Andi Eigenmann, nanganak na sa kaniyang baby girl no.2!

lead image

Andi Eigenmann isinilang na ang anak nila ni Champion surfer Philmar Alipayo.

Andi Eigenmann at Philmar Alipayo masayang ibinahagi sa Instagram ang pagsilang ng kanilang anak na isang baby girl.

Andi Eigenmann second baby

Sa isang IG post ay kitang-kita sa mukha ni Philmar Alipayo ang kasiyahan sa pagsilang ng kanilang anak ni Andi Eigenmann habang hawak-hawak niya ito sa kaniyang braso.

Isang magandang ngiti din ang ipinost ni Andi habang makikita ito na nagrerecover sa hospital mula sa kaniyang panganganak.

andi eigenmann

Image screenshot from Andi Eigenmann’s Instagram story

Hindi din syempre mawawala sa masayang yugto ng buhay ni Andi na ito ang kaniyang panganay na anak na si Ellie. Na una ng sinabi ni Andi na excited din sa pagdating ng kaniyang baby sister.

andi eigenmann with ellie

Image screenshot from Andi Eigenmann’s Instagram story

Sa ngayon ay hindi pa ibinabahagi ni Andi at Philmar ang pangalan ng kanilang baby girl.

Panganganak ni Andi Eigenmann

Hindi parin ibinabahagi ni Andi kung siya ba ay nanganak ng normal o via caesarean section delivery.

Matatandaang ilang araw bago manganak si Andi ay nag-post ito sa Instagram tungkol sa pagnanais niyang manganak sa pamamagitan ng vaginal delivery para sa kaniyang 2nd baby.

Ngunit kung sakaling mang daw na hindi maging posible ang VBAC para sa kaniya ay ayos lang basta ma-deliver niya ng safe ang kaniyang baby.

Kaya naman kung kinakailangan niyang manganak ulit sa pamamagitan ng caesarean delivery ay ipinapangako daw ni Andi sa kaniyang sarili na mas magiging disiplinado siya sa pagkain ng healthy at clean para sa kaniyang fast recovery. Lalo pa’t may bagong baby siyang dapat alagaan.

Sabi pa ni Andi, bagamat siya ay kinakabahan at natatakot ay super excited daw siya sa pagdating ng kaniyang baby no.2.

Andi Eigenmann’s post:

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

Week 39! Baby has been goin lower by the week according to my doctor. Such good news to hear but my situation still isnt ideal enough to be so sure of achieving my VBAC dreamz (same reason I went through a CS with Ellie in the past.) At the beginning of my second pregnancy, I became more aware of what I wanted for myself (and baby) and a VBAC + going as natural as possible was definitely the top priority. Honestly, I knew Id be devastated if I couldnt go for one. But as my pregnancy is nearing its end, all that matters to me is that I go through the best (safest) way to deliver baby into this world. I am still proud of myself because I atleast tried and did what I could. I will accept what is meant to be and keep smiling! So in the event of another C- section, my new mindset is to just promise myself that I will be even more disciplined in terms of achieving a fast recovery. Getting back into my daily habits of living healthy and clean ASAP is enough motivation specially because this time I will be having a new little ray of sunshine to raise and nurture. I am still scared and nervous, but also very excited to officially be a mom of 2 very soon!

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl) on

Pagbubuntis ni Andi kasama ang anak na si Ellie

Ibinahagi ni Andi Eigemann ang pagbubuntis sa kaniyang baby no. 2 nito lamang Pebrero.

Tumanggap man ng magkakaibang reaksyon sa kaniyang pagbubuntis mula sa mga netizens ay patuloy na nagbigay ng updates si Andi sa kaniyang pagdadalang-tao. Hindi lang para maibahagi ang sayang nadarama sa bagong blessing at gift na dumating sa kaniyang. Kung hindi para ma-inspire narin ang ibang buntis noon na tulad niya na mahalin ang kanilang katawan at sarili sa kabilang ng pagbabagong dulot ng pagdadalang-tao.

At kung may isang tao nga daw siya na pinasasalamatan na nasa tabi niya sa kaniyang buong pagbubuntis ay ang panganay na anak na si Ellie na ‘tinuturing niyang best friend.

Source: GMA News

Basahin: LOOK: Andi Eigenmann, baby girl ulit ang ipinagbubuntis

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner