LOOK: Andi Eigenmann, baby girl ulit ang ipinagbubuntis

LOOK: Andi Eigenmann, baby girl ulit ang ipinagbubuntis

Narito ang mga larawan sa gender reveal party ng baby nina Andi Eigenmann at boyfriend na si Philmar Alipayo.

Andi Eigenmann at boyfriend na si surfer champ Philmar Alipayo masayang ine-reveal ang gender ng kanilang baby na isang girl!

And yes magkakaroon na ng baby sister si Ellie!

Andi Eigenmann and Philmar Alipayo baby’s gender reveal

Very excited na ibinahagi ni Andi Eigenmann at boyfriend na si Philmar Alipayo ang gender ng kanilang baby sa Instagram.

Sa pamamagitan ng Instagram stories ay nagbigay ng update si Andi sa kaniyang mga followers sa ginanap na gender reveal party ng kaniyang 2nd baby.

Isa sa mga unang post nito na nagbigay na ng hint na isang girl ang ine-expect nilang baby ay ang kulay pink na damit na suot nila ng surfer na si Philmar Alipayo.

Andi Eigenmann and boyfriend Philmar Alipayo

Image from Andi Eigenmann’s Instagram stories

Ibinahagi rin ni Andi sa kaniyang Instagram stories ang napaka-cute nilang gender reveal cake at cupcakes na may poster on the background na may nakasulat na tanong na “Pro surfer or mermaid, what will it be?”

Andi Eigenmann and Phimlar Alipayo baby's gender reveal party.

Image from Andi Eigenmann’s Instagram stories

Naging mas fun at exciting ang kanilang gender reveal party nang maglaro sila ng tic-tac-toe game para malaman ang gender ng kanilang baby.

“First to three of the same color is the gender”, ang sabi ni Andi sa isa niyang Instagram post na kung saan blue for boy and pink for girl.

Ang unang nagputok ng first balloon sa tic-tac-toe game nila ay si Philmar Alipayo na nag-reveal ng pink color.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

And its a ……….?

A post shared by Philmar Alipayo (@chepoxz) on

Next ay si Andi Eigenmann na color pink ulit ang lumabas.

Andi Eigenmann 2nd baby

Image from Andi Eigenmann’s Instagram stories

At ang last na nag-pop ng balloon na nag-confirm sa gender ng baby ay ang ina ni Andi Eigenmann na si award-winning actress Jaclyn Jose.

Naging wild nga ang mga guest ng baby gender reveal party nina Andi at Philmar ng color pink ulit ang lumabas sa na-pop na balloon ni Jaclyn Jose.

Andi Eigenmann mom Jaclyn Jose

Image from Andi Eigenmann’s Instagram stories

And confirmed, baby girl ang ipinagbubuntis ni Andi!

Mas naging colorful naman ang revelation ng gender ng 2nd baby ni Andi ng hiwaan na nito ang gender reveal cake na may pink candy fillings.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

Its a mermaid!!! Congratulations merms!😘😘😘

A post shared by Andi Eigenmann/Andi Babies 👊👊👊 (@andieigenmann5evah) on

Andi Eigenmann and Philmar Alepayo gender reveal cake

Image from Cheska Fernandez Instagram post

Ang gender reveal party ng 2nd baby ni Andi Eigenmann ay ginanap nitong Sabado, March 9.

Dinaluhan ito ng mga close friends and family ni Andi Eigenmann at Philmar Alipayo. Nasa event rin ang panganay na anak ni Andi na si Ellie sa former boyfriend na si Jake Ejercito.

Matatandaang nitong Pebrero lang ipinaalam ni Andi sa publiko sa pamamagitan ng isang Instagram post na siya ay buntis.

At ito daw ang naging dahilan ng hindi niya pagiging active sa social media ng naunang buwan.

Sa isa pang Instagram post ay masayang ibinahagi ni Andi na finally tapos na ang morning sickness period ng pagbubuntis niya.

Siya ngayon ay “a little over 19 weeks” ng buntis ayon sa pinaka-latest niyang Instagram post.

 

Sources: GMA News
Images: Andi Eigenmann and Philmar Alipayo Instagram accounts

Basahin: Andi Eigenmann sinagot ang komentong “sayang” siya at dapat ay nagpakasal muna

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner