Andi Eigenmann nagsalita na tungkol sa kumakalat na tsismis na hiwalay na sila ng fiancé na si Philmar Alipayo

Si Andi may sagot rin sa peke umano ang pagluluksa niya sa pagkawala ng inang si Jaclyn Jose.

Andi Eigenmann nagbigay ng pahayag tungkol sa sabi-sabing breakup nila ng fiancé na si Philmar Alipayo.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Andi Eigenmann sa breakup rumors nila ni Philmar Alipayo.
  • Relasyon ni Philmar at Andi.

Andi Eigenmann sa breakup rumors nila ni Philmar Alipayo

philmar alipayo and andi eigenmann rumored breakup Larawan mula sa Instagram account ni Andi Eigenmann

Hindi nakalampas sa mata ng mga netizens ang naging bakasyon ni Andi Eigenmann sa Japan kasama ang mga anak niyang sina Ellie, Koa at Lilo. Dahil sa mga larawang ibinahagi niya sa Instagram ay wala roon ang fiancé niyang si Philmar Alipayo. Kaya naman haka-haka ng mga netizens ay hiwalay na sina Andi at Philmar.

Si Andi nagulat sa kumakalat na breakup rumors nila ni Philmar. Sila daw ay divorce na sabi ng mga netizens. Ang kaniyang reaksyon sa balitang kumakalat na ito, ibinahagi ni Andi sa Instagram stories. Pati na ang haka-haka ng iba na fake daw ang pagluluksa ni Andi sa pagkamatay ng kaniyang inang si Jaclyn Jose.

andi eigenmann kids Larawan mula sa Instagram account ni Andi Eigenmann

"I literally went on vacation with my brother and our kids, and come home to find out, through the internet that I've just been separated.”

"The internet didn't seem to like that I was grieving the loss of my Nanay, apparently, according to them, I had been faking my sadness about it all along. (Not enough social media posts perhaps?).”

Ito ang bahagi ng post ni Andi na sinabi ring walang problema sa pagsasama nila ni Philmar. At hindi rin naman sila maaring ma-divorce ni Philmar dahil hindi pa naman daw sila kasal.

"Due to this, the internet has decided that the reason for my sadness is not that I have recently been an orphan but in fact, a divorcee (even if I had never been married) Helpppppp."

Ito ang sabi pa ni Andi.

Relasyon ni Philmar at Andi

andi eigenmann and philmar alipayo rumored breakup Larawan mula sa Instagram account ni Andi Eigenmann

Matatandaang bago pa man ang pagbabakasyon ni Andi at mga anak niya sa Japan ay nakasama pa siya ni Philmar ng ito ay magpatingin ng kaniyang puso. Si Andi ibinahagi na may congenital heart defect si Philmar na nakakaapekto daw sa active lifestyle nito.

Naging maganda naman ang resulta ng naging medical procedure kay Philmar. May ibinigay nga rin itong mensahe kay Andi sa pananatili nito sa kaniyang tabi.

“Salamat karajaw mahal ko na ini kaw permi nag soporta sa tapad nako. I love you so much @andieigengirl.”

Ito ang sabi ni Philmar kay Andi.

 

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!