X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

LOOK: Newborn photo shoot ng anak ni Andi Eigenmann at Philmar Alipayo

6 min read

Andi Eigenmann daughter #2 na si Lilo ipinakita ang kaniyang kakyutan sa isang photoshoot! Sa kabila nito, Andi Eigenmann ibinahaging siya ay nakakaranas ng postpartum depression.

Andi Eigenmann Daughter #2 na si Lilo

Isang buwan matapos manganak ay ibinahagi ni Andi Eigenmann ang ilang larawan sa isinagawang newborn photoshoot ng kaniyang anak na si Lilo.

andi eigenmann daughter Lilo

Image from Nice Print and Andi Eigenmann’s Instagram acount

Maliban sa very cute photos ni Lilo, sa mga larawan ay makikita si Andi Eigenmann daughter #1 na si Ellie na hawak-hawak at nakikipaglaro sa kaniyang little sister. Si Ellie ay anak ni Andi sa kaniyang dating boyfriend na si Jake Ejercito.

andi eigenmann daughter Lilo

Image from Andi Eigenmann’s Instagram account (Photo by Cocoon Studio)

andi eigenmann daughter Lilo

Image from Nice Print Photography

May mga larawang ding kasama ni Andi si Lilo at ang daddy nito na si Philmar Alipayo.

LOOK: Newborn photo shoot ng anak ni Andi Eigenmann at Philmar Alipayo

Image from Andi Eigenmann’s Instagram account (Photo by Cocoon Studio)

At ang masasayang larawan ni Andi Eigenmann na kasama ang dalawa niyang anak na si Ellie at Lilo.

andi eigenmann daughter Lilo

Images from Cocoon Studio and Nice Print Photography

Kung titingnan ay makikitang napakasaya ni Andi, pero ang aktres umaming nakakaranas ng postpartum depression ngayon. Ibinahagi niya ito sa kaniyang Instagram account.

“I openly spoke about struggling with post partum depression since giving birth, and now we are headed back go Siargao after 2 months of being in the city with gloomy weather,” pahayag ni Andi sa isang post.

Hindi raw nakatulong sa kaniyang pinagdaraanan ang matagal na pamamalagi dito sa city. Lubos niyang kinagiliwan ang kanilang buhay probinsya sa Siargao.

Aniya, “I’ve been listening to your suggestions and following some advice, but I feel going back to our island home is what’s going to be most impactful. ‘Sunny days are coming!’, is what I have been telling myself whenever I feel ‘confused’ about where I’m at in life. Im still sure of it.”

Ngunit sa kabila ng lahat, gusto ni Andi na manatiling positive.

“And I dont just mean actual sunlight, but brighter days in general. I do miss my old self. Myself, before having 2 kids. But not enough to regret the life I have now. I love where I’m at, even if it hasn’t been easy. That’s what keeps me going.”

Dagdag pa ni Andi, “Regardless of how long this PPD lasts or how it goes away, having @chepoxz [Philmar] and my 2 girls by my side keeps me from giving up on my dreams. And this is why I’m sure that sunny days are coming.”

Postpartum depression

Ano nga ba ang postpartum depression at paano ito malalampasan ng mga bagong panganak na babae?

Ayon sa WebMD, ang postpartum depression ay ang complex mix ng physical, emotional at behavioral changes na nangyayari sa isang babae pagkapanganak. Ito ay kadalasang nangyayari sa loob ng unang apat na linggo matapos makapanganak at naiiba-iba ang lala o severity sa kada babae.

Ang mga sintomas nito ay hirap sa pagtulog, walang gana o sobra kung kumain, labis na pagkapagod at mood swings. Ito ay maaring mauwi sa major depression na ang mga sintomas ay kalungkutan, hopelessness, helplessness at ang pag-iisip ng pananakit ng iba o ng sarili.

Kung ikaw ay nakakaranas ng nasabing sintomas, huwag mag-alala dahil ito ay normal. At isa sa kada pitong babae sa mundo na bagong panganak ang nakakaranas nito.

Para malampasan ang postpartum depression ay may ilang bagay kang maaring gawin. Ito ay ang sumusunod:

Tips para malampasan ang postpartum depression

1. Mag-exercise.

Ayon sa isang pag-aaral sa Australia ang pag-eexercise ay may antidepressant effect sa mga babae na may postpartum depression o PPD. Ang paglalakad-lakad ang isa sa pinakamagandang paraan na gawin ito. Ito ay ayon sa isang pag-aaral na inilathala sa Mental Health at Physical Activity journal.

2. Mag-maintain ng healthy diet.

Ang pagkain ng masusustansiyang pagkain ay isang paraan para gumanda ang iyong pakiramdam at muling lumakas ang iyong katawan. Ngunit mas mabuting kumain ng mga healthy foods ng may kasama para ito ay mas ma-enjoy mo.

3. Magkaroon ng oras sa iyong sarili.

Bagamat ito ay mahirap dahil kailangan mong tugunan ang pangangailangan ng iyong bagong silang na sanggol, mahalagang bigyan mo ng oras ang iyong sarili. Magagawa ito sa pamamagitan ng paghingi ng tulong sa ibang tao tulad ng iyong partner o ina.

Makiusap o pabantayan ang iyong sanggol ng isa o hanggang dalawang oras habang ikaw ay nagbibigay ng oras sa iyong sarili. Maaring ito ay sa pamamagitan ng pagtulog, paglalakad, pagyoyoga o panonood ng sine.

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

4. Maglaan ng oras sa pagpapahinga o pagtulog.

Muli ay kailangan mong humingi ng tulong sa iba upang maisagawa ito habang nakakasigurong nababantayan ng maayos ang iyong anak. Ngunit, kung walang makakapalit sayo sa pagbabantay ay samantalahin ang oras na tulog ang iyong anak para makatulog ka rin at makapagpahinga. Dahil ayon sa isang 2009 study, ang kawalan ng maayos na tulog ang isa sa mga dahilan ng pagkakaroon ng postpartum depression.

5. Kumain ng sea food o mga pagkaing mayaman sa DHA.

Ayon sa isang pag-aaral na inilathala sa Journal of Affective Disorders, ang mga babaeng may mababang level ng DHA ang mas nakakaranas ng postpartum depression. Kontrahin ito sa pamamagitan ng pagkain ng seafood at iba pang pagkaing mayaman sa DHA.

6. Magpasuso ng iyong baby.

Ayon sa isang 2017 study ang breastfeeding ay nakakabawas ng tiyansa ng isang babae na makaranas ng postpartum depression. Dahil ito sa skin-to-skin contact at bonding sa pagitan ng newborn at ina na nagpaparamdam ng love at happiness sa isang babaeng bagong panganak.

7. Makipag-usap sa iba at huwag ihiwalay ang iyong sarili.

Hindi madali ang pinagdadaanan ng isang babaeng bagong panganak. Maliban sa pagod ay makakaranas ka rin ng ilang isyu sa bagong responsibilidad na iyong kinakaharap.

Kaysa itago sa iyong sarili ang mga bagay na ito na nakakabagabag sa iyong isipan mabuting humanap ng mga taong makakausap mo at mapapagsabihan ng iyong nararamdaman. Maaring ito ay isang kaibigan o mga pareho mong mommy na bagong panganak na makakarelate sa iyong nararanasan.

Sa ganitong paraan ay gagaan ang iyong pakiramdam at malalampasan mo ang kalungkutan.

Tandaan, huwag mag-self diagnose. Ang impormasyon na nakasaad dito ay hindi kailanman dapat tratuhin na medical advice. Huwag mag-atubili na kumonsulta sa duktor para sa kahit anong karamdaman.

 

Source: Medical News Today, Healthline, WebMD
Photos: Nice Print Photography, Andi Eigenmann’s Instagram, Philmar Alipayo’s Instagram, Cocoon Studio

Basahin: Andi Eigenmann, nanganak na sa kaniyang baby girl no.2!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • LOOK: Newborn photo shoot ng anak ni Andi Eigenmann at Philmar Alipayo
Share:
  • LOOK: Nabinyagan na ang bunso ni Andi Eigenmann na si Lilo

    LOOK: Nabinyagan na ang bunso ni Andi Eigenmann na si Lilo

  • WATCH: 10-month-old na anak ni Andi Eigenmann, nag-surfing kasama ang kaniyang daddy

    WATCH: 10-month-old na anak ni Andi Eigenmann, nag-surfing kasama ang kaniyang daddy

  • Maitim na kilikili? 12 iba't ibang natural na paraan pampaputi ng kilikili

    Maitim na kilikili? 12 iba't ibang natural na paraan pampaputi ng kilikili

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

  • LOOK: Nabinyagan na ang bunso ni Andi Eigenmann na si Lilo

    LOOK: Nabinyagan na ang bunso ni Andi Eigenmann na si Lilo

  • WATCH: 10-month-old na anak ni Andi Eigenmann, nag-surfing kasama ang kaniyang daddy

    WATCH: 10-month-old na anak ni Andi Eigenmann, nag-surfing kasama ang kaniyang daddy

  • Maitim na kilikili? 12 iba't ibang natural na paraan pampaputi ng kilikili

    Maitim na kilikili? 12 iba't ibang natural na paraan pampaputi ng kilikili

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.