Andi Eigenmann sa pag-surf habang buntis: "It's my personal choice of exercise."

lead image

Dalawang araw na nakalipas ng nag-post si Andi Eigenmann ng picture niya na ready to brave the waves kasama ang kanyang surfboard at syempre ang kanyang pitong taong gulang na anak na si Ellie at ang nobyo nito na pro surfer na si Philmare Alipayo, na nakangiti pareho sa kanyang tabi sa picture.

Noong nakaraan ngang linggo, nag-post din si Philmar ng video na in-action pang nagsu-surf.

Halo ang reactions mula sa netizens

Anim na buwan na ngang buntis si Andi Eigenmann sa kanyang pangalawang anak at dahil sa pinost niyang picture niya na nagsu-surf maraming nagre-react dito. Mixed reactions ang nakukuhang komento ng aktres patungkol sa kagustuhan niyang ipagpatuloy mag-surf.

May mga ibang netizens ang masaya para kay Andi at pinuri pa siya sa pagpapanatiling malakas sa kanyang sarili. Isang netizen ay nagkomento ng, "I rem (remember) when I was preg (pregnant) with my son I feel sooo strong tinibag ko pa un (yung) pader namin, mother knows their limits, pag happy ang mommy happy din ang baby."

Mayroong ding nagkomento ng, "astig" at "badass mom."

Pero siyempre sa kabilang banda meron ding nagpahayag ng concern para sa baby at pinayuhan si Andi na mag-ingat. Meron ding iba na nakiusap pa kay Andi na hintayin na lang muna niyang ipanganak niya ang kanyang baby girl kay Philmar.

"Oh you have control on the board but you don't have control on the wave. Please be safe," pahayag ng isang netizen. Mayroon namang isa na nagkomento ng pagalit, "Ayusin mo nga buhay mo! Magpaka-nanay ka nga!"

May isang fan naman na malungkot na kinomento, "So sad, for publicity lahat, fan ako and mother, may ibang paraan for exercise poydi (pwede) kang maglakad dyan, wala ng question sa panganay mo kung anong nangyari, it's number two ingat din, not for fun. Minsan being a mother need nang sacrifice and good image. Kapit ka na lang bb."

May isa namang netizen overseas ang nagtanggol kay Andi after ng mga ilang mga payo at bash sa kanya, "Just relax people. She knows how to swim. No problem kung madulas or what? She is not stupid. Go Andi... #hugsfromnorway"

Tugon ni Andi sa isang post

Upang ma-clear ni Andi ang tungol sa kanyang pagsu-surf, nag-post muli ito ng litrato na in-action pa siyang nagsu-surf at sinabi niya sa kanyang caption, "Another day in paradise. #25weeks"

Dagdag nga niya, "Note: I surf with (just enough) knowledge of what I am doing, with my doctor’s permission, and with a professional surfer @chepoxz (Philmar) guiding me and making sure that the baby and I are ok. It’s my personal choice of exercise but doesn’t mean that its ok for every other pregnant lady to do this. Every person and every body is different. (Peace emoji) to all!"

 

Source: CosmoPH

Basahin: LOOK: Newborn photo shoot ng anak ni Andi Eigenmann at Philmar Alipayo

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner