Andi Eigenmann ibinahagi ang kaniyang exercise routine
Marami ang humahanga kay Andi Eigenmann dahil sa pagiging simple mom niya kahit na ito ay kilalang artista. Isa pang bagay ang pumapasok sa isip kapag narinig ang pangalan niya ay ang pagiging ‘fit at healthy’ kahit na ito ay may tatlong anak na. Sa kaniyang latest vlog, dito niya ipinakita ang sikreto para mapanatili ang magandang postura at hubog ng katawan habang buntis.
LOOK: Andi Eigenmann, ibinahagi ang secret sa kaniyang pagiging fit habang buntis
Sa latest vlog ng celebrity mom na si Andi Eigenmann, madaming nanay raw ang nagtatanong sa kaniya kung paano niya napapanatili ang fit at healthy lifestyle. Kaya naman masaya nitong ibinahagi ang prenatal workout routine habang siya ang 21 weeks pregnant. Matatandaang noong August 30, ibinahagi ni Mommy Andi sa publiko ang magandang balita na ipinagbubuntis niya ang kaniyang pangatlong anak.
Hindi nakalimutang magbigay ng paalala ang aktres sa ehersisyo na kaniyang ginagawa. Ayon sa kaniya, kahit na matagal nang sanay sa exercise ang kaniyang katawan, hindi ibig sabihin nito ay maaaring gayahin ng mga magulang ang kaniyang routine. Mas magadang magpakonsulta muna sa inyong doktor para mabigyan ng abiso kung maaari bang gawin ang mga ehersiyo katulad nito.
Maraming makukuhang benepisyo ang isang buntis sa daily exercise na safe para sa kaniya. Kasama sa routine ni Mommy Andi ang strength training. Nakakatulong ito para maiwasan ang pananakit ng kaniyang likod na normal sa pagbubuntis. Iniiwasan na ni Mommy Andi ang magkaroon ng komplikasyon habang ito ay buntis kaya naman hindi niya nakakalimutang mag-exercise araw-araw.
“It’s important that we keep our body strong and build the stamina in pregnancy especially in time for labor. But i also like this because it helps relieve my lower back pain and gaining myself in gaining all of the extra weight that may lead to complication when i gave birth.”
Dagdag pa ng celebrity mom na siya ay nag-eehersisyo ng maximum 30 minutes araw-araw. Mahalaga ang daily exercise pero kailangan natin na ‘wag i-pressure ang sarili at magpahinga rin kahit papaano. “We should always remember that we need to listen to our body.” Ito ang isa pang advice ni Andi para sa mga pregnant mom katuald niya.
Makakatulong din ang pagkakaroon ng journal sa daily exercise o workout ayon kay Mommy Andi Eigenmann. Ito ay para ma-track mo ang iyong physical activities at para malaman kung masyado mo na bang pinapagod ang sarili mo.
Nagsimulang magsama si Andi at Philmar Alipayo noong 2017. Ipinanganak din ni Andi Eigenmann noong July 23, 2019 ang kaniyang unang anak na si Keliana Alohi Eigenmann Alipayo o baby Lilo sa kaniyang parter na si Philmar na sikat at professional surfer.
Kegel exercise vs UTI
Kahit na ang UTI at madalas na pag-ihi ay normal sa pagbubuntis, uncomfortable pa rin para ating mommies ang gumising ng ilang beses sa gabi para umihi lang. Pagkatapos manganak, saka lang ito mawawala.
Sa tulong ng Kegel exercise, magagawa nitong maituwid ang iyong bladder. Maaari mong gawin ang exercise na ito ngunit mas maganda kung magpakonsulta muna sa iyong doktor para mabigyan ng tamang advice sa pagsasagawa nito.
- Bigyan ng matinding suporta ang muscle sa iyong pelvic.
- I-hold ang iyong muscle hanggang sa 10 seconds o hanggang sa iyong makakaya.
- I-relax ang iyong muscles.
- Ulitin ito hanggang 15 times.
Bukod dito, maiiwasan din ang pag-ihi madalas ng buntis kung titigilan muna ang pag-inom ng caffeinated drinks. Iwasan muna rin ang pag-inom ng tubig bago matulog sa gabi.
Talaga nga namang maraming benepisyo ang daily exercise sa mga buntis kasama na ang healthy diet para mapanatili ang pagiging fit. Ngunit lagi nating tatandaan na bago uminom ng gamot o sumubok ng physical activities, kailangang humingi muna ng payo sa inyong doktor para mabigyang ng tamang abiso o medication.
Source:
BASAHIN:
Andi Eigenmann sa pag-surf habang buntis: “It’s my personal choice of exercise.”
LOOK: Bangs Garcia, ipinakita ang kaniyang 2-month postpartum body
Third trimester pregnancy guide: Lahat ng dapat mong malaman