Andi Eigenmann at Philmar Alipayo wedding hindi muna matutuloy ngayong taon. Kumusta na nga ba si Andi, ilang linggo matapos masawi ang kaniyang inang si Jaclyn Jose.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Andi Eigenmann at Philmar Alipayo wedding.
- Mga apo ni Jaclyn Jose nangungulila rin sa pumanaw na aktres.
Andi Eigenmann at Philmar Alipayo wedding
Larawan mula sa Instagram account ni Andi Eigenmann
Sa isang panayam ay ibinahagi ni Andi Eigenmann na ngayong taon dapat gaganapin ang kasal nila ng professional surfer na si Philmar Alipayo. Pero paliwanag din niya ay saglit itong maaantala. Dahil sa pinili nilang i-postpone muna ito. Ang dahilan ni Andi, walang iba kung hindi ang inang si Jaclyn Jose na kamakailan lang ay pumanaw na.
“Honestly, we wanted to get married this year. But under the circumstances, we decided to wait a bit. It was supposed to be for mom.”
Ito ang sabi ni Andi.
Kuwento pa ni Andi, sa ngayon ay nagluluksa parin siya sa biglaang pagkamatay ng ina. Nasawi ito nito lamang March 2, sa edad na 59-anyos dahil sa cardiac arrest. Ayon kay Andi, hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matanggap ang pagkawala ng ina. Pero naniniwala siya na dahan-dahan ay makakarecover rin siya.
“Slowly, I hope I will get there. But I know she is proud, she loves me, and her grandchildren so I will focus on the good things, and my family.”
Ito ang sabi pa ni Andi.
Mga apo ni Jaclyn Jose nangungulila rin sa pumanaw na aktres
Pagdating naman sa mga anak niya at apo ng yumaong aktres, alam niya na mabigat rin para sa mga ito ang nangyari. Lalo na sa mga anak niyang sina Lilo at Koa na laging ang lola nila ang hinahanap sa tuwing sila ay nasa Maynila.
Alam niya rin na maliban sa kaniya, ang isa pang taong labis rin na apektado sa pagkawala ni Jaclyn Jose ay ang anak niyang si Ellie. Pero laking pasalamat niya na hinaharap ito ng maayos ng kaniyang anak. At puro magagandang alaala ang naiwan sa memorya nito ng kaniyang lola o “nanay” kung tawagin.
“I am proud of Ellie, who is 12, she has a deeper understanding. I know she is grieving and is sad, but she is very strong, It is nice to see and hear the things she says to remember my mom.”
Ito ang sabi pa ni Andi.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!