Andi Eigenmann only son na si Koa, 3 years old na. Narito ang mensahe ni Andi sa anak at sa mga mommies na tulad niya.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Andi Eigenmann to son Koa sa 3rd birthday nito.
- Mensahe ni Andi sa mga mommies na tulad niya.
Andi Eigenmann to son Koa sa 3rd birthday nito
Tatlong taon na ang bunso at only son nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo na si Koa. Sa Instagram ay binati nga ni Andi ang anak. Kahit nga daw tatlong taon na ay feeling big boy na daw ngayon si Koa. Pero sabi ni Andi, magkaganoon pa man mananatili parin itong kaniyang baby.
“Our fruit-(and all kinds of food)-lovin’, dog lovin’, tree huggin’, singing and dancing silly (but strong) blondie beach boy is 3 years old today!
He’s been feeling like a big boy lately but he is always going to be my baby. We love you so much little guy. Keep rippin!!”
Ito ang birthday message ni Andi sa anak na si Koa.
Mensahe ni Andi sa mga mommies na tulad niya
Sa Instagram ay binalikan rin ni Andi ang mga panahong nagsisimula palang siyang mag-aral ng surfing. Noong una ay naging hesitant din siya dahil sa kaniyang edad at siya ay may anak na.
“Before I got myself really into surfing, I had a mindset that I was too old for it. Specially since being a mom of 3, i thought it didnt feel right to only be learning something new for the first time. It probably would’ve been impossible to get good this late anyway.”
Ito ang sabi ni Andi.
View this post on Instagram
Pero napatunayan niya na hindi hadlang ang edad at pagiging mommy na para gawin ang mga bagay na gusto mong gawin. Kaya ngayon masaya siya na nahasa niya na ang surfing skills niya dahil sinubukan at sinimulan niya. Dahil dito, ito ang mensahe niya sa mga mommies na tulad niya.
“Just as our kids are never to young to aim for greatness, we should never be too old to learn. Not just new hobbies, but life learnings too.”
Ito ang sabi pa ni Andi Eigenmann.
Larawan mula sa Instagram account ni Andi Eigenmann
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!