LOOK: Andi Eigenmann, Philmar Alipayo at kanilang mga anak, enjoy sa bakasyon sa France!

Philmar muli ring nakasama ang French niyang anak na si Kanoa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Andi Eigenmann masaya na sa wakas ay natuloy na ang family vacation nila ni Philmar sa France.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Andi Eigenmann nag-share ng masayang family vacation sa France
  • Bonding moments at bakasyon ng pamilya ni Andi Eigenmann

Andi Eigenmann nag-share ng masayang family vacation sa France

Larawan mula sa Instagram account ni Philmar Alipayo

Kitang-kita ang saya ni Andi Eigenmann sa bakasyon ng kanilang pamilya sa France ngayon. Ang mga tagpo sa naturang bakasyon ibinahagi ni Andi sa kaniyang Instagram account. Tulad nalang ng unang araw nila sa Hendaye, isang town sa France na malapit sa beach at border ng Spain.

Ayon pa kay Andi, 4 years din nilang pinalano ang trip na ito ni Philmar. At ngayon masaya siya na natuloy na ito kasama pa ang dalawang anak nilang si Lilo at Koa. Syempre kasama ang panganay ni Andi na si Ellie.

“Walking around on our first morning in Hendaye. This Basque town is the first place on our travel bucket list. After four years and + 2 kids, we finally made it! Making the feeling even much sweeter.”

Ito ang caption ng IG post in Andi na kung saan makikita ang masayang nilang pag-iikot sa nasabing bayan sa France. Mula sa pag-ikot ng croissants, oyster at pati na ang pag-spend ng oras sa isang outdoor restaurant ay kasama daw sa bucket list ni Andi na magawa sa Hendaye.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa isa pang IG post makikitang nag-ienjoy ang mga anak ni Andi na sina Ellie, Lilo at Koa sa beach. Sa larawan ay makikitang naroon si Philmar kasama ang anak niyang si Kanoa na isang French.

Base sa post ni Andi, nai-enjoy ng kanilang pamilya ang beach evenings sa Handaye town sa France. Dahil sa 10pm na ang sunset dito mas nagkakaroon sila ng mas maraming oras na mag-swimming at gumawa ng activities sa tabing dagat.

“It’s been beach evenings for us over here in this Basque beach town. We’ve been loving the European summer weather and the 10 PM sunsets. It offers more time to enjoy our surroundings, more time to rest in between, and more time to eat.”

Ito ang sabi pa Andi.

Muling pagkikita ni Philmar at French niyang anak na si Kanoa

Larawan mula sa Instagram account ni Philmar Alipayo

Samantala, sa IG account naman ni Philmar ay makikitang nagkaroon sila ng bonding moments ng anak niyang si Kanoa. Base sa caption ng post ni Philmar na “Walked him home” ay nakatira sa parehong town na binisita nila ni Andi ang kaniyang French na anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito nga ay hinatid niya sa tinitirahan nito na kung saan nanguha pa sila ng blackberries sa daan. Si Philmar maririnig rin sa maikling video na ibinahagi niya na nakikipag-usap siya sa anak sa salitang French.

Sa IG stories ni Philmar ay makikita rin ang pagbaha ng pagbati ng “Happy birthday”. Isang paliwanag kung bakit naisipan nila ni Andi na magpunta sa France at makasama ang anak ni Philmar na si Kanoa.

Bonding moments at bakasyon ng pamilya ni Andi Eigenmann

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Andi Eigenmann

Samantala, bago pa ang pagbisita ng pamilya nina Andi at Philmar sa France ay nag-spend rin sila ng bakasyon sa Bali, Indonesia. Ito ay tinaon naman nila sa 32nd birthday ni Andi nitong Hunyo. Ito rin daw ang kauna-unahang out of the country trip ni Andi kasama si Philmar at mga anak na sina Ellie, Lilo at Koa.

“Been dreaming about this moment! To me, there is no better way to make cherishable memories than to travel the world with my family. We were finally able to do it!”

“With the pandemic, money saving, (and even the kids getting sick and us having to push back our entire trip to give them time to get better), it sure feels so much sweeter to finally be here! For our first #HappyIslandFam vacation, we decided to go to Bali, Indonesia!”

Ito ang sabi ni Andi sa IG post na kung saan ibinahagi niya ang naging biyahe nila pa-Indonesia.

Dagdag niya pa, ang pagbibiyahe niya kasama ang mga anak ay naisipan niya daw gawin sa impluwensiya ng kuya niyang si Gabby Eigenmann. Kakaiba nga naman daw kasi ang feeling na maka-travel at ma-discover ang iba’t ibang bahagi ng mundo kasama ng iyong mga anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I got inspired my brother shout out to Mr. Gabby Eigenmann who made me realized how much more fun to see the world and make memories not just by yourself but with your kids regardless if they will remember it or not. Because the memories anyway are for me. They are for me and Papa. They’re for us to cherish for the rest of our lives.”

Ito ang sabi pa ni Andi tungkol  sa naging Bali, Indonesia trip nila ni Philmar at mga anak niuang sina Ellie, Lilo at Koa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement