Philmar Alipayo sumalang sa isang medical procedure para sa puso

Ayon kay Andi, ang test ay ginawa para ma-check kung nasa healthy status si Philmar na mayroong congenital heart defect.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Andi Eigenmann fiancé na si Phimar Alipayo may congenital heart defect. Celebrity mom may paalala sa mga netizens.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Andi Eigenmann fiancé na si Philmar Alipayo may congenital heart defect.
  • Status ng kalusugan ni Philmar.

Andi Eigenmann fiancé na si Philmar Alipayo may congenital heart defect

Larawan mula sa Instagram

Sa Instagram ay ibinahagi ng celebrity mom na si Andi Eigenmann ang pagsailalim sa isang medical procedure ng fiancé niyang si Philmar Alipayo. Ayon kay Andi, may congenital heart defect na taglay si Philmar. At kinailangan niyang sumalang sa test para ma-check kung nasa healthy status ba ang kaniyang puso. Ito ay matapos makaranas si Philmar ng mga sintomas na nagpapahirap sa kaniya.

“Well wishes for Papa as he goes under a transesophageal echocardiogram procedure today (to relieve a bit of difficulty he has been experiencing from a congenital heart defect). Hopefully he will be back to his 100 percent soon after.”

Ito ang caption ng post ni Andi sa Instagram. Kalakip ang larawan ni Philmar sa ospital na may nakakabit na aparato sa kaniyang katawan. Si Andi nasa tabi lang ng kaniyang fiancé.

Sa parehong IG story post ay may pahabol na paalala rin si Andi sa mga netizens.

“You never have any idea what people are dealing with in their personal life so just be nice. It’s that simple.”

Ito ang sabi ni Andi.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram

Status ng kalusugan ni Philmar

Larawan mula sa Instagram account ni Andi Eigenmann

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Philmar humingi rin ng prayers sa kaniyang followers sa Instagram. Hiling niya sana ay maging maganda ang resulta ng kaniyang test at makabalik na siya sa athletic mode o pagiging active.

Awa ng Diyos, matapos ang test, si Andi masayang ibinahagi na maganda ang naging resulta ng naging procedure kay Philmar. At ito ay maaring magbalik na sa active niyang lifestyle. Ang professional surfer pinasalamatan ang kaniyang fiancée na si Andi na hindi nawala sa tabi niya.

“Salamat karajaw mahal ko na ini kaw permi nag soporta sa tapad nako. I love you so much @andieigengirl.”

Ito ang mensahe ni Philmar kay Andi.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ngayong taon sana nakatakda ang kasal ni Andi at Philmar. Pero dahil sa pagkasawi ng ina ni Andi na si Jaclyn Jose ay hindi muna ito matutuloy ayon mismo kay Andi.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement