eigenmann

Screengrab from Andi Eigenmann Instagram account

Andi Eigenmann: Pregnant

Sa pamamagitan ng isang post sa kaniyang Instagram account, inanunsyo ng aktres ang kaniyang pagdadalangtao sa pamamagitan ng dalawang litrato na nagpapakita ng biglang paglaki ng kaniyang tummy. Nagulat din nga daw ang aktres nang makita ang kaniyang baby bump.

“My tummy got so big so fast. Not sure if all human baby or half food baby,” pabirong komento nito.

Kasalukuyang naka-base si Andi sa Siargao kasama ang kaniyang surfer boyfriend na si Philmar Alipayo.

Ayon sa kaniyang panayam noong nakaraang taon, nakilala daw niya si Philmar habang nagbabakasyon sa Siargao kasama ang kaniyang mga kaibigan. Nagpa-picture daw siya sa sikat na surfer.

“Nung first time ko siyang na-meet ay nilapitan ko siya at nagpa-picture ako kasi siya iyong number one sa Philippine surfing last year (2017)… Ever since we would talk and chat.” 

Hindi daw niya in-expect na mai-in love siya.

Dagdag pa niya na nagustuhan daw niya ang kaniyang nobyo dahil “humble,” “kind,” at mayroon daw itong “the biggest heart” sa lahat ng taong nakilala niya.

Ate Ellie

Ang dinadala ni Andi ay ang kaniyang pangalawang anak. Mayroon siyang 7-taong gulang na anak, si Ellie, sa dating boyfriend na si Jake Ejercito.

Matatandaang nagkasagutan sa social media sina Jake Ejercito at Andi Eigenmann noon kaugnay sa kustodiya ng kanilang anak na si Ellie. Ito ay matapos kumpirmahin sa pamamagitan ng isang DNA Test nitong 2016 na si Jake Ejercito ang ama ni Ellie at hindi si Albie Casino na unang itinuro ni Andi.

Noong nakaraang taon, isinantabi ni Andi at Jake ang kanilang mga naging issues sa past upang ipagdiwang ang 7th birthday ni Ellie bilang isang buong pamilya. Patunay ito na hindi man magka-relasyon ang dalawa ay maaari pa rin silang maging magulang para sa kanilang anak.

 

 

Basahin: Andi Eigenmann at Jake Ejercito nagsama sa birthday ng anak na si Ellie

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!