Ang bilis ng panahon! Andi Eigenmann ipinagdiwang na ang first birthday ni Baby Lilo

Ang bilis ng panahon! Andi Eigenmann ipinagdiwang na ang first birthday ni Baby Lilo

Happy birthday, baby Lilo!

Andi Eigenmann daughter Lilo, nag-celebrate na ng kaniyang first birthday!

Andi Eigenmann daughter Lilo

1 year old na ngayon ang second child ni Andi na si Lilo! Simple lang ang naging selebrasyon at immediate family lamang nila ang nakasama para sa birthday ni baby Lilo.

andi eigenmann daughter lilo

Narito naman ang mensahe ni Andi para sa kanyang baby girl:

"Happy 1st birthday to this tiny little love of ours! 365 days went by so quickly and a lot has happened around us, but having you kept our lives staying as positive as can be, and our hearts filled with so much joy. You are truly one of a kind, Lilo, and you’re life has just begun! I can’t wait for what life has in store for you... and the other way around."

Andi Eigenmann island life

Sa kaniyang pinakaunang vlog ay ipinakita ng aktres na si Andi Eigenmann ang kaniyang simpleng buhay ngayon. Kasama niya ang kaniyang mga anak na sina Ellie at Lilo. Pati na ang kaniyang boyfriend na champion surfer, Philmar Alipayo.

Nagsimula ang first Andi Eigenmann vlog sa kanilang byahe pabalik ng Siargao mula Maynila. Paglapag nga ng eroplano sa Siargao ay masayang sinabi ni Andi na sila ay nagbabalik ng muli sa itinuturing niyang “home” sa ngayon.

“We are finally here. We are so happy to be home. This is the land of the coco. Back to our island life.”

Ito ang mga salitang masayang binanggit ni Andi habang bitbit ang kaniyang cute na anak na si Lilo.

Baby Lilo goes surfing with dad Philmar

andi eigenmann daughter lilo

Sa Instagram post, ibinahagi ng aktres na si Andi Eigenmann ang surfing session ng kanyang anak at ng kanyang partner na si Philmar sa Siargao.

Proud na proud si Mommy Andi habang nag-e-enjoy sa surfing si baby Lilo kasama ang kayang daddy Philmar.

“Lilo’s First Surf w/ Papa. Soo happy! Lilo’s first surf at 10 months. Can’t wait for more surf with me. Next time better video quality.”

Maraming netizens ang natuwa at nagulat sa video ni baby Lilo. Halo-halo ang kanilang reaction. Ayon sa kanila, si Lilo na ang next champion surfer katulad ng kanyang daddy!

Nagsimulang magsama si Andi at Philmar Alipayo noong 2017. At ipinanganak ni Andi Eigenmann noong July 23, 2019 ang kanyang daughter na si Keliana Alohi Eigenmann Alipayo o baby Lilo sa kanyang parter na si Philmar.

Andi Eigenmann second child

andi eigenmann daughter lilo

Sa isang Instagram post ay ibinahagi ni Andi Eigenmann ang mahirap na sitwasyong kinahaharap ng mga nagtratrabahong ina.

Si Andi inaming masakit para sa kaniyang iwan si Lilo para bumalik sa limelight at magtrabaho.

“And now comes the hardest part. After almost 6 months, I am leaving Lilo for the very first time with papa on the island, because I will be busy filming a new movie. While I am stoked to be back in front of the camera, and to get another chance to bond with Ellie where it’s just her and me, it hurts to leave papa and my little one.”

Ito ang pahayag ni Andi sa kaniyang pinaka-latest na Instagram post.

Separation anxiety

Dagdag pa niya, bagamat, isang buwan lang siyang malalayo sa kaniyang 6 months old na si Lilo, para sa kaniya ay napakatagal na nito.

“It will only be for a month, but that’s way too long for me to be away from my children. I know it will feel like forever. Specially because there’s a chance I’d miss out on some milestones.”

Pero laking pasalamat ni Andi na nariyan ang kaniyang boyfriend na si Philmar Alipayo upang alagaan ang kanilang anak na si Lilo. Pati na ang mga magulang nito at iba pang kamag-anak na siguradong hindi ito pababayaan. Kaya naman ipagpapatuloy ni Andi ang kaniyang karera na para rin naman umano sa kinabukasan ng kaniyang pamilya.

“But I’m so grateful to have papa @chepoxz to count on, and Lilo’s lolo, lola and tita ninang @angie_alipayo to help him out too. I am gonna miss my little one soooo much!!! But I will be doing this for all of us! And after this will be so rewarding that we will all be complete again on the island hopefully in our new home sweet home!??”

Ito ang pagtatapos ni Andi sa kaniyang Instagram post.

 

Source:

ABS CBN

Basahin:

Andi Eigenmann: I don’t believe in showering my kids with so many toys

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

mayie

Article Stories
app info
get app banner