Andi Eigenmann emosyonal na ibinahaging sa Maynila na mag-aaral ang panganay niyang si Ellie.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Ellie Eigenmann sa Maynila na titira para mag-aral ng highschool.
- Andi Eigenmann sa pag-aaral ng anak na si Ellie sa Maynila.
- Pag-alala ni Andi sa yumaong ina na si Jaclyn Jose.
Ellie Eigenmann sa Maynila na titira para sa mag-aral ng highschool
Sa isa sa kaniyang latest vlog ay ibinahagi ng celebrity mom na si Andi Eigenmann na sa Maynila na mag-aaral ang anak niyang si Ellie. Siya ay papasok sa regular school na ayon kay Andi ay na-enjoy daw ng kaniyang anak.
“I love homeschooling. It’s been my dream since I was studying, myself. I’ve always been taught that a homeschool setup is a great way for me to learn and for my kids. But now, it is not about me, it’s about the learner.”
“As for Ellie, she went to normal face-to-face school from preschool up to third grade. For her that was already normal and that works better for her. As a parent, all I can do is guide her into making decisions for her benefit, not mine.”
Ito ang sabi ni Andi sa kaniyang vlog.
Larawan mula sa Instagram
Andi Eigenmann sa pag-aaral ng anak na si Ellie sa Maynila
Ayon pa kay Andi, ito daw ay kagustuhan ng kaniyang anak na nalalapit ng mag-13 years old. At bilang high school student mas mabuti daw na magkaroon ito ng new experience at friends narin. Si Andi inaming nalulungkot na malayo sa kaniya ang anak. Pero ito daw ay para sa ikabubuti ng anak na gagabayan daw doon ng mga kamag-anak niya at pamilya ng ama nitong si Jake Ejercito.
Naiiyak pang kuwento ni Andi, matagal na nilang napagdesisyonan ang pag-aaral ni Andi sa Maynila. Sa katunayan, ay dapat sa ina niyang si Jaclyn Jose ito titira para daw mas magkaroon sana ng quality time ang mag-lola. Pero sa hindi na inaasahan ay bigla itong namayapa.
Larawan mula sa Instagram ni Andi Eigenmann
“We were excited for her to come to regular school since it’s a decision that we’ve had since last year. It was really exciting for her to come to Manila and hopefully be able to spend more time with my mom. So, it’s sad that she didn’t get to wait for Eli to come and be able to spend more time with her. But I know that regardless she’ll be in good hands with our other family members there and her dad’s family members as well.”
Ito ang sabi pa ng emosyonal na Andi Eigenmann tungkol sa pagtira ng anak niyang si Ellie sa Maynila.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!