LOOK: Nabinyagan na ang bunso ni Andi Eigenmann na si Lilo

LOOK: Nabinyagan na ang bunso ni Andi Eigenmann na si Lilo

Pasilip sa ilang litrato sa naganap na binyag ng bunsong anak ni Andi Eigenmann at Philmar Alipayo na si Lilo sa Isla Siargao.

Nabinyagan na nga ang tatlong buwang taong gulang na anak ni Andi Eigenmann na si Lilo.

Anak ni Andi si Lilo sa now-partner niyang champion surfer na si Philmar Alipayo.

Present din siyempre sa binyag ang kaniyang panganay na anak at ate na ngayon na si Ellie.

Binyag ni Lilo

Nagdesisyon ang mag-partner na si Andi Eigenmann at Philmar Alipayo na gawing intimate lamang ang binyag ng anak nilang si Lilo.

Ang binyag ni Lilo ay ginanap sa isang simbahan sa Siargao, kung saan nga ngayo'y naririhan na si Andie kasama ang partner.

Wala pang post sa kaniyang Instagram account si Andi pati na rin ang partner niyang si Philmar patungkol sa naganap na binyag, ngunit nakapag-share naman sila ng ilang mga litrato sa kani-kanilang Instagram stories.

LOOK: Nabinyagan na ang bunso ni Andi Eigenmann na si Lilo

LOOK: Nabinyagan na ang bunso ni Andi Eigenmann na si Lilo

LOOK: Nabinyagan na ang bunso ni Andi Eigenmann na si Lilo

"True love"

Kamakailan nga lamang nag-post ng makahulugan na litrato si Andi Eigenmann sa kaniyang Instagram account.

Sambit niya rito kung paano niya binibigyang halaga ang simpleng buhay niya ngayon sa Isla Siargao, kasama lamang ang kaniyang partner na si Philmar at mga anak na sina Ellie at Lilo.

Pahiwatig ng celebrity mom, "There needn’t a cotton candy sunset for me to appreciate and find this island paradise so beautiful."

Aniya, "I don’t know if it’s the beauty in nature that we are surrounded by, or the people and the life that I have here. So much to be thankful for."

Dagdag ng aktres, "So much simplicity and joy, that no matter how fickle I know myself to be, I just can't seem to get sick of this. It must be true love.❤️"

"Seeing Ellie run around the beach with her friends, just playing outside all day wearing that precious smile of hers," paliwanag ni Andi.

"The undying connection and respect Philmar and I have for each other (and everyone else), that only keeps on growing," pagpapatuloy niya.

"And Lilo. Just having our little Lilo island girl in our lives. That, to me, that’s true love. What is your definition of true love," sambit niya.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl) on

Heart-full nga ang Siargao-based actress na si Andi Eigenmann sa simpleng buhay na mayroon siya ngayon kasama ang kaniyang pamilya sa isla.

Source: Andi Eigenmann

Basahin: Andi Eigenmann, ipinakilala ang kaniyang bagong baby na si Lilo

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner