Andi Eigenmann, gulay at hindi bouquet ang natanggap mula sa boyfriend na si Philmar

Marami ang ang natuwa sa pinakitang kasimplehan ng pamumuhay nina Philmar Alipayo at Andi Eigenmann.

Muling napa-‘aww’ ang netizens sa ibinahagi na picture ni Philmar Alipayo, husband-boyfriend ng aktres na si Andi Eigenmann. Sa Instagram picture nito, ipinakita nila ang simpleng pamumuhay sa Island ng Siargao.

Binigyan rin ni Philmar ng kakaibang flower ang nobya nitong si Andi!

Andi Eigenmann, gulay at hindi bouquet ang natanggap mula sa boyfriend na si Philmar

Sa Instagram post ng surfing champion na si Philmar Alipayo, makikita na hawak hawak ng kanyang nobyo na si Andi Eigenmann ang regalo nitong bulaklak na gawa sa gulay.

Andi Eigenmann and her husband/boyfriend, Philmar Alipayo | Image from Philmar Alipayo Instagram

Ang post ay may caption na,

“Ato first pic! Remember i give you pichay instead of a flower. Mingaw nako sa imo mahal ko.”

Sinabi nito na binigyan niya ng regalong petchay imbes na bulaklak ang nobyang si Andi.

Samantala, bumuhos naman ang mga positibong komento ng netizens sa picture ng dalawa. Marami ang ang natuwa sa pinakitang kasimplehan ng kanilang pamumuhay.

Nagsimulang magsama si Andi at Philmar Alipayo noong 2017. At ipinanganak din ni Andi Eigenmann noong July 23, 2019 ang kanyang daughter na si Keliana Alohi Eigenmann Alipayo o baby Lilo sa kanyang partner na si Philmar na sikat at professional surfer.

Kasalukuyan silang nakatira ngayon sa Siargao habang nagpapalakad ng kanilang business.

Kilala si Andi Eigenmann sa pagiging simpleng mommy sa kanyang mga kids na si baby Lilo at Ellie. Sa kanyang IG post kahapon, ibinahagi nito na ang dahilan kung bakit hindi niya binibigyan ng maraming laruan ang kanyang mga anak

Andi Eigenmann: I don’t believe in showering my kids with so many toys

Hindi natin maitatanggi na marami ang humahanga kay Andi Eigenmann dahil sa pagiging simpleng mommy nito sa kanyang dalawang kids na sina Ellie na 8 years old at si baby Lilo na 10-month-old.

Andi Eigenmann and her husband/boyfriend, Philmar Alipayo | Image from Andi Eigenmann Instagram

Ibininahagi ni Mommy Andi sa kanyang Instagram account kung bakit hindi niya binibigyan ng maraming laruan o luho ang kanyang mga anak. Simula kasi ng tumira sila sa Siargao, nasanay na sila sa ‘minimal life’ kasama ang kanyang boyfriend na si Philmar Alipayo.

Ayon kay Mommy Andi, dahil lumalaki na si baby Lilo, hindi na ito parating natutulog katulad noon. Kaya naman ipinahiram nito ang mga lumang laruan ni Ellie kay baby Lilo.

“Back on the island it was so much easier to get Lilo to chill out. Now, this girl just won’t take naps anymore! I dont know if its due to over- stimulation, because we decided to bring out a couple of Ellie’s old wooden toys for her to play with. Something she is not st at all used to because on the island.”

Pero ang nakakagulat ay hindi ito nilalaro ni baby Lilo. Sanay kasi ito na ang lauan ay mga lumang buko at mga maninipis na kahoy.

“Lilo has been used to playing with whatever nature supplies us with- an old buko or a bunch of twigs! lol being on quarantine and unable to go out shopping, it made it clearer how even less our children really need to be happy.”

Andi Eigenmann and her husband/boyfriend, Philmar Alipayo | Image from Andi Eigenmann Instagram

Bukod rito, proud na proud din si Mommy Andi sa kanyang panganay na si Ellie dahil nagkukusa itong i-donate ang mga lumang laruan niya.

“I don’t believe in showering my kids with so many toys (specially at this age). Although I wasn’t always this type of parent. But when I switched to a more minimal life. Ellie also decided to donate her toys to those in need. And I just love what kind of person it has helped her become.”

Dito na-realized ni Mommy Andi na hindi kailangan ng madaming laruan ng kanyang anak para lang maging masaya. Ibinahagi rin niya na nakakatulong ito para sa kanyang mga kids na pahalagahan ang mga bagay na mayroon na sila.

Dahil sa quarantine, isang bagay ang naturo nito sa kanyang pamilya. Ang maging simple at hindi maghangad ng sobra-sobra.

 

Source:

ABS-CBN

BASAHIN:

Ang bilis ng panahon! Andi Eigenmann ipinagdiwang na ang first birthday ni Baby Lilo

Sinulat ni

Mach Marciano