Andi Eigenmann, ipinakilala ang kaniyang bagong baby na si Lilo

Andi Eigenmann, ipinakilala ang kaniyang bagong baby na si Lilo

Matapos manganak ng aktres na si Andi Eigenmann, ay ibinahagi niya ang mga unang larawan ng kaniyang pangalawang anak na si Lilo Alipayo

Kamakailan lang ay nanganak na ang aktres na si Andi Eigenmann, sa anak nila ng boyfriend na si Philmar Alipayo. At mabilis niyang ibinahagi sa Instagram ang kaniyang naging karanasan, pati na ang mga letrato ng bagong miyembro ng kanilang pamilya na si Lilo Alipayo.

Lilo Alipayo, ang pangalawang anak ni Andi Eigenmann

Kuwento ng aktres, nais raw sana niyang magkaroon naman ng VBAC na panganganak, dahil ipinanganak niya sa C-section ang panganay na si Ellie.

Ngunit dahil sensitibo ang pagbubuntis, ay minabuti na lang niyang sundin ang payo ng mga doktor, at sumailalim ulit sa isa pang C-section.

Malusog namang ipinanganak ang anak nila ni Philmar, na pinangalanan nilang Keliana Alohi Eigenmann Alipayo, o Lilo.

Dagdag pa ni Andi, hindi pa raw niya lubos nararamdaman na dalawa na ang kaniyang mga anak, ngunit masayang-masaya raw siya, at tila ay nabuhayan pagkatapos niyang ipanganak si Lilo.

Ito ang picture ni Lilo na ibinahagi ni Andi sa Instagram:

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

On the 23rd day of July 2019, at 1:27PM, we met the newest member of our tribe. We decided to name her, Keliana Alohi Eigenmann Alipayo, but you may call her Lilo. ?

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl) on

 

 

Heto naman ang larawan ni Ellie, at ang kaniyang bunsong kapatid:

 

Source: ABS-CBN

Basahin: Andi Eigenmann, nanganak na sa kaniyang baby girl no.2!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner