WATCH: 10-month-old na anak ni Andi Eigenmann, nag-surfing kasama ang kaniyang daddy

Proud na proud si Mommy Andi Eigenmann sa kanyang daughter na si baby Lilo dahil may surfing session na agad ito kasama ang kanyang daddy Philmar.

Todo support naman si Mommy Andi Eigenmann sa kanyang 10 month old daughter na si baby Lilo! Sa mura pa lamang nitong edad ay nakitaan na agad ito ng potential sa surfing katulad ng kanyang daddy Philmar.

10-month-old na anak ni Andi Eigenmann, nag-surfing

Sa Instagram post, ibinahagi ng aktres na si Andi Eigenmann ang surfing session ng kanyang 10-month-old na anak at ng kanyang partner na si Philmar Alipayo sa Siargao.

Andi Eigenmann daughter Lilo | Image from Philmar Alipayo

Proud na proud si Mommy Andi habang nag eenjoy sa surfing si baby Lilo kasama ang kayang daddy Philmar.

“Lilo’s First Surf w/ Papa. Soo happy! Lilo’s first surf at 10 months. Can’t wait for more surf with me. Next time better video quality.”

-Philmar Alipayo (@chepoxz)

Maraming netizens ang natuwa at nagulat sa video ni baby Lilo. Halo-halo ang kanilang reaction. Ayon sa kanila, si Lilo na ang next champion surfer katulad ng kanyang daddy!

View this post on Instagram

 

Soo happy! Lilo’s first surf at 10 months. Can’t wait for more surf with me ♥️. Next time better video quality ?✌?

A post shared by Philmar Alipayo (@chepoxz) on  

Nagsimulang magsama si Andi at Philmar Alipayo noong 2017. At ipinanganak din ni Andi Eigenmann noong July 23, 2019 ang kanyang daughter na si Keliana Alohi Eigenmann Alipayo o baby Lilo sa kanyang parter na si Philmar na sikat at professional surfer.

Kasalukuyan silang nakatira ngayon sa Siargao habang nagpapalakad ng kanilang business.

Safety measures sa surfing ng bata

Kung nais mong i-expose ang iyong anak sa sport o surfing, narito ang mga dapat tandaan na safety measures bago simulan ito.

1. ‘Wag hahayaan na mag-isa ang iyong anak sa tubig

Ito ang pinaka importante sa lahat. Ang pagbabantay sa iyong anak kung siya ay magsisimulang magsurfing. Mahalagang tandaan ng mga magulang na kailangan ng gabay ng iyong anak at hindi dapat siya pabayaan o iwanan mag-isa. Kailangan niya ng suporta dito.

Image from Freepik

2. Kumuha ng professional coach

Kung nais mong i-engage ang iyong anak sa surfing, mas maganda kung mag hire ng professional coach na magtuturo sa iyong anak kung paano mag-surf. Sa pamamaraang ito, malalaman na niya agad ang mga basics sa surfing. Makakatulong rin ang professional coach para malaman mo kung ano ang mga safety tips na tatandaan.

Isa ring benefit ng professional coach ay ang pagbibigay niya ng mga payo tungkol sa mga dapat i-expect sa surfing. Katulad ng mga jellyfish o coral na kadalasang prolema ng mga professional surfers. Matututo ang iyong anak na ma-familiarize sa dagat.

3. Mag enroll sa swimming lessons

Isa at unang paraan rin para matuto ng surfing ang iyong anak ay ang i-enroll siya sa swimming class. Dito niya unang matututunan at masasanay kung paano gumalaw sa tubig. Katulad ng pagsimula sa basic stroke sa swimming pool ng bata. Kung nais mong matuto ang iyong anak ng surfing, kailangan muna nitong matutong lumangoy.

Image from Freepik

4. Simulan sa basic

Bago isabak ang iyong anak sa surfing, alamin muna kung gaano kalaki o ano ang shape ng alon na kaya ng iyong anak. Makakatulong ang professionals sa pagtukoy nito.

Hindi na bago sa mga beginner ang matakot sa alon. Dito sila mahihirapan na ibalanse ang kanilang sarili kaya may pagkakataon na nalalalaglag ang mga ito.

 

 

BASAHIN:

Heart Evangelista, nag-umpisa ng mamigay ng libreng tablet sa mga nangangailangan na estudyante

Mark Herras engaged na sa kanyang girlfriend na si Nicole Donesa!


Sinulat ni

Mach Marciano